29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

9. Elohim na aking muog, II Samuel 22:3; Awit 18:2

10. Elohim na aking kutang tanggulan, Awit 43:2

11. Elohim na aking papuri, Awit 109:1 (Ang talang ito ay mula sa BDB p. 44, #4, b.)

NASB “dakong tahanan”

NKJV “ang paunten ni Jacob lamang”

NRSV “ang di-magambalang tahanan ni Jacob”

TEV --------

NJB “ang pinagbubukalan ni Jacob ay piniling lubos”

Ang terminong ito (BDB 733) ay maaring tumutukoy sa isang pugad ng hayop (cf. Job 37:8; 38:40;

Amos 3:4) o isang metaporikal para sa kublihang inaalok ng Diyos para sa Kanyang bayan (tanging dito

lang). Isang kahawig na konsepto ay matatagpuan sa Awit 71:3; 91:9.

“sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig” Ito ay isang metapora para sa:

1. pakikipaglaban ni YHWH para sa kanila (cf. linya c, v. 29)

2. walang katapusang pag-aaruga at atensyon ni YHWH

Si YHWH ay ang Diyos na umaaksyon! Posibleng ito ay alusyon sa Genesis 49:24 (mga linya b & c).

“Lasagin” Ang PANDIWA (BDB 1029, KB 1552, Hiphil PAUTOS) na ito ay nangahulugang “na puksain.”

Ito ay bahagi ng terminilohiya ng “banal na labanan,” cf. 1:27; 2:22; 6:15; 9:20; Josue 7:12; 9:24. Kung

ang Israel ay masunurin sa tipan Siya ang makikipaglaban para sa Kanila, ngunit kung hindi, Siya ang

lalaban sa kanila!

Ang mga Israelita ay inaasahan na maghanda para sa labanan at kunin ang lugar laban sa kanilang mga

kaaway, ngunit si YHWH ang nagpapanalo sa labanan!

33:28

NASB “ang bukal ni Jacob ay nakatago”

NKJV “Ang bukal ng Jacob na nagiisa”

NRSV “di-magambala ay ang pinanahanan ni Jacob”

TEV -----------

NJB “ang pinagbubukalan ni Jacob ay piniling lubos”

“Bukal” (BDB 745 II) ay nangahulugang “balon” at tumutukoy sa mga inapu. Ang terminong “liblib”

(BDB 94, “nag-iisa”) ay isang metapora para sa seguridad.

33:29 Ang talatang ito ay gumagamit ng “banal na labana” na terminolohiya upang ilarawan ang

pagpapalaya ni YHWH mula sa Ehipto, mula sa desyeerto, at mula sa mga taga-Canaan!

MGA TALAKAYANG TANONG

Ito ay isang komentaryong gabay sa pag-aaral, na nangangahulugan na ikaw ay may pananagutan sa

iyong sariling interpretasyon sa Bibliya. Ang bawat isa sa atin ay dapat lumakad sa liwanag na mayroon

tayo. Ikaw, ang Bibliya, at ang Banal sa Espiritu ay pangunahin sa interpretasyon. Hindi mo dapat iasa ito

sa taga-pagsuri.

Ang mga talakayang tanong na ito ay inihanda upang tulungan kang mag-isip sa pamamagitan ng mga

pangunahing paksa sa bahaging ito ng aklat. Ito ay nangahulugang dapat maging mapukaw-isip, hindi pang

kahulugan lamang.

391

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!