29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

yaon; sapagkat ang bitin ay sinumpa ng Diyos; upang huwag mong ihawa ang iyong lupa na

ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos, na ipinamana.

21:22 “iyong ibitin siya sa isang punong kahoy” Tingnan ang Natatanging Paksa na sumusunod.

NATATANGING PAKSA: PAGBITIN

Ang PANDIWA “pagbitin” (BDB 1067, KB 1738) ay may dalawang kaunawaan:

1. sa literal, ibitin sa pamamagitan ng isang lubid

a. Arabe, “hayaang ihulog ang lubid”

b. isang Hebreong kasanayan, II Samuel 17:23 at NT, Mateo 17:5

c. isang kasanayan sa Babilonya, Kodigo ni Hammurabi

d. isang Persyanong kasanayan, cf. Ezra 6:11; Esther 5:14; 7:9-10; 9:13,25

2. tusukin ang tao ng isang matulis na sibat

a. isang Ehipsiyong pamamaraan, cf. Genesis 40:19; 41:13

b. isang pamamaraan ng Babilonya, cf. Kodigo ng Hammurabi

c. isang pamamaraan ng Assirya

Kadalasang ito ay ginagawa pagkatapos na ang isa ay pinatay sa pamamagitan ng ibang paraan

bilang isang kaparaanan ng pagpapahiyang pangmadla. Ang karampatang paglilibing ay napakahalaga

sa sinaunang bayan at nakakaapekto sa kanilang pananaw ng isang malugod na pagkatapos ng buhay

(e.g., Deuteronomio 21:23).

Sa ang Bibliya mismo, ito ay mahirap malamang may katiyakan kung ang #1 o #2 sa itaas ang

tama. Maliwanag sa Deuteronomio 21:22-23; Josue 10:26-27; I Samuel 31:10,12; II Samuel 4:12;

21:12, ang mga taong na nalalantad sa lahat ay patay na, ngunit ano ang patungkol sa Josue 8:29 at II

Samuel 21:9

Ang mga rabbi ng panahon ni Hesus ay nakita ang tekstong ito na pumapatungkol sa pagpapapako

sa krus. Ang mga pinunong pang-relihiyon ay nagnais sa ipako sa krus si Hesus upang, bilang isang

nagpapanggap na Mesias, Siya ay maaaring sumpain ni YHWH (cf. Deuteronomio 21:23). Ang

karaniwang kamatayan para sa pamumusong ay pagbato. Madalas kong naririnig ito na sinasabing ang

mga Hudyo pinuno ng kapanahunan ni Hesus ay walang legal na karapatan sa parusang kamatayan sa

ilalim ng pamumuno ng Roma, kaya kanilang dinala si Hesus kay Pilato upang Siya ay patayin.

Gayunman, binato nila si Esteban (cf. Mga Gawa 7) na walang pahintulot sa Roma. Bakit hindi kay

Hesus Nais nilan mapako Siya sa krus upang ipahayag, hindi lamang kamatayan at kahihiyang

pangmalda, ngunit ang sumpa ng Diyos!

21:23 “walang pagsalang siya'y iyong ililibing” Ito pinatinding balangkas ay pinagsama ang PAWATAS

NA TIYAK at Qal DI-GANAP ng “paglibing” (BDB 868, KB 1064). Ang poot ni YHWH ay nangangailangan

ng kamatayan may sala bilang kabayaran sa kanyang sutil na paghihimagsik. Gayunman, ang kawalang

kasiyahan ni YHWH ay maaaring mailipat sa komunidad kung ang katawan ng binitay na lumabag sa

kasunduan violator ay hindi pinakitunguhan nang wasto at sa isang napapanahong paraan.

“(sapagkat ang bitin ay sinumpa ng Diyos)” Tingnan ang Galacia 3:13 para sa paggamit ni Pablo ng

pariralang ito. Nakita ni Pablo ang panghaliling kamatayan ni Hesus bilang pagpataw sa Kanyang sarili

ng sumpa ng Mosaikong kautusan. Sa orihinal ang sumpang ito ay nauugnay sa mga wastong

pamamaraan ng paglibing sa banal na lupain.

NATATANGING PAKSA: SUMPA

Ang Hebreong terminong “sinumpas” (BDB 887, KB 1105) ay ginamit sa dalawang kaunawaan:

1. ang mga sumpa ng bayan laban sa bayan (karaniwan sa sinaunang mundo) - Mga Hukom

9:57; II Samuel 16:12; I Mga Hari 2:8; Mga Awit 109:17-18; Kawikaan 27:14

255

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!