29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

“huwag kang matatakot sa kanila” Ang PANDIWANG ito (BDB 431, KB 4387, Qal DI-GANAP) ay isang

inuulit na paksa sa mga konteksto ng banal na pakikidigma (cf. 1:21,29; 3:2,22; 7:18; 20:1,3; 31:6,8).

Hindi dapat sila matakot sa kapangyarihan o bilang ng kanilang mga kaaway na Cananeo, ngunit sila ay

dapat matakot kay YHWH (cf. 4:10; 5:29; 6:2,13,24; 10:12,20; 13:4; 14:23; 17:19; 28:58; 31:12,13),

dahil Siya ay isang kamangha-manghang Diyos (katulad ng Hebreong termino, cf. 7:21; 10:17; 28:58).

“sapagkat ang PANGINOON mong Diyos, na siyang naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto” Tingnan

ang Exodo 14:26-28 para sa isang sanggunian sa pagpapalaya ng Diyos sa Kanyang bayan mula sa

Faraon. Ang pagtitiwala ay nakabatay sa:

1. Nakalipas na kapahayagan sa mga Patriyarka

2. Mahimalang pagpapalaya mula sa Ehipto

3. Mahimalang mga pagtutustos sa paglalagalag sa ilang

4. Mga tagumpay sa silangang panig ng Jordan

20:2 “ang saserdote ay lalapit at magsasalita sa bayan” Ang mga rabbi ay tawag sa taong ito na “ang

piniling saserdote ng digmaan.” Bago ang digmaan, ang saserdote ay nagpaalala sa kanila na maging

matapang dahil ang Diyos ay kasama nila. Kahit ang ilang ay namatay sa digmaan, ay Diyos may patuloy

na kakalingain sila at ang kanilang mga pamilya.

20:3-4 Pansinin ang kalipunan ng mga pagpapaalala (“pagkingggan” BDB 1033, KB 1570, Qal PAUTOS) ng

ang saserdote sa talata 3:

1. “huwag manglupaypay ang inyong puso” - BDB 939, KB 1236, Qal DI-GANAP, ngunit JUSSIVE

sa kahulugan, cf. Isaias 7:4; Jeremias 51:46

2. “huwag kayong matakot” - BDB 431, KB 432, Qal DI-GANAP, ngunit JUSSIVE sa kahulugan,

tingnan ang tala sa v. 1

3. “huwag kayong manginig” - BDB 342, KB 339, Qal DI-GANAP, ngunit JUSSIVE sa

kahulugan, cf Job 40:23 (examples: I Samuel 23:26; II Mga Hari 7:15; Mga Awit 48:5)

4. “huwag kayong maduwag dahil sa kanila” - BDB 791, KB 888, Qal DI-GANAP, ngunit JUSSIVE

sa kahulugan, cf. 1:29; 7:21; 31:6; Josue 1:9

Ang dahilan ng tiwala ay inihayag sa v. 4:

1. “Sapagka't ang PANGINOON ninyong Diyos ay siyang yumayaong kasama ninyo” - BDB 229,

KB 246, Qal TAHAS NA PANDIWARI

2. “upang ipakipaglaban kayo” - BDB 535, KB 526, Niphal PAWATAS NA KAYARIAN

3. “upang kayo'y iligtas” - BDB 446, KB 448, Hiphil PAWATAS NA KAYARIAN

20:5-8 “ang mga pinuno” Ito ay isang natatanging Hebreong salita (BDB 1009) na minsan ay ginagamit

na may kinalaman sa mga lokal na hukom o pinunong panghukbo. Ito ay nangangahulugang “ang mga

kinatawan mula sa bawat angkan” (cf. 1:15; 29:10; 31:28). Ang mga pinuno ay gumagawa ng mga

paghatol sa kahit anong mga pasubali.

Ito ay isang tala ng mga pasubali na hindi ipinapahintulot ang isang Israelita na hindi sumama sa

digmaan:

1. Ang isa na nagtayo ng isang bagong bahay at hindi pa ito natatalaga, v. 5 (maliwanag na isang

hinaharap pangyayari; walang tala ang kalikasan o layunin ng pamamaraang ito na nakatala sa

OT, ngunit ang termino ay katulad ng isa na itinatalaga ang templo, BDB 335 II).

2. Ang isa na nagtatamin sa ubasan at hindi pa nagagamit ang bunga nito, v. 6 (maliwanag na

isang hinaharap pangyayari, ang ubasan ay tumatagal ng tatlong taon upang mamunga, cf.

Levitico 19:23-25).

3. Ang isa na may kasunduan sa pagpapakasala, ngunit hindi pa kinakasal, v. 7, cf. 24:5.

4. Ang isa na natatakot o nanlulupaypay ang puso, v. 8, sapagkat ito ay maaaring magdulot sa iba

na matakot, cf. Mga Hukom 7:3; I Macc. 3:56.

Mga Bilang 1, 2, at 3 ay nauugnay sa mga isyu ng man. Ngunit sila rin ay maaaring makita sa liwanag

243

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!