29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

ng mga lalaking Israelita!

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 21:15-17

15 Kung ang isang lalaki ay may dalawang asawa, na ang isa'y sinisinta, at ang isa'y

kinapopootan, at kapuwa magkaanak sa kaniya, ang sinisinta at ang kinapopootan; at kung ang

maging panganay na lalaki ay sa kinapopootan: 16 Ay mangyayari nga sa araw na kaniyang

pagmanahin ang kaniyang mga anak ng kaniyang tinatangkilik, ay hindi niya magagawang

panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng kinapopootan, na siyang panganay;

17 Kundi kaniyang kikilalaning panganay, ang anak ng kinapopootan sa pamamagitan ng

pagbibigay sa kaniya ng dalawang bahagi sa buong kaniyang tinatangkilik; sapagkat siya ang

pasimula ng kaniyang lakas; ang karapatan nga ng pagkapanganay ay kaniya.

21:15 Ang talataang ito ay kinikilala ang pangkulturang pag-aasawa nang marami. Ang unang halimbawa

sa OT ay si Lamech (Genesis 4:23). Ang pinakasikat na sinaunang maraming asawa ay si Jacob sa

Genesis 29. Ang pag-aasawa nang marami ay ginagawa na mayayaman o makapangyarihang bayan,

hindi kadalasan sa karaniwang bayan (bagaman ang vv. 10-14 may ay tumukoy sa pag-aasawa ng

dalawa).

Ang tiyak na motibo para sa gawain ay di-tiyak:

1. sekswal

2. pampag-anak (isang tagapagmana)

3. ekonomiko

a. pagtulong sa mahirap na pamilya

b. isang paraan upang makakuha ng kayamanan at kapangyarihan

c. isang paraan ng paghahawak na mga naiwan ng digmaan

4. pagsasanib pampulitika upang tulungan ang mga karatig na mga bansa na mapanatili ang

kapayapaan (i.e., David, Solomon)

“kinapopootan” Ito sa literal ay “kinasusuklaman” (BDB 971, cf. vv. 15[dalawang beses],16,17).

Ngunit ito ay gumaganap dito bilang isang Hebreong kataga ng paghahambing—inibig laban sa di-inibig

(cf. Genesis 29:30-31; Malakias 1:2-3; Roma 9:13 [quotes Malakias 1:2-3]; Lucas 14:26).

“panganay na lalaki” Ang karapatan ng panganay ay natatag kahit na kung siya ay anak ng di-inibig

(cf. v. 17; Exodo 13:14-15; Levitico 3:12-13).

21:17 “dalawang bahagi” Ang Hebreong kataga (BDB 804, “bibig” at BDB 1040, “dalawa”) ay ginamit

din sa pagnanais nauugnay ni Eliseo kay Elias sa II Mga Hari 2:9. Ito ay ang tanging lugar sa OT na ang

dalawang bahaging ito ay tiyakang binanggit. Kung may dalawang anak, ang mag nakakatanda may

makatanggap ng dalawang-ikatlo at ang nakakabata ay isang-ikatlo; kung tatlong mga anak,

samakatuwid, 50%, 25%, 25%, atbp.

Ito ay nakakawili na ang pagkamakasaysayan ng mga kautusan ay naipakita sa pamamagitan ng

mga arkeolohikong pagsusuri ng mga kodigo ng sinaunang kautusan:

1. Si Jacob sa Genesis 49 ay nagkaloob sa lahat ng kanyang labindalawang mga anak na

magkakatumbas na mana. Ito ay ipinahayag sa Kodigo ni Hammurabi

2. Dito, ang pagkabanggit ng isang dalawang bahagi para sa panganay ay katulad ng mga tableta

sa Nuzi at Mari.

3. Ang mga pagkakaibang natala sa Banal na Kasulatan ay nagpapahayag ng mga pagkakaiba

kanilang pagkasalukuyang kultura (tingnan ang The Old Testament Documents ni Walter C.

Kaiser, Jr., p. 86).

252

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!