29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawa't bagay na nagmumula sa bibig ng PANGINOON.

4 Ang iyong suot ay hindi naluma sa iyo, ni hindi namaga ang iyong paa nitong apat na pung

taon. 5 At iyong pagmunimuniin sa iyong puso, na kung paanong pinarurusahan ng tao ang

kaniyang anak, ay gayon pinarurusahan ka ng PANGINOON mong Diyos. 6 At iyong tutuparin

ang mga utos ng PANGINOON mong Diyos, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at matakot ka

sa kaniya. 7 Sapagka't dinala ka ng PANGINOON mong Diyos sa isang mabuting lupain, na lupain

ng mga batis ng tubig, ng mga bukal at ng mga kalaliman, na bumubukal sa mga libis at mga

bundok. 8 Lupain ng trigo at ng sebada at ng puno ng ubas at ng mga puno ng igos, at ng mga

granada; lupain ng mga puno ng olibo at ng pulot: 9 Lupain na kakainan mo ng tinapay na di

kapos, na walang magkukulang sa iyo roon; lupain na ang mga bato ay bakal, at ang kaniyang

mga burol ay makukunan mo ng tanso. 10 At kakain ka, at mabubusog ka, at iyong pupurihin

ang PANGINOON mong Diyos dahil sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa iyo.

8:1 “Ang lahat ng utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito” Pansinin ang PANGNGALAN (BDB 846,

tingnan ang Natatanging Paksa sa 4:1) at PANDIWA (BDB 845, KB 1010, Piel PANDIWARI) ay

MAGKAUGNAY (mula ang katulad na salitang-ugat).

“ay inyong isasagawa” Ang PANDIWA (BDB 1036, KB 1581, Qal DI-GANAP, tingnan ang tala sa 6:12)

ay kadalasang ginagamit sa Deuteronomio (cf. Qal, 4:2,6,9,40; 5:1,10,12,29,32; 6:2,3,17[na dalawang

beses],25; 7:8,9,11,12[na dalawang beses]; 8:1,2,6,11; 10:13; 11:1,8,22[na dalawang beses],32; Niphal

2:4; 4:9,15,23; 6:12; 8:11; 11:16). Ang talatang ito ay nagpapakita na ang pag-ibig sa kasunduan

pakikipag-ugnayan at pagsunod ay paraan ng Diyos ng pagpapala sa sangkatauhan at pagtupad ng Kanyang

mga pangako (cf. vv. 2,6,16, 18; 4:1).

“ariin ang lupain” Tingnan ang Natatanging Paksa sa ibaba.

NATATANGING PAKSA: ARIIN ANG LUPAIN

Ang PANDIWANG ito (BDB 439, KB 441, Qal GANAP) ay ginamit nang paulit-ulit na nauukol sa:

1. Pangako/panunumpa ni YHWH sa ang mga Patriyarka (cf. 1:8; 10:11)

2. Ang pagkilos ng Israel sa mga pangako at pagsakop sa lupain (cf. 2:24; 3:18-20)

3. Ito ay natutulad sa “mana” (3:28)

4. Kailangang sundin ng Israel ang kasunduan upang mapanatili ang pagtataglay ng lupain (cf.

4:1,5,14; 6:1; 8:1; 11:8- 9,26-32)

8:2 “aalalahanin” Ang PANDIWANG ito (BDB 269, KB 269, Qal GANAP, cf. 5:15; 7:18[na dalawang

beses]; 8:2,18; 9:7,27; 15:15; 16:3,12; 24:9,18,22; 25:17; 32:7), “tandaan,” ay ginamit sa dalawang mga

paraan sa OT. Ito ay ang pangangailangan ng sangkatauhan sa kasunduan na alalahanin ang mga

pagkilos ng Diyos at Kanyang mga kautusan. Ito ay isang Hebreong kataga, “panatilihin ang pagiginguna

ng Diyos.” Ito ay hiling ng sangkatauhan na huwag alalahanin ng Diyos ang ating mga kasalanan.

“sa ilang” Ang Israel (i.e., ang kanyang mga rabbi) ay nagbalik-tanaw sa yugto ng paglalagalag sa

ilang bilang “pulot-gata” sa pagitan ng YHWH at Israel. Ang Diyos ay hindi kailanman naging mas

malapit sa Kanyang bayan nang mas higt sa panahon ng pagsubok dahil sila ay umasa sa Kaniya para sa

lahat ng bagay. Ngayon, sila ay magkakaroon ng kasaganahan at mga pagpapala sa Ipinangakong

Lupain. Ang Diyos ay nagpaalala sa kanila na magpatuloy na magtiwala sa Kaniya dahil Siya ang

pinanggalingan ng lahat ng mga bagay (cf. v. 18).

“apat na pung taon” Ang bilang na ito ay kadalasang ginamit sa isang matalinghang paraan upang

italaga ang isang mahabang yugto ng panahon, mahaba kaysa pag-ikot ng buwan (i.e., 28 mga araw).

127

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!