29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Tingnan ang Natatanging Paksa: Terms para sa Diyos’s Pahayag at 4:1.

8:13 “dumami” This PANDIWA (BDB 915, KB 1176, Qal DI-GANAP) ay naulit nang tatlong beses upang

ipakita ang magkakaibang mga kaurian ng mga pagpapala ng Diyos.

8:15 “mga makamandag na ahas” Ito ay di-tiyak kung sila (PANG-URI, BDB 977 I at PANGNGALAN

BDB 638) ay may ganitong pangalan dahil sa kanilang mga kulay (mula sa PANDIWA) o ang sakit (mula

sa lason) ng kanilang pagkagat (cf. Mga Bilang 21).

“na siyang naglabas sa iyo ng tubig mula sa batong pingkian” Ang pangyayaring ito ay nakatala sa

Exodo 17:6 at muli sa Mga Bilang 20;11. Si Pablo, sa I Corinto 10:4, ay nagsabing ang batong ito ay

isang sagisag ng pang-Mesiyas na pagtustos ng Diyos.

8:16 Samakatuwid, si YHWH ay sumusubok upang magpala (e.g., si Abraham sa Genesis 22; ang Israel

sa Exodo 20:20; mana sa Exodo 16:4). Ang pagsubok (BDB 650, KB 702) gayunman ay nagiging isang

panalangin sa Mga Awit 26:2 at sa ibang mga salita, ngunit katulad na kaisipan, sa Mga Awit 139:1,23.

8:17 “Ang aking kapangyarihan at ang lakas ng aking kamay ang siyang nagbigay sa akin ng

kayamanang ito” Mag-ingat sa sariling kasapatan at kayabangan (cf. v. 18; Santiago 4:13-17). Tingnan

ang Natatanging Paksa: Mga Biyayang Gawa ni YHWH sa Israel sa 9:4-6.

8:18 “iyong aalalahanin” Tingnan ang tala sa 7:18.

“kaniyang kasunduan na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang” Ang Pagsakop ay ang

kahahantungan ng pangkatubusang plano ni YHWH kung ibabalik sa Genesis 3:15; 12:1-3; 26:24;

28:13-15. Ang pariralang ito ay naging isa nauulit na paninindigan sa Deuteronomio (cf. 1:8; 6:10;

8:18; 9:5,27; 29:13; 30:20; 34:4).

Ang PANDIWA (BDB 989, KB 1396) ay isang Niphal GANAP, na sa kasunduang mga pangako ay

maaaring BALINTIYAK o PASARILI (e.g., Genesis 12:3).

8:19 Ang mga bunga ng pagsuway ay kasing payak ng bunga ng pagsunod! Pansinin ang MGA PANDIWA

“susunod” (BDB 229, KB 246, Qal GANAP), “maglilingkod” (BDB 712, KB 773, Qal GANAP), at

“pagsamba” (BDB 1005, KB 295, Hishtpaphel GANAP) ay magkahalintulad.

NASB “kung iyong kalilimutan ang PANGINOON”

NKJV “kung sa anumang dahilan ay nakalimutan ang ang PANGINOON”

NRSV “kung nakalimutan mo ang PANGINOON”

TEV “Huwag mong kalilimutan ang PANGINOON”

NJB “Tiyakin, kung makalimutan mo si Yahweh”

Ang kayarian ay ang PANDIWANG “kalimutan” (BDB 1013, KB 1485) na naulit, isang PAWATAS NA

LUBUSAN na sinusundan ng isang Qal DI-GANAP. Ang kayariang ito ay isang Hebraic na paraan ng

pagbibigay-diin. Ang katulad na anyong ito ay makikita sa “malipol” sa v. 19.

8:20 “gayon kayo malilipol” Pansinin na sa vv. 19 at 20 ang PANDIWNAG “nalipol” (BDB 1, KB 2) ay

ginamit nang apat na beses (PAWATAS NA LUBUSAN sa v. 19; Qal DI-GANAP na dalawang beses sa vv. 19

at 20, at isang Hiphil PANDIWARI sa v. 20). Ito ay isang pangkaraniwan salita ng pagbababala sa

Deuteronomio. Ito ay ginamit sa maraming mga paraan:

1. Lilipulin ng Diyos ang mga Israelita kung kung sila ay susuway sa Kanyang kasunduan - 4:26 (na

dalawang beses); 8:19,20; 9:3; 11:17; 28:20,22,51,63; 30:18 (na dalawang beses).

132

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!