29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

PAG-AARAL NG SALITA AT TALATA

TALATA SA NASB (BINAGO): 31:30

30

At sinalita ni Moises sa pakinig ng buong kapisanan ng Israel ang mga salita ng awit

na ito, hanggang sa natapos.

31:30 “At sinalita ni Moises. . . ang mga salita ng awit na ito” Ang talatang ito ay dapat na kasama ng

kabanata 32 ng Deutronomio. Pansinin na ang NASB minarkahan ito bilang ang panimula ng isang

talataan na may isang katapusang kolon, hindi isang tuldok (cf. JPSOA).

“sa pakinig ng buong kapisanan ng Israel” Ang isa ay magtataka kung gaano karaming mga tao ang

bumubuo sa asembleyang ito. Ito ay maaring magsasama sa mga lalake. babae at matatandang mga anak o

ang modelo ng 31:12. Ngunit ito ay tumutukoy sa isang siyudad o isang bayan. Gaano karaming mga tao

ay maaring makarinig sa isang tao na nagsasalita Madalas ang pinuno ay nagsalita sa:

1. ang mga pinunong tribu at ipinapasa nila ito (cf. 31:28)

2. sa mga Levita at ipinapasa nila ito

TALATA SA NASB (BINAGO):

1

" Makinig kayo, mga langit, at ako'y magsasalita;

pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig.

2

Ang aking aral ay papatak na parang ulan,

Ang aking salita ay bababa na parang hamog,

Gaya ng ambon sa malambot na damo

At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin.

3

Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon;

Dakilain ninyo ang ating Diyos.

4

Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal,

Sapagka't lahat niyang daan ay kahatulan;

Isang Diyos na tapat at walang kasamaan,

Matuwid at banal Siya.

5

Sila'y nagpakasama,

sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan;

Mga tampalasan at likong lahi.

6

Ganyan ba ninyo ginaganti ang Panginoon,

mangmang na bayan at hindi pantas

Hindi ba siya ang iyong ama na tumangkilik sa iyo

Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka.

7

Alalahanin mo ang mga araw ng una,

Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi.

Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo,

Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo.

8

Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang

mana, Nang kaniyang ihiwalay ang mga anak ng tao,

Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan

Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel..

9

Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan;

Si Jacob ang bahaging mana niya.

10

Kaniyang nasumpungan sa isang ilang sa lupain,

At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang;

358

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!