29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 7:12-16

12 At mangyayari, na sapagka't iyong dininig ang mga kahatulang ito, at iyong tinutupad at

iyong ginaganap, ay tutuparin sa iyo ng PANGINOON mong Diyos ang kasunduan, at igagawad

ang kagandahang-loob, na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang: 13 At kaniyang iibigin ka,

at pagpapalain ka, at padadamihin ka: kaniya rin namang pagpapalain ang bunga ng iyong

katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis, ang

karagdagan ng iyong mga bakahan, at ang mga guya ng iyong kawan sa lupain na kaniyang

isinumpa sa iyong mga magulang, upang ibigay sa iyo. 14 Magiging mapalad ka kay sa lahat ng

mga lungsod: walang magiging baog na babae o lalake sa inyo o sa inyong mga hayop. 15 At

ilalayo sa iyo ng PANGINOON ang lahat ng sakit: at wala siyang ihuhulog sa inyo sa masamang

sakit sa Ehipto, na iyong nalalaman, kundi ihuhulog niya sa lahat ng nangapopoot sa iyo. 16 At

iyong lilipulin ang lahat ng mga lungsod na ibibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos; ang

iyong mata ay huwag mahahabag sa kanila; ni huwag kang maglilingkod sa kanilang mga

diyos; sapagka't magiging isang silo sa iyo.

7:12 Pansinin ang tugunang pakikipag-ugnayan (i.e., palitang mga pangkasunduan pananagutan).

Pansinin na ang “Kanyang kasunduan” at “Kanyang mapagkandiling pagmamahal” ay magkahalintulad.

7:13-15 Pansinin ang pangkasunduang mga pagpapala ni YHWH:

1. Iibigin ka

2. Pagpapalain ka

3. Pararamihin ka

4. Pagpapalain ang iyong mga anak

5. Pagpapalain ang iyon mga tanim

a. butil

b. bagong alak

c. langis

6. Pagpapalain ang iyong kawan

7. Walang kabaugan (cf. Exodo 23:26)

a. tao (cf. Genesis 11:30; 16:1; 25:21; 29:31)

b. hayop (cf. 28:4; 30:9)

8. Walang pagkakasakit (di-karaniwang salita na ginamit lang dito at 28:10)

9. Talunin ang mga kaaway

Ang mga masaganang pagpapalang ito (cf. Exodo 23:25-26) ay maliwanag ding makikita sa

Deuteronomio 28, ngunit sila ay napapalibutan ng mga kinahinatnan ng kanilang pagsuway (cf.

Deuteronomio 27 at 28:15-58). Ang may pasubaling kalikasan ng kasunduan ni Moises ay malinaw.

Ang natitirang bahagi ng kasaysayan ng Israel ay maaaring maunawaan sa liwanag ng Deuteronomio 27-

29. Ang mga pangako at mga pagpapala ng Diyos ay tanging maibibigay sa matapat, nagtitiwala,

masunuring Israel. Ang Israel ay hindi kailanman nakapagpatuloy sa ganitong antas ng

pagsasakatuparan, samakatuwid ang pangangailangan para sa isang bagong kasunduan (cf. Jeremias

31:31-34; Ezekiel 36:22-38; Galacia 3), ay nakabatay sa mga pagkilos ni YHWH.

Ang lahat ng mga OT na tagasunod ni Hesus ay nananalangin para sa isa pang inaasahang hulingpanahon

na pagbabanibagong-buhay (cf. Roma 9-11). Ngunit ito kailangang maihayag na malinaw,

kung wala si Hesus ay walang pangkasunduang pag-asa (cf. Juan 14:6; 1:12; 3:16; 20:31).

7:16 “silo” Ang mga diyos ng Cananeo ay kailangang lubusang iwasan upang sila ay hindi maging

patibong (BDB 430, cf. Exodo 23:33; Mga Bilang 33:55; Josue 23:13; Mga Hukom 2:3; 8:27; Mga Awit

106:36), na sa literal ay “isang pinainang pangsilo sa hayop”!

122

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!