29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

15:16; Levitico 18:24-26; Deuteronomio 9:5).

Para sa isang mabuting pagtalakay ng “banal na pakikidigma” tingnan ang Ancient Israel, ni Roland

deVaux, tomo 1, pp. 258-267.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 3:8-11

8 At ating sinakop ang lupain nang panahong yaon sa kamay ng dalawang hari ng mga

Amorrheo na nasa dako roon ng Jordan, mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng

Hermon; 9 (Na siyang Hermon ay tinatawag ng mga taga Sidon na Sirion, at tinatawag ng mga

Amorrheo na Senir): 10 Lahat ng mga lungsod ng kapatagan, at ang buong Galaad, at ang buong

Basan, hanggang Salcha at Edrei, na mga lungsod ng kaharian ni Og sa Basan. 11 (Sapagka't si

Og lamang na hari sa Basan ang nalalabi sa natira sa mga Rephaim; narito, ang kaniyang

higaan ay higaang bakal; wala ba ito sa Rabbath ng mga anak ni Ammon siyam na siko ang

haba niyaon at apat na siko ang luwang niyaon, ayon sa siko ng isang lalake).

3:8 “At ating sinakop ang lupain. . . sa kamay ng dalawang hari” Ang talata 24 ay nagsasabing ito ay

“ang malakas na kamay ng Diyos,” na, sa pang-antromorpiko (tingnan sa Natatanging Paksa sa 2:15) ay

nagpapakita ng kapangyarihan at lakas ng Diyos. Muli, dito ay ang pagtutulungan sa pagitan ng

kapangyarihan ng Diyos at pantaong pagpupunyagi.

“bundok ng Hermon” Bundok ng Hermon ay ang hilagang hangganan ng lupain na ibinigay ng

Diyos sa mga Israelita. Ito ay ang pinakamalaking bundok sa buong lugar na matatagpuan sa Lebanon,

hilaga ng Dagat ng Cinereth (i.e., Galilea). Ang kanyang pangalan (BDB 356) ay kaugnay sa herem

(itinalagang bagay) at ang lugar ng maraming templo (cf. Ancient Israel, Roland deVaux, tomo 1, pp. 279-

282). Ito ay ang hilagang hangganan ng mga nasakop na lupain (cf. Mga Hukom 1:1).

3:9 “mga taga-Sidon” Ito ay ang pangunahing lungsod sa sinaunang Phoenicia (cf. I Mga Hari 16:31).

Ito ay matatagpuan sa baybayin sa ibaba ng Tiro, na sa huli ay naging pangunahing lungsod. Ito na

binanggit sa halip na Tiro ay nagpapakita ng pagiging sinauna ng tekstong ito.

“Sirion” Ang salitang ito (BDB 970, Mga Awit 29:6) na ginamit para sa Bundok ng Hermon na

mayroong ding matagpuang Ugaritikong mga teksto gayundin ay nagpapakita ng pagiging sinauna ng

tekstong ito.

“Senir” Ang salitang ito (BDB 972, cf. I Cronica 5:23; Awit ni Solomon 4:8; Ezekiel 27:5) ay

matatagpuan din sa mga tala ni Shalmaneser III, isang hari ng Asyria na lumusob sa Damasco.

3:10

NASB, TEV “ng kapatagan”

NKJV “ang lambak”

NRSV, NJB “ang talampas”

Ang salitang ito (BDB 449) ay nangangahulugang “isang pantay na lugar.” Ito ay maaaring tumukoy

sa isang kapatagan o sa isang makinis na talampas. Dito ito ay tumutukoy sa talampas sa pagitan ng Ilog

ng Arnon at ang lungsod ng Hesbon (cf. 4:43; Josue 13:9,16,17,21; Jeremias 48:8,21). Ang talampas na ito

ay bahagi ng Moab at naging pangtribong mana ni Reuben (cf. Josue 20:8).

“Galaad” Ang salita (BDB 166) ay di-kilala ang pinagmulan o na kahulugan. Isang kilalalang

(paglalaro ng salita) kahulugan ay ibinigay sa Genesis 31:48. Ito ay maaaring tumukoy sa:

1. isang tribu (e.g., Mga Bilang 26:29; Mga Hukom 5:17)

2. isang lupain (e.g., Genesis 37:25)

Ito ay palaging tumutukoy sa isang lugar sa silangang panig ng Ilog ng Jordan mula ang Ilog ng Arnon sa

57

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!