29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 19:14

14 Huwag mong babaguhin ang lindero ng iyong kapuwa, na kanilang inilagay ng una, sa

iyong mana na iyong mamanahin, sa lupain na ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos

upang ariin.

19:14 “Huwag mong babaguhin ang lindero ng iyong kapuwa,” Sa ang sinaunang mudo, ang mga

nayon ay nagsasaka ng lupain na magkasama (i.e., pag-aararo, pagtatanim, pag-aani). Mula sa isang

pagmamasid ng isang napadaan, ito ay nagmumukhang tulad ng isang malaking bukid. Gayunman, bawat

pamilya ay may sariling bukid, na tinatandaaan sa pamamagitan ng mga puting bato. Ang pamilyang ito,

kahit na gumagawa sa buong bukid kasama ang nayon, ay tumatanggap ng mga bunga ng kanilang

lupain. Kung ang sinuman ay gumalaw ng mga bato, samakatuwid ay magbibigay ng masmalaking lupain

(i.e., ani), ito ay isang krimen laban sa buong komunidad at kay YHWH, dahil Kanyang ipinagkaloob

ang lupain bilang isang mana para sa bawat angkan at pamilya (cf. 27:17; Kawikaan 22:28; 23:10; Osea

5:10).

“na kanilang inilagay ng una” Ang ganitong uri ng pahayag ay nagdulot sa maraming nag-aaral na

itanggi ang pagkamay-akda ng Deuteronomio kay Moises. Ito ay tila tumutukoy sa paglalaan ng lupain

sa pamamagitan ng palabunutan, na nangyari pagkatapos ng pananakop ni Josue (cf. Josue 13-19). Ang

mga manunulat sa Ehipto ay binabago ang kanilang mga teksto, habang ang mga manunulat sa

Mesopotamia ay hindi. Ang mga manunulat sa Israel ay sinanay sa Ehipto.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 19:15-21

15 Isang saksi ay huwag titindig laban sa kanino man sa anomang kasamaan, o sa anomang

kasalanang kaniyang pinagkasalahan: sa bibig ng dalawang saksi, o sa bibig ng tatlong saksi ay

pagtitibayin ang usap. 16 Kung ang isang sinungaling na saksi ay tumindig laban sa kanino man

upang sumaksi laban sa kaniya ng isang masamang gawa, 17 Ang dalawang taong naguusapin ay

tatayo sa harap ng PANGINOON, sa harap ng mga saserdote at ng mga magiging hukom na nasa

tanggapan ng mga araw na yaon; 18 At sisiyasating masikap ng mga hukom: at, narito, kung ang

saksi ay saksing sinungaling, at sumaksi ng kasinungalingan laban sa kaniyang kapatid; 19 Ay

gagawin mo nga sa kaniya, ang gaya ng kaniyang inisip gawin sa kaniyang kapatid: sa gayo'y

iyong aalisin ang kasamaan sa gitna mo. 20 At maririnig niyaong mga natitira at matatakot, at

hindi na sila magkakamit pa ng gayong kasamaan sa gitna mo. 21 At ang iyong mata'y huwag

mahahabag: buhay kung buhay, mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa

kung paa.

19:15 Ang talatang ito ay nagpapakita kung paano sila dapat nag-iingat sa kanilang paghukumang

kaparaan (cf. 17:6; Bilang 35:30). Ang PANDIWANG “titindig” (BDB 877, KB 1086, Qal DI-GANAP) ay ay

ginamit nang tatlong beses sa vv. 15 at 16.

19:16 “sang sinungaling na saksi” Ang PANGNGALANG “masamang-budhi” (BDB 329) sa karaniwan

ay nangangahulugang “karahasan,” ngunit dito, ito ay nangangahulugang isang makalayuning, bulaang

saksi sa hukuman (cf. Exodo 23:1; Mga Awit 27:12; 25:11), sila ay nagsasalita sa pangalan ni YHWH

(sinumpaang salaysay), ngunit sinasadyang baluktutin ang katotohanan. Ang talata 19 ay nagpapakita ng

mga kahihinatnan ng isang bulaang saksi (cf. Deuteronomio 5:20 at kabanata 11).

NASB, NKJV,

NRSV

TEV

“masamang gawa”

“mga bulaang pagpaparatang”

239

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!