29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

PAG-AARAL NG SALITA AT PARIRALA

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 16:1-8

1 Magdidiwang ka sa buwan ng Abib, at ipangingilin ang paskua sa PANGINOON mong

Diyos: sapagka't sa buwan ng Abib inilabas ka ng PANGINOON mong Diyos sa Ehipto sa gabi.

2 At iyong ihahain ang paskua sa PANGINOON mong Diyos, ang sa kawan at sa bakahan, sa

dakong pipiliin ng PANGINOON na patatahanan sa kaniyang pangalan. 3 Huwag kang kakain sa

paskua ng tinapay na may lebadura; pitong araw na kakanin mo sa paskua ang tinapay na

walang lebadura, ang tinapay ng pagkapighati; sapagka't umalis kang madalian sa lupain ng

Ehipto: upang iyong maalaala ang araw na inialis mo sa lupain ng Ehipto sa lahat ng mga araw

ng iyong buhay. 4 At pitong araw na walang makikitang lebadura sa iyo, sa lahat ng iyong mga

hangganan; ni sa anomang karne na iyong ihahain sa unang araw sa paglubog ng araw ay

walang maiiwan sa buong gabi, hanggang sa umaga; 5 Hindi mo maihahain ang paskua sa loob

ng alin man sa iyong mga pintuang-daan, na ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos:

6 Kundi sa dakong pipiliin ng PANGINOON mong Diyos na patatahanan sa kaniyang pangalan, ay

doon mo ihahain ang paskua sa pagtatakip silim, sa paglubog ng araw, sa panahon na iyong

inialis sa Ehipto. 7 At iyong iihawin at kakanin ito sa dakong pipiliin ng PANGINOON mong

Diyos; at ikaw ay babalik sa kinaumagahan, at uuwi sa iyong mga tolda. 8 Anim na araw na

kakain ka ng tinapay na walang lebadura: at sa ikapitong araw ay magkakaroon ka ng

takdang pagpupulong sa PANGINOON mong Diyos: huwag kang gagawa ng anomang gawa sa

araw na iyan.

16:1 “Magdidiwang” Ito ay isang umuulit na salita (BDB 1036, KB 1581, Qal PAWATAS NA LUBUSAN)

sa Deuteronomio— 73 beses! Ang kabanatang ito ay naisulat sa katulad na Hebreong pamamaraan tulad

ng Sampung Utos sa kabanata 5.

“buwan” Ito ay katulad na salitang-ugat ng “bagong buwan” (BDB 294 I). Tingnan ang Natatanging

Paksa: Kalendaryo ng Sinaunang Near East sa 1:3.

“Abib” Ang salitang ito ay nangangahulugang “bagong butil” (BDB 1), na maaaring mangahulugang

ang unang nahinog na kalo ng barley. Ito ay isang pang-Canaan na katawagan para sa yugto ng panahon

ng Marso-Abril. Sa pagsulat sa huli ng Babilonyang salita na Nisan ay ginamit din sa yugto ng panahong

ito. Ang Exodo 21:1,6 ay nagbibigay ng tiyak na mga petsa na nabanggit dito sa pangkalahatan.

16:1 “ipangingiling” Ang pangkaraniwan PANDIWANG ito, “tuparin,” “gawin” (BDB 793, KB 1581) ay

ginamit nang maraming beses sa kabanata 16 at ay isinalin sa maraming kaparaanan:

1. “ipangingiling,” vv. 1,10,13

2. “magkakaroon,” v. 8

3. “gaganapin at gagawin ang mga palatuntunang ito,” v. 12

4. “Huwag kang. . .gagawin,” v. 21

NATATANGING PAKSA: ANG PASKWA

I. Mga Panimulang Pananalita

A. Ang banal na gawa ng paghuhukom sa mga taga Ehipto at ang pagpapalaya sa Israel ay ang

pagsaubok sa pagmamahal ni YHWH at ang pagtataguyod sa Israel bilang isang bansa (i.e.,

lalo na para sa mga Propeta).

B. Ang exodo o pag-aalisan ay isang partikular na kaganapan sa pangako ni YHWH kay

Abraham sa Genesis 15:12-21. Ang Paskwa ay umaalala sa exodo.

203

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!