29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

“hindi kayo binigyan ng Panginoon ng pusong ikakikilala at ng mga matang ikakikita, at ng

mga pakinig na ikaririnig” Ang mga Israelita ng Exodo at paglalagalag sa ilang ay nakita ang pisikal,

ngunit hindi naunawaan na espiritwal na dimensyon ng mga aksyon ni YHWH (i.e., sila ay mga

espesyal na tipanang bayan na bahagi ng isang eternal na planong pagtutubos). Ang pariralang ito ay

naging isang metapora para sa espiritwal na pagkabulag at katigasan (cf. Isaias 6:9-10; Gawa 28:26-27;

Roma11:8).

Mayroong isang salitang paglalaro sa pagitan ng v. 2, “iyong nakita” at sa v. 4, kung saan dito ay

nakasulat na sila ay hindi nakakita! Ito ay maaring tumukoy sa pagrebelde ng Israel na binanggit sa 9:7-

24. Kung wala ang pananampalataya ang Diyos ay hindi makakikita sa kasaysayan, ngunit kapag may

pananampalataya ang kasaysayan ay magiging talang ang lupain ng Diyos. Kinakailangan ang isang

kaloob (i.e., “ibinigay,” BDB 678, KB 733, Qal GANAP) na biyaya ni YHWH para sa makasalanang

mga tao upang maramdaman at maunawaan ang Kanyang presensya!

29:5 “mga damit ay hindi naluma. . . panyapak ay hindi naluma” Si Rashi ay nagsasabi na ang mga

kasuutan at mga sapatos ay lumalaki habang ang mga anak ay lumalaki (cf. 8:4; Nehemias 9:21).

29:6 Ang mga talata 5 at 6 ay nagpapakita ng mula sa Diyos na pag-aaruga sa panahon ng kabuuang

periyod ng paghuhukom kilala bilang ang Paglalagalag sa Ilang na Periyod (cf. 8:2-3). Ang mga

Israelita ay dapat na mapanatili ang relasyon sa pamamagitan ng pagpopokus kay YHWH (hindi sa

pagkain, inumin nagawa ng kamay ng tao, ngunit sa Kanyang probisyon). Ngunit ang mga talatang ito

ay nagpapakita rin ng patuloy na espiritwal na pagkabulag ng bayan ng Diyos (cf. Isaias 6:9-10).

29:7 Ito ay nagpapakit ang presensyang militar ni YHWH alang-alang sa Israel (cf. Bilang 21:21-24, 33-

35; at Deutronomio 2:26- 3:17).

29:8 Ang mga ito ay mga tribu na nakatira sa silanganing bahagi ng Jordan (cf. 3:12-13; Bilang 32:28-

32).

29:9 “Ganapin nga ninyo ang mga salita. . . inyong gawin” Ang kondsiyonal na kalikasan ng Tipan

(i.e., “ganapin,” BDB 1036, KB 1581, Qal GANAP at “gawin,” BDB 793, KB 889, Qal GANAP) ay

paulit-ulit sa Deutronomio (cf. 4:2,6,9,15,23,40; 5:1,10,12,29,32; 6:2,3,12,17,25; 7:9,11,12;

8:1,2,6,11; 10:13; 11:1,8,16,22,32; 12:1,28,32; 15:5; 16:12; 17:19; 19:9; 24:8; 26:16,17,18; 27:1;

28:1,9,13,15,45,58; 29:9; 30:10,16; 31:12; 32:46). Ang pagsunod ay isang nakikita na panukat para sa

espiritwal na katapatan ng Israel. Ang mahalin si YHWH ay sundin si YHWH!

Ang talatang ito ay sa kalaunay binasa ng mga rabi kapag ilan sa mga tao ay hayagang nilalatigo

(cf. 25:3). Ito ay naglalaman ng 13 mga salita katumbas ng 13 mga latay. Awit 78:38 ay binabasa rin.

“upang kayo'y guminhawa sa lahat ng inyong ginagawa” Ang PANDIWA (BDB 968, KB 1328,

Hiphil DI-GANAP) ay madalas na nangahulugang “maging matipid” o “mahinahon,”ngunit sa Hiphil na

ugat ito ay maaring mangahulugan na “masagana,” “magkaroon ng tagumpay” (cf. Josue 1:7-8; I

Samuel 18:5,14,15; I Hari 2:3; II Hari 18:7; I Cronico 22:13). Pansinin na ang tagumpay at kasaganaan

ay nakasalalay sa pagsunod!

TALATA SA NASB (BINAGO): 29:10-13

10

" Kayo'y tumatayong lahat sa araw na ito, sa harap ng Panginoon ninyong Diyos; ang

inyong mga pangulo, ang inyong mga lipi, ang inyong mga matanda, at ang inyong mga puno,

sa makatuwid baga'y lahat ng mga lalake sa Israel, 11 Ang inyong mga bata, ang inyong mga

asawa at ang iyong taga ibang lupa na nasa gitna ng iyong mga kampamento mula sa iyong

329

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!