29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Ito ay hindi isang alinman/o, ngunit isang kapwa/at! Mag-ingat sa mga sistemang teolohiko!

Unawain ang mga biblikal na katotohanan ay ipinapakilala sa mga tambalang puno ng pag-igting

(tensyon). Ang mga mananampalataya ay kailangang mamuhay ng maka-Diyos sa loob ng pag-igting,

hindi magnais ng mabilis, madaling mga sagot o maglaro ng sisihang paligsahan!

1:40 “a daang patungo sa Dagat na Mapula” Ito ay tila isang sanggunian sa daan na tinatawag na “ang

Lansangan ng Hari” na nakalatag sa Golpo ng Aqaba mula sa Elath patungong Cades-barnea (cf. Mga

Bilang 14:25). Ito ay hindi tumutukoy sa Ehipsiyong katawan ng tubig na tinawid nang una sa Exodo,

malibang ito ay nangangahulugang “sa pangkalahatang direksiyon ng.”

NATATANGING PAKSA: ANG DAGAT NA PULA

I. Pangalan

A. Sa literal, ang pangalan ay Yam Suph.

1. “Dagat ng mga Damo” o “Dagat ng mga Tambo” (Ehiptong ugat)

2. “Dagat sa dulo (ng mundo)” (Semitikong ugat)

B. Ito ay maaaring tumukoy sa

1. Tubig alat, I Mga Hari 9:26 (Golpo ng Aqaba); Jonas 2:5 (Karagatan ng Mediteraneo)

2. Tubig tabang, Exodo 2:3; Isaias 19:26

C. Ang Septuagint ay ang unang salin na tumawag ditong “ang Dagat na Pula.” Maaaring ang mga

tagapagsalin ay inuugnay ito sa dagat ng Edom (pula). Ang pagkakatawag na ito ay ipinagpatuloy ng

Latin Vulgata at sumunod ang King James na saling Ingles.

II.

Kinaroroonan

A. Mayroong maraming katawan ng tubig na tumutukoy sa ganitong pangalan:

1. Ang makipot na katawan ng tubig sa pagitan ng Ehipto at Sinai peninsula na halos 190

milya ang haba (Golpo ng Suez)

2. Ang katawan ng tubig sa pagitan ng Sinai peninsula at Arabia na halos 112 milya ang

haba (Golpo ng Aqaba)

B. Ito ay maaaring maiugnay sa mababaw na latian sa hilagang-silangang bahagi ng delta ng Nilo na

malapit sa Tanis, Zoan, Avaris, Rameses, na nasa katimugang baybayin ng Lawa ng Menzaleh

(ang latiang rehiyon).

C. Ito ay maaaring magamit na matalinghaga ng mga mahiwagang mga tubig sa timog, na madalas na

ginagamit na dagat sa dulo (ng mundo). Nangangahulugan ito na maaaring tumukoy sa

1. makabagong Dagat na Pula (Golpo ng Suez o Golpo ng Akaba, cf. I Mga Hari 9:26)

2. Karagatang Indyan (cf. Herodotus 1.180)

3. Golpo ng Pesya (cf. Josephus, Antiq. 1.7.3)

III. Suph sa Mga Bilang 33

A. Sa Mga Bilang 33:8, ang katawan ng tubig na mahimalang nahati ay tinatawag na suph.

B. Sa Mga Bilang 33:10,11 ang mga Israelita ay sinasabing nagkampo sa yam suph.

C. Mayroong dalawang magkaibang katawan ng tubig.

1. Ang una ay hindi ang Dagat na Pula (Golpo ng Suez)

2. Ang pangalawa ay maaaring ang Dagat na Pula (Golpo ng Suez)

D. Ang salitang suph ay ginagamit sa OT sa tatlong magkakaibang paraan.

1. Ang katawan ng tubig na hinati ni YHWH upang pahintulutan ang mga Israelita na dumaan,

ngunit ang mga sundalong Ehipsyo ay nalunod

2. Ang hilagang-kanlurang karugtong ng Dagat na Pula (Golpo ng Suez)

3. Ang hilagang-silangang karugtong ng Dagat na Pula (Golpo ng Akaba)

E. Yam suph ay maaaring hindi nangangahulugang “tambong dagat” dahil

1. Walang mga tambo (papyrus) sa Dagat na Pula (tubig alat)

37

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!