29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 1:34-40

34 At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita, at nag-init, at sumumpa, na

nagsasabi, 35 Tunay na hindi makikita ng isa man nitong mga taong masamang lahi ang mabuting

lupain na aking isinumpang ibigay sa inyong mga magulang, 36 Liban si Caleb na anak ni

Jephone; at siya ang makakakita; at sa kaniya ko ibibigay ang lupain na kaniyang tinuntungan,

at sa kaniyang mga anak: sapagka't siya'y lubos na sumunod sa Panginoon. 37 Ang Panginoon ay

nagalit din sa akin, dahil sa inyo, na nagsasabi, Ikaw man ay hindi papasok doon: 38 Si Josue na

anak ni Nun, na nakatayo sa harap mo, ay siyang papasok doon: palakasin mo ang kaniyang

loob; sapagka't kaniyang ipamamana sa Israel. 39 Bukod dito'y ang inyong mga bata, na inyong

sinasabing magiging bihag, at ang inyong mga anak na sa araw na ito ay hindi nakakaalam ng

mabuti o ng masama, ay sila ang papasok doon, at sa kanila'y aking ibibigay, at kanilang aariin.

40 Nguni't tungkol sa inyo, ay bumalik kayo, at maglakbay kayo sa ilang sa daang patungo sa

Dagat na Mapula.

1:34 “Siya ay nag-init, at sumumpa” Ang katulad na parirala na, “sumumpa” (BDB 989 KB 1396,

Niphal DI-GANAP), ay ginamit nang ang Diyos ay naglagak sa Kanyang sarili sa isang pangkasunduan

pakikipag-ugnayan sa Israel. Dito, Siya ay naglalagak ng Kanyang sarili sa kahihinatnan ng kasunduan

para sa di-pagsunod–sumpa. Pansinin na nag Diyos ay nangako kay Abraham sa mga susunod na

salinlahi, ngunit ang sumpa ay para lang sa isang salinlahi, na sa panimulang masamang (i.e., dipananampalataya

sa pangako ni YHWH sa pagkakaloob sa kanila ng Canaan) salinlahi sa Exodo.

1:35 Ang lahat ng kalalakihan sa kanilang panghukbong gulang (i.e., 20 taon at pataas), na tumatanggi na

sumunod sa utos ni YHWH at kunin ang lupain, ay parurusahan at ang mga tao ay kailangang maglagalag

sa ilang hangangg sa kanilang kamatayan (i.e., 38 taon). Ang NT na aklat ng Hebreo, mga kabanata 3-4,

ay tinatalakay ang ganitong isyu ang kawalang pananampalataya.

Tanging dalawang espiya ang nagdala ng mabuting ulat, sina Caleb (cf. v. 36) at Josue (cf. 1:38),

ay hindi isinama. Ang di-pagsunod sa kasunduan ay nagbubunga ng mga pang-kasunduan sumpa para sa

Israel (cf. Deuteronomio 27-29) at kay Moises (cf. Deuteronomio 3:26-27).

“ang mabuting lupain” Ito ay isang umuulit na parirala (cf. Exodo 3:8; Deuteronomio 1:35; 3:25;

4:21,22; 8:7,20; Josue 23:13). Ang mabuti ay nagpapahayag ng (1) presensya ng Diyos (i.e., ang Diyos ay

“mabuti,” Mga Awit 86:5; 100:5; 106:1; 107:1; 118:1,29; 145:9; at gayundin, tandaan ang pagkakatulad

sa Amos 5:4,6,14,15) at (2) “isang lupain na binubukalan ng gatas at pulot” (e.g., Exodo 3:8,17; 13:5;

33:3; Mga Bilang 13:27; 14:8; 16:13,14; Deuteronomio 6:3; 11:9; 26:9,15; 27:3; 31:20; Josue 5:6).

1:36 “ibibigay ang lupain na kaniyang tinuntungan” Ang lupain na masasakop ni Caleb at sa gayon

ay mamanahin ay matatagpuan sa paligid ng Hebron. Sa aming palagay, ito ay malapit sa lambak ng

Eschol (cf. Josue 15:13), kung saan ang mga dambuhala sa naninirahan!

“lubos” Ito ay nangangahulugang “taos-puso” (BDB 569, KB 583, Piel GANAP). Ito ay tumutukoy

isang walang magkakahalong mga motibo; iniibig ni Caleb si YHWH ng buo niyang puso at sumunod sa

Kanya. Ito ay isang talinghaga ng tunay na kabanalan (e.g., Mga Bilang 14:24; 32:11-12; Josue 14:8,9,14;

I Mga Hari 11:6). Ito ay katulad sa pariralang, “nang buo mong puso at nang buo mong kaluluwa” (cf.

Deuteronomio 6:5; 10:12; 13:3; 30:2; I Mga Hari 9:4; 11:4).

1:37 “Ang PANGINOON ay nagalit din sa akin, dahil sa inyo” Sinusubukan ni Moises na sisihin ang

mga tao para sa kanyang sariling pagsuway (cf. Deuteronomio 3:26, tulad ng sinubukang gawin ni Adan,

cf. Genesis 3:12), ngunit pansinin ang Mga Bilang 20:7-13,24; 27:14; Deuteronomio 4:21.

Ang PANDIWANG “nagalit” (BDB 60, KB 72, Hithpael GANAP) ay mula sa PANGNGALAN para sa

“butas ng ilong” o “ilong.” Tila ito ay tumutukoy sa (1) ang pagsiklad ng butas ng ilong bilang siang

35

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!