29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Pansinin ang teolohiko at pangkasunduang pagtitimbang sa pagitan ng ipinangakong pagkilos ng

makapangyarihang si YHWH at ang pinag-uugtos na matapat pagtugon ng hukbo ng Israel at mga

pinuno. Kapwa ay napakahalaga!

Ito rin ay maitatala na si YHWH ang nagsakatuparan ng Kanyang pagkilos, ngunit ang Israel ay hindi

natapos ang gawain na lubusang tanggalin ang mga katutubong naninirahan (cf. Mga Hukom 1-2). Ang

Israel ay kumilos ng nang mabilis (cf. 7:22), ngunit hindi niya ginawa!

9:4-6 “Huwag kang magsasalita sa iyong puso, pagkatapos na mapalayas sila ng PANGINOON mong

Diyos sa harap mo, na iyong sasabihin, Dahil sa aking katuwiran” Itoay katulad ng 8:11-20.

Ipinapakita muli ng Diyos sa bayan na Siya ang kumikilos, hindi dahil silaay mabuti, ngunit dahil sa (1)

kasamaan ng bayan sa lupain (cf. Genesis 15:12-21; Levitico 18:24-25; 20:13-14) at (2) Kanyang pangako

sa kanilang mga Patriyarka pasimula ng Genesis 12:1-3. Nais Niyang maalala nila na siya ang lubusang

may kapangyarihan.

Ang panimulang PANDIWANG “magsalita” (BDB 55, KB 65) ay isang Qal DI-GANAP, ginamit sa isang

JUSSIVE na kaunawaan. Ang nalugmok na puso ng sangkatauhan ay patuloy na umiiral at mapanganib sa

espirituwal.

Ang pangalawa PANDIWANG “mapalayas” (BDB 213, KB 239, Qal PAWATAS NA PAGKAKAYARI) ay

nagpapakita ng aktibong kinalaman ni YHWH sa Pagsakop (cf. 6:19; Josue 23:5).

NATATANGING PAKSA: ANG MGA MAPAGBIYAYAN PAGKILOS NI YHWH SA ISRAEL

Ito kailangang maliwanag na maihayag na ang Exodo, ang Paglalagalag sa Ilang, at ang Pagsakop

ay mga magpagbiyayang pagkilos sa bahagi ni YHWH, hindi nararapat na gantimpala na angkop sa

pagkilos ng Israel

1. Ito ay pag-ibig ni YHWH para sa “mga ama” - Deuteronomio 4:37-38; 7:8; 10:15

2. Ito ay hindi sa bilang ng Israel - Deuteronomio 7:7

3. Ito ay hindi sa lakas at kapangyarihan ng Israel - Deuteronomio 8:17

4. Ito ay hindi sa katuwiran o pagkamatapat ng Israel - Deuteronomio 9:5-6

5. Si YHWH ang nagpapatuloy na umibig sa Israel kahit na sa gitna ng kahatulan - Jeremias

31:3

9:5 “Hindi dahil sa iyong katuwiran o dahil sa pagtatapat ng iyong loob” Ang dalawang MGA

PANGNGALAN ay kahalintulad sa kontekstong ito:

1. “katuwiran” - BDB 842, cf. 6:25; 9:4,5,6; 24:13; 33:21, tingnan ang Natatanging Paksa sa

1:16

2. “pagkamatapat” - BDB 449, ay nangangahulugang integridad o moral na pamumuhay, cf. I

Cronica 29:17; Mga Awit 119:7

Ang Israel ay hindi pinagkalooban ng lupain ng Canaan dahil sa kanyang pagiging maka-Diyos, ngunit

dahil sa kasamaan ng mga Cananeo (cf. v. 4; Genesis 15:12-21; Levitico 18:24-28, tingnan ang tala sa

3:6).

“upang kaniyang papagtibayin ang salita na isinumpa ng PANGINOON sa iyong mga magulang

kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob” Pansinin ang MGA PANDIWA:

1. “pagtibayin ang salit” - BDB 877, KB 1086, Hiphil PAWATAS NA PAGKAKAYARI

2. “isinumpa ng PANGINOON” - BDB 989, KB 1396, Niphal GANAP

NATATANGING PAKSA: MGA PANGKASUNDUANG PANGAKO SA MGA PATRIYARKA

Ang panimulang pangakong ito ng isang natatanging kasunduang pakikipag-ugnayan ay ginawa

kina:

1. Abraham, Genesis 12:1-3

136

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!