29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

30:15 “Tingnan” Ang (BDB 906, KB 1157, Qal PAUTOS) PANDIWA na ito ay ginamit bilang isang

idyoma para sa “bigyan ng mas malapit na atensyon upang” (cf. Genesis 27:27; 31:50). Ito ay ginamit ng

ilang beses sa Deutronomio (cf. 1:8,21,35; 2:24,31; 4:5; 11:26; 30:15; 32:39.

“inilagay ko sa harap mo sa araw na ito ang buhay at ang kabutihan, at ang kamatayan at ang

kasamaan” Maging ang tipanan Israel ay kailangang mamili! Ito ay tumutukoy sa pagpapala at

pagsumpa (cf. Deutronomio 27-28). Tandaan na ang pagpili ay itinakda sa tipan ng biyaya. Ito ay

napaka pareho sa idyoma ng Karunungang Panitikan ng “dalawang mga daan” (cf. Kawikaan 4:10-19;

Jeremias 21:8; Mateo 7:13-14). Ang ating mga pinili ay nagpapakita kung sino tayo! Paano tayo tutugon

sa hindi maipaliwanag na “loob at labas” ay nagpapahayag ng ating espritwal na oryentasyon!

30:16-18 Ang mga talatang ito ay mga buod ng tipanang kondisyon at mga kahihinatnan:

1. ang responsibilidad (cf. 8:6; 19:9; 26:17; 28:9)

a. “na mahalin ang Panginoon,” v. 16 (BDB 12, KB 17, Qal PAWATAS NA BANGHAY)

b. “lumakad sa Kanyang mga daan,” v. 16 (BDB 229, KB 246, Qal PAWATAS NA BANGHAY)

c. “tupdin ang Kanyang mga Kautusan,” v. 16 (BDB 1036, KB 1581, Qal PAWATAS)

2. ang kahihinatnan ng pagsunod

a. “ikaw ay mabubuhay,” v. 16 (BDB 310, KB 309, Qal GANAP)

b. “ikaw ay dadami,” v. 16 (BDB 915, KB 1156, Qal GANAP)

c. “ang iyong Diyos ay pagpapalain ka,” v. 16 (BDB 138, KB 159, Piel GANAP)

3. ang mga kondisyon at mga kahihinatnan ng pagsuway

a. kung ang iyong puso ay liliko palayo,” v. 17 (BDB 815, KB 937, Qal DI-GANAP)

b. “kung ikaw ay hindi susunod,” v. 17; (BDB 1033, KB 1570, Qal DI-GANAP)

c. idolatrya

(1) hinila palayo (BDB 623, KB 673, Niphil GANAP)

(2) magsamba (BDB 1005, KB 295, Hishtaphel GANAP)

(3) maglingkod (BDB 712, KB 773, Qal GANAP)

d. “ikaw ay tunay na mapapahamak,” v. 18 (BDB 1, KB 2, Qal PAWATAS NA TIYAK at Qal DI-

GANAP, na nagpapakita ng katindihan)

e. “hindi mo mapapahaba ang iyong mga araw,” v. 18 (BDB 73, KB 88, Hiphil DI-GANAP)

Pansinin kung paano ang v. 20 pinalalakas ang mga tipanang mga responsibilidad na mga ito upang

ang Patriyarkal na pagpapala ay matupad! Ang terminolohiyang ito ay katangi-tangi sa Deutronomio.

30:19 “Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi” Ang mga saksi na ito ay hindi

kakaiba sa tipan ng Israel, ngunit matatagpuan sa ilang mga sinauang Near Eastern na mga teksto. Ang

dalawang mga permanenteng mga aspeto sa paglikha ng Diyos (cf. Genesis 1:1) ay gumaganap bilang

dalawang kinakailangang saksi ng Diyos (cf. 17:6; 19:15; Bilang 35:30). Ang legal na pagbibigay diin na

ito ay lumitaw ng ilang beses sa Deutronomio (cf. 4:26; 30:19; 31:28; 32:1).

“kaya't piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay” Ang Diyos ay binigyan ang mga tao ng

karapatan at responsibilidad na gumawa ng moral na pagpili. Ito ay bahagi ng Kanyang imahe at wangis

sa sangkatauhan! Ang Hebreong PANDIWA, “na pumili” o “magtalaga,” ay gumamit ng mahigit 70% ng

oras sa pagpili ng sangkatauhan (cf. NIDOTTE, vol. 1, p. 639). Dapat tayong mamili (cf. Ezekiel 18:30-

32).

“ikaw at ang iyong binhi” Ang Deutronomio ay katangi-tanging nagbibigay diin sa

pangangailangan na ipasa ang tipanang kasasaysayan at mga responsibilidad sa mga sumusunod na mga

henerasyon (cf. 4:9,10; 6:7,20-25; 11:19; 32:46).

341

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!