29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

27:11 Ang talatang ito ay nagsisimula sa seksyon ng pagsusumpa at pagpapala. Ang mga pagpapala ay

hindi partikular na inilista sa kabanatang ito, ngunit ito ay nasa kabanata 28.

27:12-13 Kalahati ng mga tribu ng Israel ay nasa Bundok Gerizim (nagsasalita ng pagpapala, cf. 28:1-

14) ang ibang kalahati ay nasa Bundok Ebal ( nagsasalita ng mga sumpa, cf. 28:15-68), Ang Gerizim

bilang ang katimugang bundok, ang Ebal ang hilaga. Ang mga saserdote ay tumatayo sa pagitan ng

dalawang mga bundok na kasama ang Arko ng Tipan (cf. Josue 8:30,35).

“Jose” Pansinin ang pagkakahati ni Jose tungo sa Ephraim at Manesseh ay hindi pa nadodokumento

(cf. Genesis 49:22-26; Exodo 1:5; Deutronomio 33:13-17).

27:14 “Ang mga Levita” Ito ay dapat na tumukoy sa tagapagtabi ng Arko. Lahat ng mga saserdote ay

mga Levita, ngunit hindi lahat ng mga Levita ay mga saserdote. Halatang, ilang mga Levita (i.e., mula

sa tribu ni Levi, v. 12) ay nasa taas ng bundok (cf. v. 12).

TALATA SA NASB (BINAGO): 27:15

15

"Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na

karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong

lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, ‘Siya nawa.’"

27:15-26 “Sumpain” “Sumpain” ay isang salita na ibig sabihin ay, “Sumpain ni YHWH” (BDB 76).

Mayroong labindalawang mga sumpa (ang termino ay ginamit ng 39 na beses sa Deutronomio 27-29).

Lahat ay nasa anyo ng Qal balintiyak na mga pandiwari (vv.

15,16,17,18,19,20,21,22,23,24,25,26;tignan rin 28:16-19). Ang una ay isang sumpa laban sa idolatrya

(cf. Deutronomio 4:15- 18; 5:8-9; Exodo 20:3-4,23; 34:17). Karamihan, kung hindi lahat, ng mga

kautusang Mosaik ay makikita sa kanilang pagkasalungat sa lipunan ng taga-Canaan.

27:15 “at inilagay sa dakong lihim” Ang PANDIWA (BDB 962, KB 1321 ay Qal GANAP, cf. v. 24).

Madalas ito ay ginagamit sa masamang aktibidad.

“Siya nawa” Ang paulit-ulit na liturhikal na pormulang ito ay nagpapakita pagtanggap ng mga tao sa

mga kautusan. Pansinin ang Hudyong konsepto ng pangkalahatan.

NATATANGING PAKSA: AMEN

I. Lumang Tipan

A. Ang salitang “Amen” ay galing sa salitang Hebreo para sa “katotohanan” (emeth, BDB

49)“puno ng katotohanan” (emun, emunah, BDB 53) “pananampalataya” o “puno ng

pananampalataya” “tiwala” (dmn, BDB 52)

B. Ang etimolohiya ay galing sa tindig ng taong matibay. Ang kabaliktaran nito ay ang

isang hindi matibay, dumudulas (cf. Awit 40:2; 73:18; Jeremias 23:12) or kakatisuran (cf.

Awit 73:2). Mula sa literal na pagkagamit nabuo ang salitang metaporikal sa puno ng

pananampalataya, pagtitiwala, katapatan, at maaasahan (cf. Genesis 15:6; Habakuk 2:4).

C. Mga natatanging paggamit

1. isang haligi, II Hari 18:16 (I Timoteo 3:15)

2. katiyakan, Exodo 17:12

3. maaasahan, Exodo 17:12

4. katatagan, Isaias 33:6

305

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!