29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

mga mga kaharian na hindi nagdudulot ng sakuna kahit na ang kanilang hari ay hindi pinahintulutan ang

Israel na tumawid. Ito ay katulad na alok (cf. v. 29) na ginawa ni Moises sa Edom (cf. 6).

“hindi ako liliko maging sa kanan ni sa kaliwa” Pansining si Moises ay nagsasalita sa isang

pangkalahatang kaunawaan. Ang maraming maling kaunawaan sa Bibliya ay maaaring iugnay sa

kawalan ng pangkalahatang kalikasan ng mga biblikal na kapahayagan laban sa pansariling pagtuon ng

makabagong, mga kanluraning lipunan. Ang mga karapatan at mga pribilehiyo ng tao ay nagpapadilim

ng panglipunang kalahatan ng OT.

Ang parirala ay nakabatay sa OT kataga ng biblikal na pananampalataya bilang isang daan o paraan

(e.g., Mga Awit 119:105). Ang kalooban ng Diyos ay maliwanag ang tanda. Ang konseptong ito ay

literal dito (i.e., isang lansangan). Samakatuwid, ang pariralang, “lumiko sa kanan o kaliwa” ay literal.

Kadalasan itong ginamit na patalinghaga para sa espiritwal na buhay (e.g., Mga Bilang 20:17; 22:26;

Deuteronomio 5:32; 17:11,20; 28:14; Josue 1:7; 23:6; I Mga Hari 22:2).

2:30 “sapagka't pinapagmatigas ng PANGINOON mong Dios ang kaniyang diwa, at pinapagmatigas

ang kaniyang puso” Ang unang PANDIWA (BDB 904, KB 1151, Hiphil GANAP) ay nangangahulugang

“maging matigas” sa kaunawaan ng katigasan ng ulo o kasutilan:

1. ang Qal DI-GANAP ay ginamit sa 1:17; 15:18

2. ang Hiphil ay ginamit sa Exodo 7:3; 13:15 sa kaugnayan nito sa pagpapatigas ng Diyos sa puso

ni Faraon bago ang exodo

3. ang Hiphil ay ginamit sa Deuteronomio 10:16 sa pagbibigay babala ni YHWH sa mga Israelita na

huwag maging matigas ang kanilang puso o huwag maging sutil

Ang bilang 2 ay isang kahalintulad sa kontekstong ito ng maka-Diyos na pagpapatigas ng puso ni Sehon

(i.e., kalooban).

Ang pangalawang PANDIWA (BDB 54, KB 69, Piel GANAP) ay nangangahulugang “maging malakas.”

Ito ay karaniwang ginamit sa isang paayong kaunawaan (cf. Deuteronomio 3:28; 31:6,7,23), ngunit dito ito

ay ginamit na kahalintulad sa “matigas na ulo” (cf. Deuteronomio 15:7; II Cronica 36:13).

Ito ay katulad ng nangyari kay Faraon: (1) pinatigas ng Diyos ang kanyang puso (cf. Exodo 7:3;

9:12; 10:1,20,27; 11:10; 14:4,8,17) o (2) pinatigas ng Faraon ang kanyang sariling puso (cf. Exodo 8:15,32;

9:34). Ang mga talatang ito ay nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos at ang pinagkaloob ng Diyos na

malayang pagpili ng sangkatauhan. Ang konteksto ay nagpapahiwatig na sina Faraon (in Exodo) at

Sehon (sa Deuteronomio) ay may malayang pagpili o bakit kinuha ni Moises ang panahon na mag-alok

ng isang pangkapayapaang panimula sa kanila Ang kahihinatnan ay ang Diyos ang nakapangyayari sa

lahat ng mga bagay. Ang Diyos ang nag-ayos ng mga pangyayari, ngunit sila ay tumanggi (tingnan ang

Hard Sayings of the Bible, pp. 142-143). Ang Roma 9 at 10 ay nagpapakita ng katulad kabalintunaan.

Ang kabanata 9 ay tumutuon sa kapangyarihan ng Diyos habang ang kabanata 10 ay mayroong

maraming pangkalahating pag-aalok (cf. v. 4, “bawat-isa”; vv. 11,13, “sinuman”; v. 12, “lahat”[na

dalawang beses]). Tingnan ang mga Natatanging Paksa sa ibaba.

NATATANGING PAKSA: ANG PAGPAPATIGAS NG PANGINOON

Ang tila kabalintunaang ito ay naging ang teolohikong di-pagkakasundo sa pagitan ng

magkalabang mga teolohikong sistema:

1. Ang kapangyarihan ng Diyos laban sa malayang pagpili ng tao

2. Si Augustino laban kay Pelagio

3. Si Calvin laban sa Arminio

Para sa akin, kapwa ay mga biblikal na mga katotohanan. Ang kapwa mga biblikal ng mga

katotohanan ay kailangang tanganan sa isang teolohikong pag-igting. Ang konsepto of “kasunduan”

ay siyang tumatangan sa kanilang magkasama. Ang Diyos ay palaging nauuna, nagtatakda ng agenda,

at tumatawak sa nalugmok na sangkatauhan, (e.g., Juan 6:44,65), ngunit tayo ay may pananagutan sa

ating mga pagpili (e.g., Juan 1:12; 3:16). Ang pananagutan ng tao at ang mga kahihinatnan nito ay

50

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!