29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

27 Sapagka't nasumpungan niya siya sa parang, ang dalagang magaasawa ay sumigaw, at walang

magligtas sa kaniya.

22:25-27 Ang pagbabatas sa Israel ay naghahangad na maging patas, hindi lamang legalismo. Mayroong

mga panig na walang kasalanan sa mga makasalang gawain!

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 22:28-29

28 Kung masumpungan ng isang lalaki ang isang dalagang donselya na hindi pa

naipangangako, at ihiga niya siya, at sipingan niya siya, at sila'y masumpungan; 29 Ang lalaki

nga na sumiping sa kaniya ay magbibigay sa ama ng babae ng limang pung siklong pilak, at

siya'y magiging kaniyang asawa, sapagkat kaniyang pinangayupapa siya; hindi niya

mapalalayas sa lahat ng kaniyang kaarawan.

22:28 “Kung masumpungan ng isang lalaki ang isang dalagang donselya na hindi pa

naipangangako, at ihiga niya siya, at sipingan niya siya” Isaalang-alang sa maaagang edad ng mga

Hudyong babae na kadalasang ipinagkakasundo, ito ay tila sa aking palagay ay maaaring tumutukoy sa

(1) pang-aabuso sa mga bata o (2) ang pang-aabuso sa mga mahirap na pamilya. Ang Mosaikong

kasunduan ay nagtatanggol sa mga kapos sa buhay at mahihina sa lipunan!

22:29 “Ang lalaki nga na sumiping sa kaniya ay magbibigay sa ama ng babae ng limang pung

siklo. . . hindi niya mapalalayas siya” Kung ang isang ama ay lubhang mahirap upang maipagkasundo

ang kanyang anak na babae o ang babae ay may kahinaan sa pag-iisip at isang tao dinungisang-puri siya,

pagkatapos kailangan niyang magbayad para sa kanya (babae) at siya ay pakasalan habang-buhay (cf.

Exodo 22:16).

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 22:30

30 Huwag kukunin ng isang lalaki ang asawa ng kaniyang ama, at huwag ililitaw ang balabal

ng kaniyang ama.

22:30 “Huwag kukunin ng isang lalaki ang asawa ng kaniyang ama” Ito maaaring

nangangahulugang ang isang lalaki ay hindi maaaring pakasalan ang kanyang madrasta (maaaring isa sa

maraming asawa), kahit kung ang ama ay natamat na o ang babae ay hiniwalayan na (diborsyo).

“balabal ng kaniyang ama” Ito ay isang pangwikaing paraan ng pagtukoy sa mga gawaing

pangmag-asawa ng ama (cf. Ruth 3:9; Ezekiel 16:8). Ang maging napakalapit sa isang babae na sa

nakalipas ay naging napakalapit (sekswal) sa kanyang ama ay, sa isang kaunawaan, isang paglabag sa

ama (cf. 27:20; Levitico 18:8; 20:11).

MGA TALAKAYANG TANONG

Ito ay isang komentaryong gabay sa pag-aaral, na nangangahulugan na ikaw ay may pananagutan sa

iyong sariling interpretasyon sa Bibliya. Ang bawat isa sa atin ay dapat lumakad sa liwanag na mayroon

tayo. Ikaw, ang Bibliya, at ang Banal sa Espiritu ay pangunahin sa interpretasyon. Hindi mo dapat iasa

ito sa taga-pagsuri.

Ang mga talakayang tanong na ito ay inihanda upang tulungan kang mag-isip sa pamamagitan ng

mga pangunahing paksa sa bahaging ito ng aklat. Ito ay nangahulugang dapat maging mapukaw-isip,

hindi pang kahulugan lamang.

264

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!