29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

ansang malaki, makapangyarihan, at makapal. 6 At kami ay tinampalasan ng mga taga

Egipto, at pinighati kami at inatangan kami ng isang mabigat na pagkaalipin. 7 At kami ay

dumaing sa Panginoon, sa Diyos ng aming mga magulang at dininig ng Panginoon ang aming

tinig, at nakita ang aming kadalamhatian, at ang aming gawa, at ang aming kapighatian; 8 At

inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig, at

ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan; 9

At kaniyang dinala

10

kami sa lupaing ito, at ibinigay sa amin ang lupaing binubukalan ng gatas at pulot. At

ngayon, narito, aking dala ang mga una sa bunga ng lupa, na ibinigay mo sa akin, Oh

Panginoon.’ At iyong ilalapag sa harap ng Panginoon mong Diyos, at sasamba ka sa harap ng

Panginoon mong Diyos; 11 At magagalak ka sa lahat ng magaling na ibinigay sa iyo ng

Panginoon mong Diyos, at sa iyong sangbahayan, ikaw, at ang Levita, at ang taga ibang lupa na

nasa gitna mo."

26:1 “pagka nakapasok ka sa lupain” Ito ay nagdodokumento ng kaototohanan na ang Israel ay nasa

kapatagan parin ng Moab sa silanganing bahagi ng Jordan nang ang mga salitang ito ni Moses ay

ibinigay.

“Panginoon mong Diyos” Tignan Natatanging Paksa sa 1:3.

“na pinakamana, at iyong inaari” Ito ay isang idyoma ng pagpili sa Israel (cf. Exodo 6:4,8; 15:17;

23:30; 32:13; Deutronomio 1:6-8; 4:38,40; 5:31; 7:13; 8:1-10; 9:4-6; 11:8-12,17; 26:1,9; 32:49,52;

34:4). Ang lupain (lahat ng lupain) ay nagmumula kay YHWH (cf. Exodo 19:5; Levitico 25:23). Kung

ang Israel ay hindi naging masunurin sa tipan ni YHWH ipapatapon Niya ang mga ito (cf. Levitico

26:14-33; Deutronomio 4:25-28; Josue 23:14-16), ngunit si YHWH ay magkakaroon parin ng awa (cf.

Deutronomio 4:29-31; 30:1-3,10).

26:2 “Na iyong kukunin ang mga una sa lahat ng bunga ng lupain” Ang tumpak na bilang para sa

paghahandog ng unang mga bunga ay hindi dinetalye (ngunit ito ay maaring tumugma sa isang basket,

cf. vv. 3,4). Ang tala na ito ay tila isahang pangyayari sa kapatagan ng Moab ngunit ito ay nagpapakita

ng kalaunang regular na pag-aaning ritwal (cf. Exodo 22:29; 23:16,19). Ang praktis na ito ay isang

metaporikal na paraan sa pagpapakita ng pagkamay-ari ng Diyos sa kabuunang ani. Ang kaparehong

pagkamay-aring simbolismo ay binigyang halimbawa sa (1) ang panganay; (2) pagiikapu; (3) ang

Sabbath; (4) ang taon ng sabbath; at (5) ang Taon ng Jubilee.

“sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Diyos, na patatahanan sa Kaniyang pangalan” Ito ay

tumutukoy sa pagpili ng Diyos ng lokasyon at sentral na santwaryo, na isang naiibang Deutronomikong

pagbibigay-diin (cf. 12:5,11,14,18,21,26; 14:23,24,25; 15:20; 16:2,6,7,11,15,16; 17:8,10; 18:6; 26:2;

31:11). Ito ay sa orihinal ay sa Gilgal, pagkatapos sa Shechem, tapos sa Shiloh, pagkatapos sa Mizpah,

at sa kalaunay, pagkatapos ng pagsakop ni David sa Jebus, Jerusalem (cf. II Samuel 5:6-7; I Chronico

11:5,7). Ang layunin ng sentral na santwaryo ay mangtribu at panrelihiyon na pagkakaisa. Ito rin ay

upang mapanatili ang mga Israelita palayo mula sa lokal na dambana ni Ba’al.

26:3 “at paroroon ka sa saserdote sa mga araw na yaon” Sa una ito ay waring tumutukoy sa Punong

Saserdote ng lahi ni Aaron (cf. The Tyndale OT Commentary, “Deutronomio,” p. 254), ngunit ang

kontekstp ay naghahangad na ito ay tumutukoy sa magkaibang mga pamilya ng mga saserdoteng Aaron

na nagpapalit-palit sa pagmiminesteryo sa sentral na altar.

“at sasabihin mo sa kaniya” Lahat ng mga sumusunod ay isang liturhiya na dapat na uli-ulitin ng

mga masunuring nagdadala ng kanilang mga unang mga bunga sa Tabernakulo o sa kalaunan ay sentral

na santwaryo.

295

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!