29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

26:16 Ito ay isang buod na konklusyon at pangako (i.e., ratification) sa partikular na mga kautusan ng mga

kabanata 12- 26. Ang tipan na paninindigan ay dapat na ulit-ulitin ng bawat henerasyon, ng indibidwal.

“palatuntunan at mga hatol na ito” Tignan Natataging Paksa: Mga Termino Para sa Kapahayagan ni

YHWH sa 4:1.

“iyo ngang gaganapin” Ang pagsunod ay krusyal!

“ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa” Ang pagsunod lamang ay hindi sapat. Ito ay

dapat na magmula sa isang pagnanais na parangalan, mahalin, at paglingkuran si YHWH (cf. 4:29; 6:5;

10:12).

26:17

NASB “idiniklara”

NKJV “iprinoklama”

NRSV, NJB “nakamit”

TEV “kinilala”

Ang bihirang Hebreong termino (BDB 55, KB 65) sa Hiphil sanga, ay ginamit lamang dito sa v. 17 at

sa v. 18. Ang tagapagsamba ay nagdeklara sa kanyang pagsunod at pagkampi kay YHWH at si YHWH ay

nagdeklarang pabalik sa tagapagsamba ng kanyang pagpili at pagtawag upang maging Kanyang

natatanging bayan (i.e., tipan).

26:18

NASB “isang pinagkakaingatang pag-aari”

NKJV “Kanyang natatanging bayan”

NRSV “Kanyang pinahalagahang bayan”

TEV, NJB “kanyang sariling bayan”

Ito rin ay isang bihirang Hebreong termino (BDB 688, cf. Exodo 19:5; Deutronomio 7:6; 14:2; Awit

135:4). Sapagkat ang liturhiya ng kabanatang ito ay hindi partikular na binaggit ang Bundok Sinai/Horeb

na pangyayari, magkagayon ilang mga modernong mga iskolars ay itinanggi ang pagkamakasaysayan ng

pangyayari. Gayunpaman, ang bihirang gamit ng terminong ito, kapwa sa Exodo 19:5 at Deutronomio (cf.

7:6; 14:2; at dito) ay nagmumungkahi na sa pamamagitan ng pinakagamit nito ito ay isang alusyon sa

pangyayari!

Ang kredong ito ay hindi rin nagbanggit ng paglikha. Ito rin ay dapat na itakwil bilang isang

makasaysayang pangyayari

26:19 “itaas ka sa lahat ng bansa” Ito ay inulit sa 28:1,13, ngunit pansinin ang trahedya sa Jeremias

13:11 at 7:23-26! Ang NIDOTTE, bolyun 1, p. 1035, ay nakikita rin ang talata na ito bilang obligasyon

ng Israel sa pagpapakita ng pagkamarapat na purihin ni YHWH sa buong mundo! Samakatuwid, ito ay

isang “Dakilang Komisyon” na talata! Ang Israel ay mayroong isang “misyonaryong” tungkulin (e.g.,

Jeremias 3:17; 4:2; 12:14-17; 16:19; 33:9)! Tignan Natatanging Paksa sa 4:6!

“isang banal na bayan” Sa literal ito ay “banal” (BDB 872), ibig sabihin ay “inihiwalay para sa

paggamit ng Diyos.”

299

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!