29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

pamamagitan ni Lot.

2:20 “(Yaon man ay ibinilang na lupain ng mga Rephaim)” Ito ay isang pang-etnikong pangkat na

nanirahan sa lugar na ito. Sila rin ay tinatawag na Zomzommeo. Ang talata 21 ay nagpapakita sa atin na

sila ay bahagi ng mga dambuhala (cf. v. 9.) Tingnan ang Natatanging Paksa sa 1:28.

“Zomzommeo” Tingnan ang Genesis 14:5.

2:21 Si YHWH ay naging matapat sa mga anak ni Esau (vv. 5,22) at Lot (vv. 9-10, 21-22). Ang katulad

na “banal na pakikidigma” na talasalitaan na ginamit upang ilarawan ang mga tagumpay ng Israel sa

pagsakop ay ginamit upang ilarawan pagsakop ng Edom at Ammon sa kanilang pang-tribong lupain.

2:23

NASB, NRSV,

TEV, REB “Heveo”

NKJV

“Havimo”

NJB

“Mga Havito”

Ang salitang ito (BDB 732) ay mayroong dalawang kahulugan:

1. Isang pangkat ng bayan na pinaninirahan sa lupain sa katimugan ng Palestino. Sila ay nasakop

mula sa bayan ng Agean (i.e., mga Philistino). Si Albright ay inuugnay sila sa mga paninirahan

ng Hyksos (cf. ABD, tomo 1, p. 531). Ang kabanatang ito ay mayroong nakatalang orihinal na

mga nakatira sa mga pangalan ng mga natalo at nawalan ng lupain.

2. Sa huli sa Josue ang salitang ito ay naging pangalan ng isang lungsod sa pang-tribong pagtatalaga

kay Benjamin (cf. Josue 18:23). Ang ilang mga iskolor ay may palagay na sila ay mula sa

bayan ng Ai.

“mga Caftoreo na nangagmula sa Caftor” Ang salitang ito (BDB 499) ay maaaring sa isang pulo ng

Crete, Cyprus, Cappadocia, o hilagang Ehipto (cf. Genesis 10:13). Hindi natin tiyakang nalalaman. Ang

Caftor (pangmaramihang ng Caftoreo) ay maaaring magkapitbahay o mga kamag-anak ng mga Philistino

(cf. Genesis 10:14; Jeremias 47:4; Amos 9:7).

2:24 Ang talatang ito ay mayroong maraming mga kautusan:

1. “Tumindig” - BDB 877, KB 1086, Qal PAUTOS, cf. Genesis 13:!7

2. “Umalis” - BDB 652, KB 704, Qal PAUTOS, cf. Deuteronomio 1:19; 2:1

3. “Dumaan” - BDB 716, KB 778, Qal PAUTOS, cf. Isaias 23:12

4. “Tumingin” - BDB 906, KB 1157, Qal PAUTOS

5. “Magsimula” - BDB 320 III, KB 319, Hiphil PAUTOS, cf. Deuteronomio 2:31

6. “Ariin” - BDB 439, KB 441, Qal PAUTOS, cf. Deuteronomyo 1:8,21; 2:31; 9:23

7. “Manindigan” - BDB 173, KB 202, Hithpael PAUTOS, cf. Deuteronomio 2:5,9,19; Daniel 11:10

Si YHWH ay nag-uutos, nagpapasigla, at humahamon sa Kanyang bayan na magtiwala sa Kaniya at

sumunod sa Kanyang salita hindi gaya ng kanilang mga magulang. Ang lupain ay mapapasa kanila kung

sila ay magpapatuloy sa pananampalataya!

“Amorrheo” Tingnan ang tala sa 1:4. Ang kabisera ng kahariang ito ay Hesbon. Ito ay naging

napamahaging pang-tribung nasasakupan ng Reuben.

“tulad ng kamay ng Panginoon” Ito ay isang pang-antromorpikong pagpapahayag patungkol sa

Diyos (cf. v. 15). Ang Diyos ay walang kamay. Siya ay walang pisikal na katawan. Ang Diyos ay

espiritu, ngunit ang tanging paraan na pag-usapan nang makabuluhan ang patungkol sa Diyos ay pagusapan

Siya sa mga salitang maaaarin nating maunawaan. Samakatuwid, tayo ay nagsasalita sa Diyos na

48

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!