29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

34:8 “At iniyakan ng mga anak ni Israel si Moises. . . na tatlong pung araw” Ito ay maaring isang

lunar na siklo. Ang kaparehong sukat na ito ng oras ay ibinigay sa nagluluksang si Aaron (cf. Bilang

20:29). Lahat sa henerasyon na nagrebelde sa ilang ay namatay doon maliban kina Josue at Caleb.

TALATA SA NASB (BINAGO): 334:9-12

9

At si Josue na anak ni Nun ay napuspos ng diwa ng karunungan: sapagka't ipinatong ni

Moises ang kaniyang mga kamay sa kaniya; at dininig siya ng mga anak ni Israel, at ginawa

nila ang gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

10

At wala pang bumangong propeta sa

Israel na gaya ni Moises, na kilala ng Panginoon sa mukhaan, 11 Sa lahat ng mga tanda at mga

kababalaghan na iniutos ng Panginoon gawin sa lupain ng Egipto kay Faraon at sa lahat ng

kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang buong lupain, 12 At sa buong makapangyarihang kamay

at sa buong dakilang kakilabutan, na ginawa ni Moises sa paningin ng buong Israel.

34:9 “At si Josue na anak ni Nun” Ang pangalang Josue ay nangahulugang “YHWH ay nagliligtas”

(BDB 221). Ito ay napakapareho sa pangalang “Jesus” (cf. Mateo 1:21). Ito ay binubuo ng Hebreong

salita, “Hosea,” na ibig sabihin ay “kaligtasan” at isang daglat ng Tipan na pangalan para sa Diyos na

ikinabit sa unahan.

“ay napuspos ng diwa ng karunungan” Ang konseptong ito ng “mapuspos” (BDB 569, KB 583, Qal

GANAP) ay dapat ikumpara sa Bilang 27:18 at isang kaparehong konseptong ginamit ng mga artisans sa

Exodo 28:3. Halatang ang Espiritu ng Diyos ay kasangkot sa mga buhay ng tao sa OT gaya rin ng sa NT.

“karunungan” Ito ay tila (BDB 315) tumutukoy sa abilidad ni Josue na gabayan ang mga tao sa

labanan at ipamahala ang katarungan. Si Josue ay hindi mula sa tribu ng mga Levi at, samakatuwid, hindi

maaring anumang paraan ay maging isang saserdote, ngunit siya ay pinagkaloobang pinuno.

“sapagka't ipinatong ni Moises ang kaniyang mga kamay sa kaniya” Ang konseptong ito ng

pagpapatong ng mga kamay ay napakahalaga sa OT. Nakikita natin ang pinaka aktong ito sa Bilang 27:22-

23; punahin rin ang Deutronomio 31:1-8. Ito ay parang may kaugnayan sa pagpapatong ng mga kamay sa

sakrpisyong biktima kung saan ay naililipat ang kasalanan dito. Sa ilang mga paraan ang pamumuno ni

Moses ay naisalin kay Josue.

NATATANGING PAKSA: : PAGPAPATONG NG KAMAY SA BIBLIYA

Ang pagkilos na ito na isang personal na pagsangkot ay ginamit sa ilang mga paraan sa Bibliya.

1. pagpasa ng pamunuan sa pamilya (cf. Genesis 48:18)

2. pakikiisa sa kamatayan ng isang sakripisyal na hayop bilang kahalili

a. mga saserdote (cf. Exodo 29:10,15,19; Levitico 16:21; Bilang 8:12)

b. mga manggagawa(cf. Levitico 1:4; 3:2,8; 4:4,15,24; II Cronico 29:23)

3. pagsasantabi sa isang tao upang maglingkod sa Diyos sa isang espesyal na tungkulin o

ministeryo (cf. Bilang 8:10; 27:18,23; Deutronomio 34:9; Gawa 6:6; 13:3; I Timoteo 4:14;

5:22; II Timoteo 1:6)

4. pakikisalamuha sa panghukumang pagbabato sa isang makasalanan (cf. Levitico 24:14)

5. pagtanggap ng isang pagpapala para sa kalusugan, kasiyahanm at makadiyos (cf. Mateo.

19:13,15; Marcos 10:16)

6. may kaugnayan sa pisikal na kagalingan (cf. Mateo 9:18; Marcos 5:23; 6:5; 7:32; 8:23;

16:18; Lucas 4:40; 13:13; Gawa 9:17; 28:8)

7. pagtanggap sa Banal na Espiritu (cf. Gawa 8:17-19; 9:17; 19:6)

396

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!