29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

makaPablong parirala na, “alipin ng Diyos.” Ang konsepto ng OT tagapaglingkod ay lubhang

napakahalaga. Sa OT ang eleksyon o paglilingkod ay tuparin ang layunin Diyos, hindi talaga sa

kaligtasan. Si Cyrus ay tinawag na “pinahiran ng Diyos” (cf. Isaias 45:1) at Assyria ay tinawag na “ang

tngkod ng Kanyang galit” (cf. Isaias 10:5). Ang malulupit na bansang ito at paganong hari ay tugma sa

plano ng Diyos ngunit hindi espiritwal na kaugnay sa Kanya. Ang mga terminong “eleksyon” at “pinili”

ay may espiritwal na konotasyon lamang sa NT.

“ay namatay roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon” Ang literal na Hebreo dito ay

“sa pamamagitan ng bibig ng Panginoon,” (BDB 804), na tila isang metapora para sa salita ng Diyos (cf.

Genesis 41:40; 45:21; Exodo 17:1; 38:21; Bilang 3:16,39).

Gayunpaman, ang mga rabi ay nagsabi na ito ang “halik ng Diyos.” Sinasabi nila na ang Diyos ay

hinalikan si Moses sa bibig at kinuha ang kanyang hininga. Ito ay napakapareho sa ating kultural na

idyoma na “ang halik ng kamatayan.” Kung magkagayon, ito ay napakagandang tala ng balanse sa

pagitan ng katarungan at awa ng Diyos sa buhay ni Moses.

34:6 “At Kaniyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab” Ang “Siya” ay nagpapahiwatig na ang

Diyos Mismo. Ito ay higit na kagaya ng sa Genesis 7:16, kung saan ang Diyos ay isinara ang pintuan ng

arko. Isang dahilan para sa paglilibing ng Diyos kay Moses mismo ng Kanyang sarili ay dahil ang Diyos

ay kinuha lahat ng mga sinaunang mga lugar at mga artipakto na maaring sambahin sa halip na Siya.

Pansinin na si Moses ay hindi inilibing sa Bundok Nebo mismo ngunit sa ibaba sa may lambak. Ang

kakaibang NT pasahe sa Jude 9 ay may kinalaman sa talang ito, ngunit kung paano ito ay walang

kinalaman ay hindi malinaw. Ang Jude 9 ay tila nagsipi ng dagdag-kanonikal na aklat kilala bilang ang

The Assumption of Moses. Ang eksaktong layunin para sa demonyo na hingin ang katawan ni Moses ay

walang katiyakan.

“nguni't sinomang tao ay hindi nakaaalam ng libingan niya hanggang sa araw na ito” Ito ay

halatang gawa ng kalaunang patnugot. Marami ang nagsasabi na si Moses ay hindi maaring naisulat ang

huling kabanata na ito na may kinalaman sa kanyang kamatayan. Si Rashi ay nagsasabi na si Josue ang

nagsulat patungkol sa kamatayan ni Moses, habang si IV Esdras ay nagsasabi na si Moses ang nagsulat sa

kanyang sariling kamatayan. Ako ay naniniwala sa Mosaik na pagkamay-akda ng Torah, ngunit hindi ito

nag-aalis sa ilang mga patnugutang mga komento na gaya nito na lumilitaw paminsan minsan. Ang

pagkakapareho ng Hebreo sa pagitan ng Pentateuch at ang aklat ng Josue ay tila nagpapahiwatig na si

Josue ay mayroon ngang bahagi sa mga ala-alang mga kasulatan ni Moses. Gayunpaman, ang mahalagang

lugar ng Ezra sa rabinikal na Judaismo bilang patnugot ng kabuuang OT ay isa ring posibilidad.

34:7 “At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong gulang nang siya'y mamatay” Ang

isandaan at dalampung taong pagitan ay nahubog sa sermon ni Stephen sa Gawa 7:23ff tungo sa isang

tatluhang bahagi ng apatnapung taon bawat isa: (1) apatnapung taon sa edukasyonal na sistema sa Ehipto;

(2) apatnapung taon sa pinaka desyerto kung saan ay kalaunang mangunguna sa mga anak ng Israel; at (3)

apatnapung taon sa paglalagalag sa ilang na periyod. D. L. Moody ay nagsabi, “Sa loob ng 40 mga taon si

Moses ay inakala na siya ay sino na. Sa 40 na mga taon siya ay nag-akala na siya ay balewala. Sa 40 mga

taon natagpuan niya kung ano ang magagawa ng Diyos sa isang balewala.”

34:7 “ang kaniyang mata'y hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay humina” Ito ay tila

tumutukoy sa kalusugan ni Moses, habang Deutronomio 31:2 ay tila isang dahilan ibingay kay Moses

kung bakit siya ay hindi makakapasok sa Lupang Pangako (na siya ay lubhang mahina at matanda). Hindi

ito isang pagsasalungat, ngunit isang mas higit na pagtatangka ni Moses bigyan paliwanag ang kanyang

kasalanan sa pamamagitan ng alinmang sa pagsisisi sa mga tao o sa kanyang edad o sa iba pang mga

sanhi.

395

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!