29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

“sa pagsalangsang sa kaniyang kasunduan” Ang PANDIWANG ito (BDB 716, KB 778, Qal PAWATAS

NA PAGKAKAYARI) ay may panimulang kahulugan na “lalampasan” o “dadaanan.” Ito ay pinakamadalas

na gamitin sa isang literal na kaunawaan, ngunit minsan sa isang teolohikong kaunawaan. Sa orihinal, ito

ay maaaring tumukoy sa isang gawain ng paghahati ng isang hayop bilang isang pangkasunduan pagkilos

at paglakad sa pagitan ng mga bahagi (e.g., Genesis 15:17). Ang paglabag sa kasunduan ay magbubunga

ng kamatayan o pagkawasak (i.e., tulad ng paghati sa hayop). Ito pumapatungkol sa paglabag sa

maliwanag na mga itinalagang pagkilos (i.e., mga tadhana ng kasunduan, cf. 26:13; Josue 7:11,15; Mga

Hukom 2:20; II Mga Hari 18:12; Jeremias 34:18-19; Osea 6:7; 8:1).

17:3 “sa araw, o sa buwan, o sa anomang natatanaw sa langit” Ang sinaunang mga taga-Babilonya

ay nauna, at hindi ang huli, na makakita ng mga bagay sa langit bilang mga kinatawan ng mga diyusdiyosan.

(cf. 4:19; II Mga Hari 17:16; 21:3,5; 23:4-5; II Cronica 33:3,5; Jeremias 8:2; 19:13).

Ipinagpapalagay nila na ang mga liwanag sa kalangitan ang namamahala sa kahihinatnan ng

sangkatauhan (sa pisikal at espirituwal).

17:4 Ang talatang ito ay katulad ng 13:14. Ang PANDIWANG ito “iyo ngang sisiyasating masikap” (BDB

205, KB 233, Qal GANAP) ay nagpapahiwatig ng isang lubusang pagsisiyasat (cf. 13:14; 17:4,9; 19:18;

Levitico 10:16; Mga Hukom 6:29). Ang mga pagpaparatang at kaalaman na galing sa iba ay hindi sapat

upang mahatulan. Ang sistemang panghukuman ng Israel ay mabagsik (“batuhin hanggang sa kamatayan,”

v. 5), ngunit puspusan.

NASB, TEV “kung ito ay totoo”

NKJV “kung ito ay talagang totoo”

NRSV “ang pananagutan ay napatunayang totoo”

NJB “ito ay natagpuang totoo at at napatunayan”

Ang Hebreong katagang ito (pinagpapalagay na KATAGA, BDB 243 II, b at PANGNGALAN BDB 54) ay

inulit sa Deuteronomio ng tatlong beses (i.e., 13:14; 17:4; 22:20).

NASB “karumaldumal na bagay na ito”

NKJV “na siyang isang kasuklam-suklam”

NRSV “isang kasuklam-suklam na bagay”

TEV “ang masamang ito”

NJB “ang mamuhi-muhing bagay na ito”

Ang katulad na salitang ito (BDB 1072) ay ginamit sa 17:1, na ito ay tumutukoy sa isang

nadungisang alay. Dito, ito ay tumutukoy sa pagsamba sa diyus-diyosan (i.e., “ang hukbo ng

kalangitan”).

“Israel” Tingnan ang Natatanging Paksa sa 1:1.

17:5 “sa iyong mga pintuang-daan” Ang pariralang ito ay nangangahulugang “sa iyong hukumang

lokal.” Ito ang lugar na inuupuan ng mga pinunong lokal.

“babatuhin sila ng mga bato, hanggang sila'y mamatay” Ito ay isang anyo ng parusang kamatayan

(cf. v. 7). Bawat nakakatandang miyembro ng komunidad ay kumikilos upang alisin ang masama sa

kanyang sarili (tingnan ang buong tala sa 13:10).

Ang Hebreong teksto ay mayroong kalipunan ng MGA PANDIWA na pumapatungkol sa kamatayan sa vv.

213

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!