29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

pisikal na tanda ng galit o (2) pagsinghal na tunog sa ilong. Ang salitang ito ay ginamit alinsunod sa

maka-Diyos (antromorpikong) galit (cf. Exodo 32:12; Deuteronomio 1:37; 4:21; 9:8,20; II Mga Hari

24:20).

Ang ibang gamit ng salitang ito na kaugnay sa pagka-Diyos ay ang pariralang, “banayad sa

pagkagalit,” na nagbibigay-diin sa pagtitimpi at pagtitiis ng Diyos (e.g., Exodo 34:6; Mga Bilang 14:18;

Nehemiah 9:17; Kawikaan 14:29).

1:38 “Si Josue na anak ni Nun, na nakatayo sa harap mo” Ang parirala na, “na nakatayo sa harap

mo,” ay isang Hebreong katagang na tumutukoy sa isang pinuno (lider). Si Josue ay ang kanang-kamay

ni Moises at ito ay maaaring isang propesiya sa kanyang panghinaharap sa pamumunong gagampanan.

“palakasin mo ang kaniyang loob” Ang PANDIWNG ito (BDB 304, KB 302, Piel PAUTOS) ay

nangangahulugang “maging malakas” (e.g., 3:28). Si YHWH mismo ang gumawa nito sa Josue

1:6,7,9,18!

“sapagka't kaniyang ipamamana sa Israel” Ang pangakong ito ay maibabalik sa mga propesiya sa

mga Patriyarka (e.g., Genesis 12, 15, 18, 26) patungkol sa pagtataglay ng mga magmamana sa Canaan

(e.g., 3:28; 31:7; Josue 11:23).

1:39 “ang inyong mga bata, na inyong sinasabing magiging bihag” Ito ay tumutukoy sa Mga Bilang

14:3,31. Dahil sa di-pananampalataya ng mga matatanda, ang Diyos ay nagsasabi na ang kanilang mga

anak ang tiyak na magmamana ng lupain tulad ng Kaniyang ipinangako.

“ang inyong mga anak na sa araw na ito ay hindi nakakaalam ng mabuti o ng masama” Sa

kasaysayan, ito ay tumutukoy sa mga anak na lumabas ng Ehipto. Hindi sila ibinilang ng Diyos na may

pananaguta hangang sila ay magkaroon ng kakayahan ng pangkasunduang pagkaunawa at pangako.

Sa kontekstong ito, dalawang panig/poste ang makikita dito:

1. “Ipagkakaloob ko ito sa kanila” (kapangyarihan ng Diyos, cf. v. 8)

2. “Tataglayin nila ito” (pantaong pagpili at pananagutan, cf. v. 8)

Tingnan ang Natatanging Paksa sa ibaba.

NATATANGING PAKSA: ANG PANAHON NG PANANAGUTAN

Ang iglesiya, na sumusunod kay Pablo, ay tumuon sa Genesis 3 bilang ang pinanggalingan ng

pantaong kasalanan/kasamaan. Ito ay lumago sa isang Augustinian/Calvinistic na pagbibigay-diin sa

lubusang kasamaan (i.e., ang walang kakayahang tumugon sa Diyos un walang tulong). Ito ay naging isa

sa limang haligi ng Calvinismo at isang pangunahing tuntunin ng Kristiyanismo.

Gayunman, ang mga rabi ay hindi kailanman tumuon sa Genesis 3 bilang pinagmulan ng kasamaan

(ang ilan ay tumuon sa Genesis 6), ngunit sa pansariling pananagutan ayon sa kaalaman at pangako.

Kanilang ipinagpapalagay ang dalawang layunin (netzers), isang mabuti at isang masama. Ang klasikong

halimbawa ay ang isang kasabihan na, “sa bawat puso ng tao ay dalawang aso, isang masama at isang

mabuti. Ang isa na pinapakain nang pinakamarami ay magiging pinakamalaki.” Samakatuwid, ang mga

tao ay magkakaroon lamang ng pananagutan pagkatapos ng isang yugto ng kaganapan sa sa gulang at

pangkasunduan pagkaunawa/pangako (i.e., Bar Mitzvah para sa mga batang lalaki at edad sa 13 at Bat

Mitzvah para sa mga batang babae sa edad na 12). Ang ibang biblikal na mga halimbawa sa teolohikong

pananaw na ito ay Jonas 4:11 at Isaias 7:15-16.

Upang ilagay ito sa mga magkakasalungat ng mga salita:

1. Sina Pablo/Augustino/Calvin ay tumuon sa kapangyarihan ng Diyos at kawalang kakayahan ng

tao.

2. Ang mga Rabbi/Hesus/Pablo ay tumuon sa pangkasunduang pananagutan.

36

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!