29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 4:9-14

9 Magingat ka lamang sa iyong sarili, at ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap,

baka iyong malimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mangahiwalay sa

iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay; kundi iyong ipakilala sa iyong mga anak at sa

mga anak ng iyong mga anak; 10 Tandaang yaong araw na ikaw ay tumayo sa harap ng

PANGINOON mong Diyos sa Horeb, nang sabihin sa akin ng PANGINOON, Papagpisanin mo sa

akin ang lungsod, at aking iparirinig sa kanila ang aking mga salita, upang sila'y magaral na

matakot sa akin sa lahat ng araw na kanilang ikabubuhay sa ibabaw ng lupa, at upang kanilang

maituro sa kanilang mga anak. 11 At kayo'y lumapit at tumayo sa ibaba ng bundok; at ang

bundok ay nagningas sa apoy hanggang sa kaibuturan ng langit, sangpu ng kadiliman, ulap, at

salisalimuot na kadiliman. 12 At ang Panginoo'y nagsalita sa inyo mula sa gitna ng apoy; inyong

narinig ang tinig ng mga salita, nguni't wala kayong anyong nakita; ang inyo lamang narinig ay

isang tinig. 13 At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang kasunduan, na kaniyang iniutos sa

inyong ganapin, sa makatuwid baga'y ang sangpung utos; at kaniyang isinulat sa dalawang

tapyas na bato. 14 At iniutos sa akin ng PANGINOON nang panahong yaon, na turuan ko kayo ng

mga palatuntunan at mga kahatulan, upang inyong mangagawa sa lupaing inyong paroroonan

upang ariin.

4:9

NASB “Mag-ingat ka lamang sa iyong sarili, at ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong

sikap”

NKJV “Pag-ingatan lamang ang iyong sarili, at may pagsisikap na ingatan ito”

NRSV “Ngunit mag-ingat at magmatiyag nang mahigpit”

TEV “Maging mapagbantay! Maging tiyak. . .”

NJB “Ngunit mag-ingat, gaya ng pagpapahalaga mo sa inyong buhay”

Ang pariralang ito ay mayroong dalawang MGA PAUTOS mula sa katulad na salitang-ugat:

1. “mag-ingat” - BDB 1036, KB 1581, Niphal PAUTOS, cf. 4:15; Josue 23:11; Jeremias 17:21).

2. “ingatan” - BDB 1036, KB 1581, Qal PAUTOS sa kaunawaan ng “pag-iingat sa pamamagitan ng

paggawa” (cf. 7:12).

Ang pagsunod ay isang isyu ng buhay-at-kamatayan (cf. 30:15-20)!

“baka iyong malimutan. . . baka mangahiwalay” Tingnan ang Deuteronomio 8:11-20.

“puso” Sa Hebreong sikolohiya, ang damdamin ay nakasentro sa kaibuturan ng tao. Ang puso ay ang

sentro of ang pang-unawa (lalo na sa alaala) at katauhan. Diyos ay nagsasabing, “Huwag kalimutan ang

kautusan!” Tingnan ang Natatanging Paksa: Heart at 2:30.

“lahat ng araw ng iyong buhay” Ang isang pagtupad ng pamumuhay ay kailangan (cf. v. 10; 6:2;

12:1; 16:3).

“pakilala sa iyong mga anak” Ito ay isang inuulit paksa sa Deuteronomio (cf. v. 10; 6:7, 20-25;

11:19; 31:13; 32:46; at tingnan ang Exodo 10:2; 12:26; 13:8,14). Kung ang mga mananampalataya ay

hindi nagtuturo sa kanilang mga anak patungkol sa Diyos, sila ay mga kabiguan bilang mga magulang

(nagsasalita ang bibliya)! Ang pananampalataya ay umaagos sa pamamagitan ng mga pamilya (cf. 5:10;

7:9)!

4:10 “Tandaang yaong araw na ikaw ay tumayo sa harap ng PANGINOON mong Diyos sa Horeb”

Ang mga tagapakinig ay ang mga anak ng salin-lahi ng exodo. Ito ay tiyak na tumutukoy sa Exodo 19-20.

Ang pag-alala sa mga dakilang mga gawa ng pagtubos ng Diyos (i.e., exodo) ay isang inuulit na paksa

(cf. 5:15; 7:18; 8:2,18; 9:7,27; 11:2; 15:15; 16:3,12; 24:9,18,22; 25:17; 32:7).

69

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!