29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

25-29; Nehemias 10:37, 38).

Mayroong ilang mga pagkakaiba kung paano ang buong angkan ng Levi ay maitataguyod. Sila ay

hindi mga kasalungatan, ngunit mga paglagong nauugnay sa punong dambana.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 18:3-5

3 At ito ang magiging karampatan ng mga saserdote sa lungsod, sa kanila na naghahandog

ng hain, maging baka o tupa, na kanilang ibibigay sa saserdote ang balikat, at ang dalawang

pisngi, at ang sikmura. 4 Ang mga unang bunga ng iyong trigo, ng iyong alak, at ng iyong langis,

at ang unang balahibo ng iyong mga tupa, ay ibibigay mo sa kaniya. 5 Sapagka't pinili siya ng

PANGINOON mong Diyos sa lahat ng iyong mga lipi, upang tumayong mangasiwa sa pangalan ng

PANGINOON, siya at ang kaniyang mga anak magpakailan man.

18:3 Tandaang ang Levitico 7:28-36; Bilang 18:8-19, kung saan ang iba’t-ibang bahagi ng mga

paghahandog, ay pinagkaloob sa mga saserdote.

“pisngi” Ito (BDB 534 I) ay tumutukoy sa mga panga (mga panga at lamat na nakalawi, na bumubuo

ng pisngi).

“ang sikmura” Ang terminong ito (BDB 867) ay karaniwang nangangahulugang “guwang” o “lukab”

at sa kontekstong ito, ay tumutukoy sa isang sa mga tiyan, maaaring ang ikaapt ng mga hayop na

ngumunguya ng pagkain. Ang Webster’s Third International Dictionary, p. 1922, ay nagsasabing ang

lapad ng ikaapat ng tiyan ng mga hayop ay ginamit para sa pagbubuo ng gatas. Ang malaway na

balamban ay ginagawa hanggang ito ay naging isang madilaw na pulbos na ginagamit para sa paggawa

ng keso.

18:4 “ang unang balahibo ng iyong mga tupa” Ang kinakailangang ay nabanggit lamang dito.

“Ang mga unang bunga ng iyong langis” Ang unang pagpiga ng unang hinog ng mga olibo ay isang

kaloob ng bayan kay YHWH at mula sa Kanya sa mga Levita/mga saserdote (cf. Bilang 18:12;

Deuteronomio 12:17; 14:23; 18:4).

18:3-5 Silang mga naglilingkod sa altar ni YHWH ang tumatanggap ng bahagi ni YHWH. Ang mga

makabago ay kailangang maalala na:

1. ang Sabbath

2. ang mga unang bunga

3. ang panganay

4. ang ikapu

ay lahat mga Hebraikong paraan ng pagbibigay-diin sa pagmamay-ari ni YHWH. Hindi ito

nangangahulugang ang mga tao ay makakakuha ng anim na arawa, lahat ng nalalabing mga tanim, o siyam

na ikapu na kanilang mga kita! Ang mga tao ay nagmamay-ari ng wala at mga kaliwala ng lahat ng

bagay! Ang mundo at ang kaloob ng buhay ay pag-aari sa kanyang Tagapaglikha at Tagapagpatuloy.

“pinili ng Diyos” Sa 10:8 ang katulad na pagkilos ay tinatawag na “inihiwalay” (NIDOTTE, tomo 1,

p. 604). Ang mga uri ng pagkakatulad ay nakakatulong sa mga makabago na bigyang kahulugan ang

mga sinaunang makadiwang pakahulugan at semantikong pagpapatong.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 18:6-8

6 At kung ang isang Levita ay umalis sa alinman sa iyong mga pintuang-daan ng buong

Israel na kaniyang pinakikipamayanan at pumaroon ng buong nasa ng kaniyang kaluluwa sa

dakong pipiliin ng PANGINOON; 7 Ay mangangasiwa nga siya sa pangalan ng PANGINOON niyang

226

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!