29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Sa literal ito ay “humiga sa” (BDB 1067, KB 1730, Pual GANAP, hindi kinagawiang PANDIWA dito

lamang). Ito rin ay maaring tumutukoy sa posisyon ng isang mag-aaral (i.e., yumukod ng mababa, cf. TEV,

umupo sa iyong paanan , cf. NET Bible). “Sila” ay tumutukoy sa bayan ng Israel.

“bawa't isa'y tatanggap ng Iyong mga salita.” Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng kautusan sa Bundok

Sinai/Horeb sa Exodus 20 at sa mga sumusunod. Alam ng bayan ng Diyos ang kalooban at kautusan ng

Diyos. Ang tipanang bayan ay mayroong espesyal na responsibilidad na maipakita ang karakter ng Diyos.

Lahat sila ay nanindigan ng kanilang bukal sa kalooban na pagsunod sa kautusan ng Diyos.

33:4 “Si Moises ay nagutos sa atin ng isang kautusan” Ito ay tila nagkokompirma ng ideya sa naunang

mga talata na ang reperensiya sa v. 3 ay sa isang pangalang lugar at ang mga talatang ito ay tumatalakay sa

bayan ng Diyos, hindi sa mga anghel.

“Na mana sa kapisanan ng Jacob” Ang terminong “pag-aari” (BDB 440) ay tumutukoy sa isang

pamana (BDB 439). Ito ay unang ginamit sa tribu ng Israel (Jacob, BDB 784) sa Exodo 6:8 at binanggit ng

madalas sa Ezekiel (cf. 11:15; 33:24; 36:2,3,5).

Ang termino “kapisanan” (BDB 875) ay nangangahulugang “kongregasyon” (cf. kaparehong ugat sa

23:2,3,4,8; 31:30). Dahil sa pararelismo sa v. 4, ang partikular na pagkakagamit na ito ng “pag-aari” ay

maaring isang metapora para sa tipan (i.e., kautusan). Ang bayan ng Diyos ay nagmamay-ari ng isang

kapahayagan at gayun din ng isang lupain!

33:5 “Siya'y hari” Ito ay maaring pantukoy kay YHWH bilang Hari (BDB 572 I, cf. Exodo 15:18; Bilang

23:21; 24:7; I Samuel 8:4-9).

Ang huling dalawang mga linya na kahilera “mga pinuno ng bayan” at “ang tribu ng Israel.” Ito ay

tumutukoy sa pagpapasinaya ng tipan sa bagong bayan ng Diyos sa Bundok Sinai/Horeb (cf. Exodus 19-20).

“Jeshurun” Ito ang literal na “ang isang matuwid” (BDB 449) at tumutukoy sa Israel (cf. v. 26; 32:15;

Isaias 44:2). Tignan Natatanging Paksa sa 1:1.

TALATA SA NASB (BINAGO): 33:6

6

"Mabuhay nawa ang Ruben, at huwag mamatay; Gayon ma'y kumaunti nawa ang

kaniyang mga tao."

33:6 “Mabuhay nawa ang Ruben, at huwag mamatay” Talata 6 ay may tatlong mga Qal JUSSIVE na mga

anyo:

1. mabuhay - BDB 310, KB 309

2. mamatay - BDB 559, KB 562 (pina-negatibo)

3. maging - BDB 224, KB 243 (pina-negatibo)

Si Reuben ay ang panganay ni Jacob, subalit siya ay nagkasala laban sa kanyang ama (cf. Genesis 35:22) at

nawala ang kanyang pagiging higit sa lahat (cf. Genesis 49:3-4).

NASB

NKJV

NRSV

TEV

NJB

“Gayon ma'y kumaunti nawa ang kaniyang mga tao”

“gayon man maging malaya nawa ang kanyang mga tao”

“bagamat ang kanyang bilang ay kakaunti”

“bagamat ang kanilang tao ay kakaunti”

“bagamat ang kanyang lalake ay kakaunit”

382

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!