29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

nangangahulugang “buong pagtatalaga sa Diyos para sa pagkawasak.” Tingnan ang buong tala sa 3:6.

Ang katulad na kahihinatannan na iginawad sa mga pagano ay magdurusa ng mga Hudyo kung sila ay

sasamba sa ibang mga diyos.

13:16

NASB “at magiging isang bunton ng dumi magpakailan man”

NKJV “at magiging isang tambak ng dumi magpakailan man”

NRSV “ito ay mananatiling nagpapatuloy na pagkawasak”

TEV “ito ay kailangang maiwan sa magpawasak magpakailan man”

NJB “kailangan mong ilagak ito sa ilalim ng sumpa ng pagkawasak”

Ang huling pariralang ito ay isang Hebreong pangsumpang kataga (e.g., Josue 8:28; Jeremias 49:2).

Para sa ang konsepto ng “magpakailanman” tingnan ang Natatanging Paksa sa 4:40.

13:16 “huwag kang magsasagi” Ito ay ang Hebreong konsepto paghahandog ng mga nasamsam sa “banal

na pakikidigma” sa Kaniya (BDB 356). Ang tiyak na bagay ginamit dito (at v. 17), makikita sa Josue 6-7!

13:17-18 Pansinin ang daloy ng kaisipan:

1. Ang pagsamba sa diyus-diyosan ay karapatdapat sa kahatulan (i.e., banal na pakikidigma, lahat

nang may hininga, ay mamamatay), vv. 12-15.

2. Ang lahat ng mga nasamsam sa lungsod ay ibinigay kay YHWH bilang isang buong hain (i.e.,

sa banal na pakikidigma, lahat ng may halagang bagay ay binigay kay YHWH), vv. 16-17

3. Ang pagsunod ay nagbubunga ng pagpapala, vv. 17-18:

a. Siya ay liliko mula sa Kanyang naglalagablab na galit

b. Siya ay nagpapakita ng awa, cf. 30:3

c. Siya ay mayroong kahabagan (katulad na salitang-ugat sa itaas, BDB 933)

d. Siya ay magdudulot ng kasaganahan

e. Siya ang tutupad sa sinumpaan sa mga ninuno

4. Ang pagpapala ay may pasubali sa pagsunod, v. 18

“na iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng PANGINOON mong Diyos” Ang pariralang ito ay

makikita nang maraming beses sa Deuteronomio (cf. 6:18; 12:28; 13:18). Ito rin ay makikita sa I Mga

Hari 11:38; 14:8; 15:11; 22:43; II Mga Hari 12:3. Si YHWH ay ang pamantayang ng katarungan at

katuwiran na kung saan ang lahat ay hahatulan. Tingnan ang Natatanging Paksa: Katuwiran sa 1:16.

MGA TALAKAYANG TANONG

Ito ay isang komentaryong gabay sa pag-aaral, na nangangahulugan na ikaw ay may pananagutan sa

iyong sariling interpretasyon sa Bibliya. Ang bawat isa sa atin ay dapat lumakad sa liwanag na mayroon

tayo. Ikaw, ang Bibliya, at ang Banal sa Espiritu ay pangunahin sa interpretasyon. Hindi mo dapat iasa

ito sa taga-pagsuri.

Ang mga talakayang tanong na ito ay inihanda upang tulungan kang mag-isip sa pamamagitan ng mga

pangunahing paksa sa bahaging ito ng aklat. Ito ay nangahulugang dapat maging mapukaw-isip, hindi

pang kahulugan lamang.

1. Bakit ang kabanatang ito ay lubhang mabagsik sa kanyang pakikitungo sa ibang mga

pananampalataya

2. Ang kabanata bang ito ay magiging batayan ng ating pakikitungo sa ibang mga

pananampalataya sa ating panahon

180

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!