29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

PAG-AARAL NG SALITA AT TALATA

TALATA SA NASB (BINAGO): 31:1-6

1

At si Moises ay yumaon at sinalita ang mga salitang ito sa buong Israel. 2 At kaniyang

sinabi sa kanila, ‘Ako'y may isang daan at dalawang pung taon sa araw na ito; hindi na ako

makapaglalabas at pumasok; at sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag kang tatawid sa Jordang

ito’ 3

Magpapauna ang Panginoon mong Diyos at kaniyang lilipulin ang mga bansang ito sa

harap mo, at iyong aariin: si Josue ay magpapauna sa iyo, gaya ng sinalita ng Panginoon. 4

At

gagawin sa kanila ng Panginoon ang gaya ng ginawa kay Sehon, at kay Og, na mga hari ng mga

Amorrheo, at sa kanilang lupain na kaniyang nilipol. 5

At ibibigay sila ng Panginoon sa harap

6

mo, at iyong gagawin sa kanila ang ayon sa buong utos na aking iniutos sa iyo. Kayo'y

magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't

ang Panginoon mong Diyos ay siyang yumayaong kasama mo; hindi ka niya iiwan ni

pababayaan ka niya."

31:1 “sinalita ang mga salitang ito” Posibleng ito ay dapat na “natapos na pagsasalita,” sumusunod sa

Septuagint at ilang manuskrito ng Dead Sea Scrolls, na nagbaligtad sa dalawang Hebreong katinig (cf.

NRSV, REB). Ito ang wakas sa tatlong mga sermon ni Moses.

31:2 “Ako'y may isang daan at dalawang pung taon” Ang haba ng buhay ni Moses ay umabot ng 120

taon (cf. 34:7) ay maaring mahati sa tatlong mga 40 taon mga parte. Si Moses na 40 taon na inihanda

sa maharlikang akademya ng Ehipto, 40 taon sa pagsasanay sa desyerto para sa kanyang pagkakatawag,

at 40 mga taon mula sa panahon ng nag-aalab na palumpong hanggang sa kasalukuyan (cf. Exodo 7:7 at

Gawa 7:23ff). Bakit kailangang banggitin ang kanyang edad Ito ang mga posibleng mga dahilan: (1) sa

Ehiptong panitikan ang 110 taon ang ang edad ng marunong na tao,ngunit sa Syria ito ay 120 na taon;

(2) ang limit na edad sa Genesis 6:3; o (3) ay isa na namang dahilan ni Moses kung bakit hindi niya

mapapangunahan ang mga ito sa Lupang Pangako.

“hindi na ako makapaglalabas at pumasok” Ito ay isang Hebreong idyoma para sa kalakasan

(Josue 14:11; NRSV, TEV, NJB, JPSOA)! Gayunpaman, ang katandaan ay kumuha sa lakas ni Moses,

cf. Deutronomio 34. Posibleng ito ay isang dahilan (cf. 1:37) kaugnay sa pampublikong pagsuway ni

Moses na naitala sa Bilang 20:11-12. Ang Deutronomio 3:23-29 ay nagtala sa pakikiusap ni Moses sa

Diyos na pahintulutan siya na makapasok sa Lupang Pangako (cf. 32:48-52).

31:3 “Magpapauna ang Panginoon mong Diyos” Ang Diyos ang lumalaban para sa kanila, bagamat

sila ay dapat na maghanda para sa labanan at makisalamuha (cf. vv. 3-6, i.e., banal na labanang

terminolohiya). Si Moses ay ang instrumentong ginamit ng Diyos. Ang Diyos, mismo, ang Siyang

nagpalaya sa mga tao. Sa realidad si YHWH, hindi si Josue, ang nauunang tumungo sa pakikilaban

para sa Kanyang bayan!

“Si Josue ay magpapauna sa iyo,” Isang bagong pinuno ang kinakailangan dahil sa pagsuway ni

Moses. Ang Diyos ay makakasama ni Josue, ngunit siya rin ay dapat na gawin ang mga obligasyon sa

tipan (cf. 1:38; 3:28).

31:6 “Kayo'y magpakalakas at magpakatapang” Ang talatang ito ay may ilang mga pautos na mga

anyo:

1. “maging malakas” - BDB 304, KB 302, Qal PAUTOS, cf. vv. 7,23

2. “maging matapang” - BDB 54, KB 65, Qal PAUTOS, cf. vv. 7,23

3. “huwag matakot” - BDB 431, KB 432, pinanegatibo Qal DI-GANAP, ginamit sa JUSSIVE na

pakahulugan

4. “huwag manginig” - BDB 791, KB 888, pinanegatibo Qal DI-GANAP, ginamit sa JUSSIVE na

pakahulugan, cf. 1:29; 7:21; 20:3; Josue 1:9

344

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!