29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Nehemias 9:17,31; Joel 2:13; Jonas 4:2

3. Matagal na magalit (BDB74 NA KAYARIAN BDB 60)

- Exodo 34:6; Mga Awit 86:15; 103:8; Nehemias 9:17; Joel

2:13; Jonas 4:2

4. Sagana sa patatag na pag-ibig (BDB 912 I NA KAYARIAN BDB 338)

- Exodo 34:6-7; Mga Awit 86:15; 103:8; Nehemias 9:17; Joel

2:13; Jonas 4:2

5. Matapat (BDB 54) - Exodo 34:6; Mga Awit 86:15

6. Sagana sa pagpapatawad (BDB 699) - Nehemias 9:17

7. Hindi sila itinatakwil (BDB 736 I) - Nehemias 9:17,31

8. Itinatakwil ang masama (BDB 636, KB 688, Niphal PANDIWARI + BDB 948) - Joel 2:13; Jonas

4:2

9. Ang dakilang Diyos (BDB 42, 152) - Nehemias 1:5; 9:32

10. Dakita at kakilakilabot (BDB 152, 431) - Nehemias 1:5; 4:14; 9:32

11. Nag-iingat ng kasunduan (BDB 1036, 136) - Nehemias 1:5; 9:32

12. Matatag na pag-ibig (BDB 338) - Nehemias 1:5; 9:32

“hindi ka niya pababayaan, ni lilipulin ka niya ni kalilimutan ang kasunduan sa iyong mga

magulang” Mayroong tatlong pasalungat na MGA PANDIWA:

1. Pagbagsak - BDB 951, KB 1276, Hiphil DI-GANAP (sa literal “hayaang bumagsak ang

kamay”), na nangangahulugang pabayaan o iiwan (cf. 31:6,8; Josue 1:5;

10:6; I Cronica 28:20; Hebreo 13:5)

2. Pagwasak - BDB 1007, KB 1469, Hiphil DI-GANAP, na nangangahulugang

“paggiba,” “pagsira,” at “pagwasak” (cf. 9:26; 10:10; Jeremias 30:11)

3. Paglimot - BDB 1013, KB 1489, Qal DI-GANAP (cf. Levitico 20:45, tingnan ang

Natatanging Paksa: Mga Pangkasunduang Pangako sa mga Patriyarka sa 9:5

Ang kahirapan ng teolohikong isyu ay kung papaano kukunin nang mataimtim ang mga pangako ng

Diyos sa talatang ito kaugnay sa mga nakalipas na pangkasunduan pangangailangan. Ang kawalang

kakayahan ng Israel na ingatan ang kasunduan ay nakatala sa kanilang kasaysayan at sa mga sulat ni

Pablo (cf. Roma 2-3; Galacia 3). Ang pangangailangan para sa isang “bagong kasunduan,” ay

nakabatay hindi sa pantaong pagsasakatuparan ngunit sa maka-Diyos na kalooban at pagkilos ang sagot

ng Diyos (cf. Jeremias 31:31-34; Ezekiel 36:22-38). Ang Diyos ay hindi kailanman nagbabago, ngunit

gayundin ang Israel! Ang hinihingi ng Diyos para sa isang matuwid bayan ay hindi matutustusan ng

pagtaong pagpupunyagi at kalooban! Tayo ay nangangailangan ng isang bagong puso at isang bagong

espiritu!

Ikaw ay kailangang magpasiya! Ang OT ba ay kailangang makita sa sa pamamagitan ng NT o ang

NT ba ay kailangang makita sa pamamagitan ng OT Ang pagtuon ba ay nasa Israel o ang mundo Ang

isyu ba ay pananampalataya o lahi Kung mayroong isang “panaklong” sa walang hangaang plano ng

katubusan ng Diyos, ito ay hindi ang iglesiya (i.e., dispensasyonalismo), ngunit ang Israel!

NATATANGING PAKSA: BAKIT ANG MGA PANGAKO NG KASUDUAN SA OT AY

TILA NAIIBA SA MGA PANGAKO NG KASUDUAN SA NT

Sa mga taon ng aking pag-aaral ng eskatolohiya, aking napag-alaman na ang karamihan sa mga

Kristiyano ay wala o hindi nais ang isang maunlad, sistematikong, katapusang-panahon na

pagkakasunod-sunod. Mayroong ilang mga Kristiyano na nagbibigay-tuon o ginagawang pangunahin

saa bahaging ito ng Kristiyanismo para sa teolohiko, sikolohiko, o denominasyonal na mga

kadahilanan. Ang mga Kristiyanong ito ay tila nahumaling sa kung papaano ito magwawakas, at

nakaligtaan ang pangangailangan ng ebanghelyo! Ang mga mananampalataya ay hindi makakaapekto

77

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!