29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

“sa gitna ng buong Israel” Tingnan ang Natatanging Paksa sa 1:1.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 11:8-12

8 Kaya't inyong susundin ang buong utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, upang

kayo'y lumakas at kayo'y pumasok at ariin ninyo ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin;

9 At upang inyong maparami ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain na isinumpa ng

PANGINOON sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi na lupaing

binubukalan ng gatas at pulot. 10 Sapagka't ang lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, ay

hindi gaya ng lupain ng Ehipto, na inyong pinanggalingan, na doo'y nagtatanim ka ng iyong

binhi, at iyong dinidilig ng iyong paa, na parang taniman ng mga gulay; 11 Kundi ang lupain, na

inyong tatawirin upang ariin, ay lupaing maburol at malibis, at dinidilig ng tubig ng ulan sa

langit: 12 Lupaing inaalagaan ng PANGINOON mong Diyos, at ang mga mata ng PANGINOON

mong Diyos ay nandoong lagi, mula sa pasimula ng taon hanggang sa katapusan ng taon.

11:8 “Kaya” Ito ay tumutukoy sa lahat ng sumunod na pang-kasaysayan mga pagkabanggit sa kabanata 11

o maaaring kahit nakalipas na. Karamihan sa Deuteronomio, sa yugtong ito, ay mayroong muli at muling

sinanay na katulad na mga babala.

11:9 “upang inyong maparami ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain” Ihambing ang v. 21 sa

Deuteronomio 5:16. Ito ay hindi isang pansariling pangako ng mahabang buhay ngunit isang

pangkulturang pangako ng katatagan sa isang lipunan na nagpaparangal sa Kautusan ng Diyos (cf. 4:1;

8:1) at sa gayon pinaparangalan ang pamilya (cf. 4:40; 5:16,33; 6:2). Tingnan ang buong tala sa 4:40.

“na isinumpa ng PANGINOON sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila” Tingnan ang

Natatanging Paksa: Mga Pangkasunduang Pangako sa mga Patriyarka at 9:5.

“na lupaing binubukalan ng gatas at pulot” Hindi lang ito ang tanging pisikal paglalarawan ngunit

isang teknikal na pagtatalaga para sa lupain ng Palestino sa Ugaritiko at Ehipsyong mga kasulatan.

Tingnan ang tala sa 6:3.

11:10 “hindi gaya ng lupain ng Ehipto” Ang paglilinang ng mga pananim ay lubhang naiiba sa Ehipto

kaysa sa Palestino. Ang Palestino ay may pana-panahong pag-ulan (cf. v.11), ang Ehipto ay kailangang

umasa sa patubig na mula sa Nile at kanyang taunang pagbabaha.

“iyong dinidilig ng iyong paa” Ito ay maaaring tumutukoy sa (1) isang sistemang patubig na ang

bukirin ay babahain at samakatuwid ang paa ay ginagamit upang gumawa ng butas sa dike upang

dumaloy ang tubig palabas o (2) isang gilingang ginamit upang itaas ang tubig para sa patubig.

11:11 “ang lupain. . . dinidilig ng tubig ng ulan sa langit” Para sa mga tao sa disyerto, walang kasing

halaga ang pagpapala ng pagkakaroon ng sapat at palagiang tubig (cf. 8:7-9). Ang mabuting lupaing ito ay

may pasubali sa kasunduang pagsunod (cf. vv. 16-17; Levitico 26:14-20; Deuteronomio 28:12,23-24; I

Mga Hari 8:35; 17:1; II Cronica 7:11-14; Isaias 5:6; Jeremias 14; Amos 4:7-8).

11:12 “ang mga mata ng PANGINOON” Ito ay isang antromorpikong paglalarawan ng Panginoon tulad

ng v. 2. Ito ay nagpapahayag ng Kanyang natatanging pangangalaga at presensya sa Ipinangakong

Lupain. Tingnan ang Natatanging Paksa sa 2:15.

153

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!