29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

PAG-AARAL NG SALITA AT PARIRALA

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 3:1-7

1 Nang magkagayo'y pumihit tayo, at ating sinampa ang daang patungo sa Basan: at si Og

na hari sa Basan ay lumabas laban sa atin, siya at ang buong lungsod niya, sa pakikipagbaka sa

Edrei. 2 At sinabi sa akin ng PANGINOON, Huwag mong katakutan siya, sapagka't aking ibinigay

sa iyong kamay siya, at ang kaniyang buong lungsod, at ang kaniyang lupain; at iyong gagawin

sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa

Hesbon. 3 Gayon din ibinigay ng PANGINOON nating Diyos sa ating kamay si Og, na hari sa

Basan, at ang buong lungsod niya; at ating sinaktan siya hanggang sa walang natira sa kaniya.

4 At ating sinakop ang lahat niyang mga lungsod nang panahong yaon; walang lungsod na di

sinakop natin sa kanila; anim na pung lungsod ang buong lupain ng Argob, ang kaharian ni Og,

sa Basan. 5 Ang lahat ng ito'y mga bayang nakukutaan ng matataas na kuta, na may mga

pintuang-lungsod at mga halang; bukod pa ang napakaraming mga lungsod na walang kuta.

6 At ating lubos na nilipol, na gaya ng ating ginawa kay Sehon na hari sa Hesbon, na lubos

nating nilipol bawa't lungsod na tinatahanan, sangpu ng mga babae at ng mga bata. 7 Nguni't

ang madlang kawan at ang nasamsam sa mga lungsod ay ating dinala.

3:1 “sinampa. . . daan” Ito ay tumutukoy sa Lansangan ng Hari. Ito ay isang daang trans-Jordan na

dumadaan sa gitan ng Edom, Moab, at Ammon. Ito ay isang pangunahing ruta ng karawan mula saGolpo

ng Aqaba patungo sa Damasco.

“Basan” Ang mga pangalan ay nangangahulugang “makinis” (BDB 143), sa kaunawaan ng

pinakamahusay na pang-agrikultural na lupain (i.e., walang mga bato). Ito ay isang napakatabang lupa at

makakahoy nalupain sa hilagang pook ng trans-Jordan sa hilaga ng Ilog ng Yarmuk o maaaring Ilog ng

Jabbok Ilog ng sa timog ng mga mababang burol ng Bundok ng Hermon, na nangangahulugang ito

isinamang bahagi ng lugar na kilala bilang Galaad. Ito ay kilala para sa kanyang troso at malaking

kawan ng mga baka.

“Og na hari sa Basan” Tingnan ang Mga Bilang 21:33-35; Deuteronomio 1:4.

“sa Edrei” Ang lungsod na ito ay matatagpuan sa sanga ng Ilog ng Yarmuk at isa mga panirahan ng

maharlika. Ang kabisera ay Ashtaroth sa hilaga. Ang Og ay nakaharap sa Israel dito, maaaring ginagamit

ang ilog bilang isang pangtanggol na posisyon.

3:2 “sinabi sa akin ng PANGINOON” Tingnan ang tala sa 2:2.

“Huwag mong katakutan siya” Ang PANDIWA (BDB 431, KB 432, Qal DI-GANAP ginamit sa isang

JUSSIVE na kaunawaan) ay ginamit na kadalasan sa Deuteronomio (e.g., 1:19,21,29; 2:4; 3:2,22; 4:10).

Ang Diyos ay nagtatanggol para sa kanila (i.e., banal na pakikidigma, e.g., Mga Bilang 21:34; Josue

10:8; 11:6).

NASB, NKJV “aking ibinigay sa iyong kamay siya”

NRSV “akin nang ibinigay siya sa iyong kamay”

TEV

“ibibigay ko siya sayo”

NJB

“Ilalagay ko siya sa iyong kahabagan”

Ang PANDIWA (BDB 678, KB 733, Qal GANAP) ay nangangahulugang “magkaloob,” “ilagay,” o

“magtakda.” Ito ay isang pangkaraniwang PANDIWA. Pansinin ang anyang pagkagamit sa pampanitikang

yunit na ito sa Deuteronomio (cf. 1:8,15,20, 21,25,27,35,36,39; 2:5,9,12,19,24,25, 28,29,30,31,33,36;

55

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!