29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

mga iginagalang na gurong lokal ng Kautusan.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 12:13-14

13 Magingat ka na huwag mong ihahandog ang iyong handog na susunugin sa alinmang

pangkultong dakong iyong makikita: 14 Kundi sa dakong pipiliin ng PANGINOON sa isa sa iyong

mga lipi ay doon mo ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, at doon mo gagawin ang

lahat na aking iniuutos sa iyo.

12:13 “Magingat ka na huwag mong ihahandog ang iyong handog na susunugin sa alinmang

pangkultong dakong iyong makikita” Ang Diyos ang magpapakita sa inyo ng natatanging mga

pangalan para sa paghahandog (cf. vv. 5,11,14). Huwag gagamitin ang maraming lokal na Cananeong

altar hindi dahil sila ay nandito lang. Huwag maghahandog ng hain kay YHWH sa mga altar na itinayo

para kay Ba’al. Gayunman, may ilang mga lokal na mga altar na ginawa para kay YHWH (cf.

Deuteronomio 16:21; I Mga Hari 3:4).

Ang talatang ito ay mayroong tatlong MGA PANDIWA:

1. “Mag-ingat” - BDB 1036, KB 1581, Niphal PAUTOS

2. “huwag mong ihandog” - BDB 748, KB 828, Hiphil DI-GANAP

3. “makikita” - BDB 906, KB 1157, Qal DI-GANAP

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 12:15-19

15 Gayon ma'y makapapatay ka at makakakain ka ng karne sa loob ng lahat ng iyong mga

pintuang-daan, ayon sa buong nasa ng iyong kaluluwa, ayon sa pagpapala ng PANGINOON mong

Diyos na kaniyang ibinigay sa iyo: ang marumi at ang malinis ay makakakain niyaon, gaya ng

maliit na usa, at gaya ng malaking usa. 16 Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo; iyong

ibubuhos sa lupa na parang tubig. 17 Hindi mo makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan

ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, o ng iyong alak, o ng iyong langis, o ng mga panganay sa

iyong bakahan o sa iyong kawan, ni anoman sa iyong mga panata na iyong ipananata, ni ang

iyong mga kusang handog, ni ang handog na itataas ng iyong kamay: 18 Kundi iyong kakanin sa

harap ng PANGINOON mong Diyos sa dakong pipiliin ng PANGINOON mong Diyos, kakanin mo, at

ng iyong anak na lalake at babae, at ng iyong aliping lalake at babae, at ng Levita na nasa loob

ng iyong mga pintuang-daan: at kagagalakan mo sa harap ng PANGINOON mong Diyos, ang

lahat ng kalagyan ng iyong kamay. 19 Ingatan mong huwag mong pabayaan ang Levita

samantalang nabubuhay ka sa iyong lupain.

12:15, 20-24 “Gayon ma'y makapapatay ka” Ito ay nagpapakita ng isang pagpapaalapad ng Kautusan

(cf. Levitico 17:1ff). Kung ang isang hayop ay pinatay (BDB 256, KB 261, Qal DI-GANAP) para sa

pagkain at hindi sa paghahandog, ito ay maaaring patayin kahit saan.

12:15 “ang marumi at ang malinis” Ito ay hindi tumukoy sa maduming mga hayop bilang pagkain (cf.

vv. 20-22; Levitico 11), ngunit madumi bilang handog. Ang may bahid na tupa ay maaaring kainin ng mga

tao bilang na tulad ng mga ligaw na hayop tulad ng usa, ngunit hindi ng mga baboy, atbp.

12:16 “Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo” Ito ay nauugnay sa paggalang ng Hebreo para sa

dugo bilang sagisag para sa buhay. Kahit na kanilang pinatay ang mga hayop, maging para sa pagkain o

paghahandog, kanilang pinapaagos ang (cf. 15:23; Levitico 17:13) at hindi to kakainin, dahil ang buhay ay

pag-aari ng Diyos. Ang dugo ay kumakatawan buhay, ang buhay ay pag-aari ng Diyos (cf. 23-25; Genesis

9:4; Levitico 7:11-12; 17:10-11)!

12:17-18 Ito ay isa pang babala patungkol sa tanging paggamit ng pangulong dambana para

sa pagsamba (cf. v. 26).

166

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!