29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

B. Para sa isang mabuting talakayan sa dyanra ng kautusan at paano ito magagamit sa ngayon

tignan:

1. Introduction to Biblical Interpretation by Klein, Blomberg, at Hubbard, pp. 278-283

2. How To Read the Bible for All Its Worth by Fee at Stuart, pp. 163-180

3. Cracking Old Testament Code, chapter 6, “Law” ni Richard E. Everbeck, pp. 113-138

PAG-AARAL NG SALITA AT TALATA

TALATA SA NASB (BINAGO):25:1-3

1

"Kung magkaroon ng pagkakaalit ang mga tao, at sila'y dumating sa hukuman, at sila'y

hatulan ng mga hukom; ay kanila ngang mamatuwirin ang may matuwid at hahatulan ang

salarin, 2 at mangyayari, na kung ang salarin ay marapat paluin, ay padadapain siya ng hukom

sa lupa, at papaluin sa kaniyang harap, ayon sa kaniyang sala na may bilang, 3 Apat na pung

palo ang maibibigay niya sa kaniya, huwag niyang lalagpasan: baka kung siya'y lumagpas, at

paluin niya ng higit sa mga ito ng maraming palo, ay maging hamak nga sa iyo ang iyong

kapatid."

25:1 “Kung magkaroon ng pagkakaalit” Ito ay tumutukoy sa sa isang legal na kaso sa pagitan ng

tipanang magkakapatid na lalake (BDB 936, cf. 17:8-13; 19:17; 21:5). Ang legal na mga kaso ay

ginusto upang itigil ang personal na paghihigante.

“mamatuwirin ang may matuwid” Ang korte ay nagdedesisyon ng patas at tumpak (cf. 1:16-17).

Ang PANDIWA (BDB 842, KB 1003, Hiphil GANAP) at ang PANG-URI (BDB 843) ay mula sa kaparehong

ugat. Tignan Natatanging Paksa: Katuwiran sa 1:39.

“hahatulan ang salarin” Gaya ng naunang pares, ito ay nagsasangkot ng PANDIWA (BDB 957, KB

1294, Hiphil GANAP at ang PANG-URI (BDB 957) mula sa kaparehong ugat.

25:2 “ng hukom” Ito ay alinman sa (1) ang nag-oobserbang Levita o (2) ang humahampas na Levita.

Sa kalaunay ang Judaismo ay naghahangad ng tatlong mga saksi sa isang pagpalo. Ang tagapalo, ang

tagabilang, at ang tagabasa ng mga pangangailangang Kasulatan.

“sa kaniyang harap” Sa literal ito ay, “sa harap ng kanyang mukha,” na ibig sabihin ay ang hukom

ay dapat na tumingin upang siguraduhin ang pagbibigay ng sintensya. Ang pariralang ito ay binigyan

kahulugan sa kalaunan ng Judaismo na tumutukoy sa posisyon ng isa sa paparusahan, “hampasin sa

dibdib ng ikatlong bahagi ng mga paghampas at sa likod ng dalawa sa tatlong bahagi ng paghampas.”

“ayon sa kaniyang sala na may bilang” Ang kaparusahan ay nangangailangan na tumugma sa

krimen. Ang bilang ng mga hampas ay nagbabago (cf. Nehemias 13:25).

25:3 “Apat na pung” Ito ang pinakamaraming bilang ng hampas na alinmang may kasamang pamalo

(cf. Exodo 21:20; Middle Assyrian Laws, A18) o isang latigo na gawa sa balat. Sa NT na panahon

tatlumpot-siyam na latay ang pinakamarami (cf. Mishnah Makkoth, III, 13-14; II Cor. 11:24).

“palo” Ang terminong ito (BDB 912 I) ay nangangahulugang marka ng mga latigo. Ito ay may

malawak na semantikong larangan at maaring tumukoy sa (1) isang sugat (cf. Isa. 1:6) o (2) isang

karamdaman (cf. 28:61).

“ay maging hamak nga sa iyo ang iyong kapatid” Maging sa kaparusahan isang makataong

espritu ang nangingibabaw. Ang pagpapanumbalik at binagong karakter ang laging tunguhin.

288

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!