29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

ibinigay (Exodo 34:1-12; Deuteronomio 1:6-8; 3:12-20; 11:24; Josue 1:3-4). Noon lamang panahon ng

pamumuno ni David na ang kabuuan ng mga lugar na ito ay napasailalim ng kapangyariha ng Israel.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 1:9-15

9 At ako'y nagsalita sa inyo nang panahong yaon na sinasabi, Hindi ko madadalang mag-isa

ang inyong kabigatan: 10 Pinarami kayo ng Panginoon ninyong Diyos, at, narito, kayo sa araw na

ito ay gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan. 11 Kayo nawa'y dagdagan ng Panginoon, ng Diyos

ng inyong mga magulang, ng makalibo pa sa dami ninyo ngayon, at kayo nawa'y pagpalain, na

gaya ng ipinangako niya sa inyo! 12 Paanong madadala kong magisa ang inyong ligalig, at ang

inyong pasan, at ang inyong pagkakaalitan 13 Kumuha kayo sa inyo ng mga lalaking pantas, at

nakakaalam, at kilala, ayon sa inyong mga lipi, at sila'y aking gagawing pangulo sa inyo. 14 At

kayo'y sumagot sa akin at nagsabi, Ang bagay na iyong sinalita ay mabuting gawin namin. 15 Sa

gayo'y kinuha ko sa inyo ang mga pangulo ng inyong mga lipi, na mga taong pantas, at kilala, at

akin silang ginawang pangulo sa inyo, na mga punong kawal ng libolibo, at mga punong kawal ng

mga daandaan, at mga punong kawal ng mga limangpu-limangpu, at mga punong kawal ng mga

sangpu-sangpu, at mga pinuno ayon sa inyong mga lipi.

1:9 “nang panahong yaon” Ito ay isang umuulit na parirala sa Deuteronomio. Ang unang apat na mga

kabanata ay isang pagbabalik-aral sa mga mapagbiyayang mga pagkilos ni YHWH para sa Israel. Ang

katagang ito ay isang paraan ng pagpapakilala sa isang nakalipas na pagkilos (cf. 1:9,16,18; 2:34;

3:4,8,12,18;4:14).

“Hindi ko madadalang mag-isa ang inyong kabigatan” Tingnan ang Exodo 18:13-26 para sa payo

ni Jethro kay Moises patungkol sa mismong suliraning ito (i.e., Moises bilang isang nag-iisang hukom).

1:10 “Pinarami kayo ng PANGINOON ninyong Diyos” Ito ay bahagi ng pangako ng Diyos sa mga

Patriarka (e.g., Genesis 13:16; 17:2,20; 22:17; 48:4; Levitico 26:9; Deuteronomio 7:13).

“gaya ng mga bituin sa langit” Ang pariralang ito ay matatagpuan din sa Genesis 15:5; 26:4;

Deuteronomio 10:22; 28:62. Ang ibang magkakatulad na mga parirala na ginamit upang ilarawan ang

hindi mabilang na mga bilang (cf. Genesis 16:10) ang mga Israelita ay: “alabok ng lupa” (cf. Genesis

13:16; 28:14; Mga Bilang 23:10); at “buhangin sa dagat” (cf. Genesis 22:17; 32:12). Ang lahat ng ito ay

mula sa isang taong walang anak hanggang sa 100 taong gulang (i.e., Abraham)!

Sa Deuteronomio 1:28 ang mga Israelita ay siyang mas marami pa sa mga butuin at sila ay tako sa

mga naninirahan sa Canaan sa kanilang:

1. bilang

2. laki

3. mga pinaderang lungsod.

Anong kabalintunaan!

“ang Diyos ng inyong mga magulang” Ang madalas na inuulit na katawagang ito ay nagpapahayag

ang parehong Diyos na nagsalita kina Abraham, Isaac, at Jacob ay patuloy na umiiral sa mga buhay at

kahihinatnan ng kanilang mga inanak.

“ng makalibo pa sa dami ninyo ngayon” Ito ay maliwanag na pangkatagang parirala. Ang bilang

na 1,000 ay isang pagpaparami ng sampu (nang tatlong beses) at, samakatuwid, isang sagisag ng

kadakilaan o pagiging madami sa bilang (cf. Mga Awit 90:4; II Pet. 3:8). Nandito ang isang tala ng mga

hayperbolikong pagkakagamit mula sa NIDOTTE, tomo 1, p. 417:

1. ang paggawa ng Diyos sa pagpapala, Deuteronomio 1:11; Job 42:12; Mga Awit 144:13

2. panghukbong (militar) pagpapala, Josue 23:10

23

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!