29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

8:4 “Ang iyong suot ay hindi naluma sa iyo” Kapwa sina Rashi (pang-Hudyong tagapagpaliwanag ng

Gitnang Panahon) at Justin Martyr (ama ng sinaunang iglesiya) ay ipinahayag na ang kasuotan ng mga

anak ay lumalaki habang sila ay lumalaki at hindi kailanman nasira (cf. Deuteronomio 29:5 ay idinagdag

na gayundin ang kanilang mga pangyapak. Nehemias 9:21)! Anong napakagandang pagpapahayag ng

pagkalinga ng Diyos para sa bawat pangangailangan.

“ni hindi namaga ang iyong paa” Ito ay isang di-karaniwang Hebreong PANDIWA (BDB 130, KB

148, Qal GANAP, cf. Nehemias 9:21) na nangangahulugang “pamamaga.” Ang katulad na salitang-ugat

bilang isang PANGNGALAN ay tumutukoy sa sa pag-alsa ng tinapay. Ipinapahayag nito na ang kanilang

pisikal na mga katawang ay pinapalakas din upang matagalan ang mahabang, mahirap na paglalakbay.

8:5 “kung paanong pinarurusahan ng tao ang kaniyang anak, ay gayon pinarurusahan ka ng Diyos”

Dito ay ang tiyak na paghahalintulad kay YHWH bilang isang mapagmahal na ama (cf. Kawikaan 3:15).

Dinidisiplina Niya tayo para sa ating kabutihan ( Hebreo 12:5-13). Tingnan ang Natatanging Paksa sa

2:15. Tingnan ang Natatanging Paksa sa ibaba.

NATATANGING PAKSA: ANG PAGIGING AMA NG DIYOS

I. Lumang Tipan

A. Mayroong isang pangkaunawa na ang Diyos ay ama sa pamamagitan ng paglilikha.

1. Genesis 1:26-27

2. Malakias 2:10

3. Gawa 17:28

B. Ang ama ay ginamit na pagkakatulad sa maraming pagkakaunawa.

1. Ama ng Israel (sa pagpili)

a. “Anak” – Exodo 4:22; Deuteronomio 14:1; 39:5; Isaias 1:2; 63:16; 64:8; Jeremias

3:19; 31:20; Osea 1:10; 11:1; Malakias 1:6

b. “unang-anak” – Exodo 4:22; Jeremias 31:9

2. Ama ng hari ng Israel (pang-Mesias)

a. II Samuel 7:11-16

b. Awit 2:7; Gawa 13:33; Hebreo 1:5; 5:5

c. Osea 11:1; Mateo 2:15

3. Pagkakatulad sa mapagmahal na magulang

a. ama (talinghaga)

(1) tangan ang kanyang anak na lalaki – Deuteronomio 1:31

(2) nagsasaway – Deuteronomio 8:5; Kawikaan 3:12

(3) nagtutustos (i.e., Exodus) – Deuteronomio 32:1

(4) hindi kailanman nagpapabaya – Awit 27:10

(5) umiibig – Awit 103:13

(6) kaibigan/gabay – Jeremias 3:4

(7) nagpapagaling/nagpapatawad – Jeremias 3:22

(8) nagbibigay-awa – Jeremias 31:20

(9) tagapagsanay – Osea 11:1-4

(10) natatanging anak – Malakias 3:!7

b. ina (talinghaga)

(1) hindi kailanman nagpapabaya – Awit 27:10

(2) pag-ibig ng isang nagpapasusong ina – Isaias 49:15; 66:9-13 at Osea 11:4 (na

may panukalang pag-aayos ng teksto mula sa “pamatok” to “sanggol”)

II. Bagong Tipan

129

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!