29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

sa iyo na pinakamana ang kanilang lupain, gaya sa araw na ito. 39 Talastasin mo nga sa araw na

ito at isapuso mo, na ang PANGINOON ay siyang Diyos sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala

nang iba pa. 40 At iyong iingatan ang kaniyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos, na

aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo,

at upang iyong mapalaon ang iyong mga araw sa ibabaw ng lupaing yaon, na ibinigay sa iyo

magpakailan man ng PANGINOON mong Diyos.

4:32 “ipagtanong” Ang PANDIWA (BDB 981, KB 1371, Qal PAUTOS) ay nangangahulugang magsiyasat

sa Diyos patungkol sa pagiging walang katulad ng pakikipag-ugnayan ng Israel sa pagka-Diyos (cf. vv.

32-40).

“mula nang araw na lalangin ng Diyos ang tao sa ibabaw ng lupa” Ito ay tumutukoy sa Genesis 1-

2; gayundin tingnan ang Mga Awit 104.

4:34 “ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig” Ito ay antromorpikong mga kataga (tingnan

ang Natatanging Paksa sa 2:15) na ginamit upang ilarawan ang kapangyarihan ni YHWH sa pagpapalaya

ng Israel (cf. 5:15; 6:21; 7:19; 9:29; 11:2; 26:8). Sa ilang mga teksto, ang parirala ay pinaiksi sa

“makapangyarihang kamay” (cf. 3:24; 6:21; 7:8; 9:26; Josue 4:24) o “nakabukang bisig” (cf. 9:29;

Exodo 6:6). Ang mga pangwikaing terminolohiya ay mayroong isang tiyak na kahalintulad na mga teksto

sa Ehipto na kaugnay sa “hari” (NIDOTTE, tomo 3, p. 92).

4:35 “upang iyong makilala” Ang mga himala ng v. 34 ay para sa layunin ng pagtatatag ng

pananampalataya ng Israel (cf. Exodo 7:5,17; 10:2; 31:13). Para sa “makilala” (BDB 393, KB 390, Qal

PAWATAS NA PAGKAKAYARI) tingnan ang Natatanging Paksa na sumusunod.

NATATANGING PAKSA: MAKILALA

(kadalasang paggamit ng Deuteronomio bilang isang huwaran)

Ang Hebreong salita na “makilala” (BDB 393) ay may maraming pagkakaunawa (mga semantikong

pagkakagamit) sa Qal.

1. upang malaman ang mabuti o masama – Genesis 3:22; Deuteronomio 1:39; Isaias 7:14-15;

Jonas 4:11

2. upang makakilala sa pamamagitan ng pagunawa – Deuteronomio 9:2,3,6; 18:21

3. upang makakilala sa pamamagitan ng karanasan – Deuteronomio 3:19; 4:35; 8:2,3,5; 11:2;

20:20; 31:13; Josue 23:14

4. upang isaalang-alang – Deuteronomio 4:39; 11:2; 29:16

5. upang makilala nang personal

a. ang isang tao – Genesis 29:5; Exodo 1:8; Deuteronomio 22:2; 33:9

b. isang diyos – Deuteronomio 11:28; 13:2,6,13; 28:64; 29:26; 32:17

c. YHWH – Deuteronomio 4:35,39; 7:9; 29:6; Isaias 1:3; 56:10-11

d. pagtatalik – Genesis 4:1,17,25; 24:16; 38:26

6. isang natutunang kasanayan o kaalaman – Isaias 29:11,12; Amos 5:16

7. maging marunong – Deuteronomio 29:4; Kawikaan 1:2; 4:1; Isaias 29:24

8. Karunungan ng Diyos

a. ni Moses – Deuteronomio 34:10

b. ng Israel – Deuteronomio 31:21,27,29

“ang PANGINOON ay siyang Diyos” Tingnan ang Natatanging Paksa: Mga Pangalan para sa

Pagka-Diyos sa 1:3.

84

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!