29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Mayroong isang nakakabiglang kawalan ng pagkakapareho sa mga pasahe na naging

makasaysayang ginamit upang suportahan ang pansimbahang pagtatalaga ng mga pinuno (i.e.,

ordinasyon).

1. Sa Gawa 6:6 ang mga Apostoles ang nagpatong ng mga kamay sa pito para sa lokal na

ministeryo.

2. Sa Gawa 13:3 ang mga propeta at mga guro ang nagpatong ng kamay kay Barnabas at

Pablo para sa misyonaryong tungkulin.

3. Sa I Timoteo 4:14 ang mga lokal ng iglesya na kasangkot sa panimulang pagkakatawag at

pagkakatalaga kay Timoteo.

4. Sa II Timoteo 1:6 si Pablo ang nagpatong ng kamay kay Timoteo.

Ang pagkakaiba at kalabuang ito ay nagpapakita ng kakulangan ng pagkakaayos sa unang

siglong iglesya. Ang unang iglesya ay mas higit na dinamiko at regular na ginamit ang mga

espirtwal na kaloob ng mga mananampalataya (cf. I Corinto 14). Ang NT ay simpleng hindi

isinulat upang itangkilik o iguhit ang isang panggobyernong modelo o ordinasyonal na mga

hakbang.

34:10 “At wala pang bumangong propeta sa Israel na gaya ni Moises” Ang mga talata 10-12 ay ang

komento mula sa eskriba ni Moses, o mas marahil, sa isang kalaunang patnugot. Ito ay tila tumutukoy sa

Makamesyas na propesiya ng Deutronomio 18:15-22. Ang tema na ito ay nahubog sa Hebreo 3:1-6, kung

saan si Hesus at Moses ay pinagsalungat.

“na kilala ng Panginoon sa mukhaan” Ang terminong “kilala” (BDB 393, KB 390, Qal GANAP) ay

isang Hebreong idyoma para sa “matalik, malapit na pakikisama” (cf. Genesis 4:1; Jeremias 1:5). Ito ay

hindi tumutukoy sa kognitibong kaalaman. Ang pariralang “mukha sa mukha” ay nagpapakita ng matalik

kung saan ang Diyos ay nagsalita kay Moses (cf. Exodo 33:11; Bilang 12:6-8).

34:11-12 Ang talata 11 ay wari nagpapahiwatig na ang mga salot sa Ehipto Egypt, na inabot ng mahigit

labingwalong buwan, ay ninais upang hatulan ang mga diyos ng Ehipto at subukang dalhin ang mga taga

Ehipt sa isang lugar ng pagtitiwala kay YHWH. Ang talata12 ay nagpapakita sa atin na ang mga himala

ng Diyos ay ginawa laban sa mga diyos ay para rin mapataas ang pananampalataya ng mga Israelita gaya

ng mga himala ni Hesus ay upang mapataas ang mga pananampalataya ng mga disipulo. Posibleng ang v.

12 ay maiuugnay sa paglalagalag sa ilang na periyod.

MGA TALAKAYANG TANONG

Ito ay isang komentaryong gabay sa pag-aaral, na nangangahulugan na ikaw ay may pananagutan sa

iyong sariling interpretasyon sa Bibliya. Ang bawat isa sa atin ay dapat lumakad sa liwanag na mayroon

tayo. Ikaw, ang Bibliya, at ang Banal sa Espiritu ay pangunahin sa interpretasyon. Hindi mo dapat iasa ito

sa taga-pagsuri.

Ang mga talakayang tanong na ito ay inihanda upang tulungan kang mag-isip sa pamamagitan ng mga

pangunahing paksa sa bahaging ito ng aklat. Ito ay nangahulugang dapat maging mapukaw-isip, hindi pang

kahulugan lamang.

1. Bakit ang heograpikal na lokasyon ng mga pangyayari sa aklat ng Deutronomio ay napakahalaga

2. Bakit itinago ng Diyos ang libingan ni Moses

3. Paanong ang v. 7 ay tila kumokontra sa 31:2

4. Ano ang kahalagahan ng pagpapatong ng kamay ni Moses kay Josue Paano ito maiuugnay sa

modernong ordinasyon

397

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!