29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

5. Hindi siya hihingi ng tulong sa Ehipto, v. 16

6. Hindi siya magtitiwala sa mga pampulitikang alyansa (“maraming mga asawa”), v. 17

7. Hindi siya magtitiwala sa mga kayamanan (“pagdagdag ng pilak at ginto”), v. 17

Mga Bilang 4-7 ay nagpapakita ng pagmamalabis ni Solomon! Ito ay natatangi sa sinaunang Near

East na kautusan na ang hari ay may tinakdang kapangyarihan, ngunit sa Diyos ng Israel:

1. Pagtatalaga ng lugar at mga panuntunan sa paghatol

2. Pagtatalaga ng huwaran sa pagsamba

3. Pagtatalaga ng mga takda (limitasyon) sa kapangyarihan, paghalili at kayamanan ng hari

4. Ang hari ay isa sa maraming mga kasama sa kasunduan (cf. v. 20)

5. Ang hari ay kailangang pag-aralan ng maigi at ipatupad (sa sarili at sa tanggapan) ang mga

kautusan ng Diyos (cf. vv. 18-19)

17:16 “Huwag lamang siyang magpaparami ng mga kabayo” Ang mga kabayo ay pag-aari lamang

ng mga pinuno, hindi ng pangkaraniwang tao. Ang isang kabayo ay isang sandatang pangdigma. Sa

ibang salita, “Huwag kang magtiwala sa iyong sandatahang lakas. Ako, ang Diyos, ang magtatanggol sa

iyo.”

“Huwag na ninyong babalikan mula ngayon ang daang yaon” Ito ay maaaring tumukoy sa isang

huling kasanayan sa pangangalakal ng mga Hebreong bumibili ng mga kabayo. Ang isang

pangkasaysayang halimbawa ay ang komunidad ng Elephantino. Gayunman, sa konteksto, inulit nitong

ipahayag ang pagdating ng hari kailangang magtiwala lamang kay YHWH nang lubusan!

17:17 “Huwag siyang magpaparami ng mga asawa” Ito ay tumutukoy sa (1) masakim na paggamit ng

kapangyarihan o mas higit na maaaring (2) pampulitika at pang-relihiyong mga kasunduan. Ito ang

sinaunang Near Eastern na paraan upang bumuo ng “walang pagsalakay” na mga kasunduan.

“huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto” Inilagay ng Diyos ang hari bilang Kanyang mas

mababang pastol. Ang isang mas mababang pastol ay hindi kailanman dapat maghangad ng pansariling

kayamanan o kapangyarihan.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 17:18-20

18 At mangyayari, na pagka siya'y luluklok sa luklukan ng kaniyang kaharian, ay kaniyang

susulatin ang isang salin ng kautusang ito sa isang aklat, na nasa harap ng mga saserdote na

mga Levita: 19 At mamamalagi sa kaniya, at kaniyang babasahin sa lahat ng mga araw ng

kaniyang buhay: upang siya'y magaral na matakot sa PANGINOON niyang Diyos, upang isagawa

ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ng mga palatuntunang ito; 20 Upang ang kaniyang

puso ay huwag magmataas sa kaniyang mga kapatid at siya'y huwag maligaw sa utos, maging

sa kanan, o sa kaliwa: upang kaniyang maparami ang kaniyang mga araw sa kaniyang

kaharian, niya, at ng kaniyang mga anak sa gitna ng Israel.

17:18-20 Ang mga talatang ito ay ang paglalagom sa kaugnayan hari sa nahayag na kalooban ng

Diyos (i.e., ang Kautusan).

17:18 “kaniyang susulatin ang isang salin ng kautusang ito” Ito ay maaaring tumukoy sa kaninuman

(i.e., isang Levitang saserdote) na gumagawa ng sipi para sa kanya (cf. II Mga Hari 11:12). Ito ang talata

kung saan nakuha ng Septuagint titulo ng aklat ng Deuteronomio (i.e., ang Pangalawang Kautusan),

ngunit sa konteksto ng talatang ito ay tumutukoy sa isang pangawalang kopya (sipi) ng Kautusan, hindi

isang pinagong salin ng Kautusan.

222

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!