29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

ariin ang mga bansang lalong dakila at lalong makapangyarihan kay sa iyo, na mga bayang

malaki at nakukutaan hanggang sa himpapawid, 2 Isang bayang malaki at mataas ng mga anak

ng Anaceo, na iyong nakikilala, at tungkol sa kanila ay narinig mo itong sinasabi, Sinong

makatatayo sa harap ng mga anak ni Anac 3 Talastasin mo nga sa araw na ito, na ang

PANGINOON mong Diyos ay siyang mangunguna sa iyo na parang mamumugnaw na apoy;

kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo; sa gayo'y iyong mapalalayas

sila, at iyong malilipol silang madali, na gaya ng sinalita sa iyo ng PANGINOON. 4 Huwag kang

magsasalita sa iyong puso, pagkatapos na mapalayas sila ng PANGINOON mong Diyos sa harap

mo, na iyong sasabihin, Dahil sa aking katuwiran ay ipinasok ako ng PANGINOON upang ariin

ang lupaing ito; na dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas ng PANGINOON sila sa

harap mo. 5 Hindi dahil sa iyong katuwiran o dahil sa pagtatapat ng iyong loob ay iyong

pinapasok upang ariin ang kanilang lupain: kundi ito ay dahil sa kasamaan ng mga bansang ito

ay pinalalayas sila ng Panginoong Diyos sa harap mo, at upang kaniyang papagtibayin ang

salita na isinumpa ng PANGINOON sa iyong mga magulang kay Abraham, kay Isaac, at kay

Jacob. 6 Talastasin mo nga na hindi ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos ang mabuting

lupaing ito upang ariin ng dahil sa iyong katuwiran; sapagka't ikaw ay isang bayang matigas

ang ulo.

9:1 “Dinggin” Ito ay ang Hebreong salita na shema (BDB 1033, KB 1570, Qal PAUTOS, cf. 4:1; 5:1; 6:3,4;

9:1; 20:3; 27:9), na nangangahulugang “pakinggan at pagkatapos ay gawin.” Tingnan ang tala sa 4:1.

“Oh Israel” Tingnan ang Natatanging Paksa sa 1:1.

“lalong makapangyarihan kay sa iyo, na mga bayang malaki” Ito ay isang naulit na paksa (tingnan

ang tala sa 1:28). Ang teolohikong punto (i.e., ang makapangyarihang pagpili ni YHWH at Kanyang

pangako sa mga Patriyarka) ay sa 7:6-9. Siya makapagkakatiwalaan at makatotohanan. Ang kanyang

katangian ay napalaki sa katigasan ng ulo at kasutilan ng Israel (cf. vv. 6,7,13,24,27; 10:16; 31:27).

9:2 “ang Anaceo. . .mga anak ni Anac” Sa Etimolohiya, ang salita ay nangangahulugang “mahabang

leeg” at samakatuwid, tumutukoy sa mga dambuhala. Sa Deuteronomio 2:10-11 sila ay nauugnay sa

mga Rephaim at sa Mga Bilang 13:33 sila ay nauugnay sa mga Nephilim. Tingnan ang Natatanging

Paksa sa 1:28.

“nakikilala” Tingnan ang buong tala sa 4:35.

9:3 “Talastasin” Ang PANDIWANG ito (BDB 393, KB 390, Qal GANAP) ay madalas na ginagamit at sa

maraming kaunawaan. Tingnan ang Natatanging Paksa sa 4:35.

“mamumugnaw na apoy” Ito ay BDB 77 na dinagdagan ng BDB 37. Ang talinghagang ito ay

naglalarawan ng kahatulan ng Diyos sa bayan ng lupain dahil sa kanilang kasamaan (cf. v.4-5; Gen 15:16).

Tingnan ang tala sa 4:24. Para sa isang mabuting maikling pagtalakay ng paglalarawan na ginamit upang

ilarawan ang Diyos, tingnan ang The Dictionary of The Biblical Imagery, pp.332-336.

“kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo” Ang dalawang MGA PANDIWA

ng pagsakop ay kahalintulad at tumutukoy sa mga pagkilos ni YHWH’s para sa Israel:

1. “lipulin” - BDB 1029, KB 1552, Hiphil DI-GANAP

2. “payukurin” - BDB 488, KB 484, Hiphil DI-GANAP

Tandaan din ang Israel ay kailangang kumilos sa pananampalataya at lumusob:

1. “iyong mapalalayas sila” - BDB 439, KB 441, Hiphil GANAP

2. “malilipol silang madali” - BDB 1, KB 2, Hiphil GANAP na may PANG-ABAY (BDB 555 II)

135

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!