29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 15:12-17

12 Kung ang iyong kapatid, na Hebreong lalake o babae, ay ipagbili sa iyo, at maglingkod sa

iyong anim na taon; sa ikapitong taon nga ay iyong papagpapaalaming laya sa iyo. 13 At pagka

iyong papagpapaalaming laya sa iyo, ay huwag mo siyang papagpapaalaming walang dala: 14 Iyo

siyang papagbabaunin na may kasaganaan ng bunga ng iyong kawan, at ng iyong giikan, at ng

iyong pisaan ng ubas, kung paano ang ipinagpala sa iyo ng PANGINOON mong Diyos, ay bibigyan

mo siya. 15 At iyong aalalahanin na ikaw ay alipin sa lupain ng Ehipto, at tinubos ka ng

PANGINOON mong Diyos: kaya't iniuutos ko sa iyo ngayon ang bagay na ito. 16 At mangyayari, na

kung sabihin niya sa iyo, Hindi ako aalis sa iyo; sapagka't iniibig ka niya at ang iyong bahay,

sapagka't kinalulugdan mo siya; 17 At kukuha ka nga ng isang pangbutas at ibutas mo sa

kaniyang tainga sa pintuan, at siya'y magiging iyong alipin magpakailan man. At sa iyong

aliping babae man ay gayon din ang iyong gagawin.

15:12 Sa literal, ito ay “kapatid” (BDB 26), ngunit ginamit sa pambansang kaunawaan ng “kasunduang

kasamahan” o “kamag-anak” (cf. Levitico 19:17; 25:25,35,36,39,47; Deuteronomio 15:12; 17:15). Ito ay

nagbibigay-diin sa pambansang pagkakaisa laban sa isang pang-tribong o pampamilya pagkakilanlan.

Ang kataga at teolohiyang ito ay katulad ng Galacia 6:10.

“Hebreo” Ang salita “Hebreo” (BDB 720, KB 782) ay isang di-karaniwang salita sa OT. Ito ay

tumutukoy sa alinmana sa (1) panliping mga inaanak ni Eber, ang apo ni Shem (cf. Genesis 10:21; (2)

isang salita na naglalarawan isang malaking pangkat ng mga Semita (Habiru) sa Sinaunang Near East, na

nangibang-bayan mula sa Mesopotamia bilang mga lagalag noong pangalawang sanlibong taon; o (3)

isang naihiwalay na pangkat ng mga mahirap na dayuhang manggagawa (ang salita ginamit sa mga

banyaga upang ilarawan ang pamilya nina Abraham, Jacob at Jose).

“lalake o babae” Ito ay nagpapakita ng legal na pagkakapantay-pantay (cf. v. 17, gayundin

pansinin ang Genesis 1:26-27). Ang mas naunang kautusang kodigo ay hiwalay sa kanila (i.e., men -

Exodo 21:2-6; mga kababaihan - Exodo 21:7-11). Ito ay isang sukdulang paglayo mula sa Kodigo ni

Hammurabi, isang legal na kasulatan sa Babilonya bago pa si Moises, at ang pangkulturang sistema ng

mga bansa ng Canaan. Ang bayan ng Diyos ay naiiba!

“ay ipagbili sa iyo” Ang PANDIWA (BDB 569, KB 581, Niphal DI-GANAP) na tumutukoy sa sinuman

na naipagbili ang kanyang sarili/herself sa isang kasunduang paglilingkod (cf. Levitico 25:39,47,48,50;

ang kapwa Hebreo ay natalakay sa vv. 39- 46; Exodo 21:2-6).

“maglingkod sa iyong anim na taon” Ito ay tila hindi kaugnay sa kronolohiya ang Sabbatikong

taon na nabanggit sa vv. 1-11, ngunit kung gayun nga, samakatuwid ang kahulugan ng v. 9 ay di-tiyak.

“sa ikapitong taon nga ay iyong papagpapaalaming laya sa iyo” Ang PANDIWANG ito (BDB 1018,

KB 1511, Piel DI-GANAP) ay napakahalaga na ito ay naulit nang tatlong beses sa vv. 12-13.

15:14 Kapag ang alipin ay napalaya pagkatapos ng kanyang anim na mga taon ng paglilingkod, siya ay

kailangang bigyan ng lahat na kaniyang kailangan upang magtatag ng kanyang pamilya.

1. “iyo siyang papagbabaunin na may kasaganaan,” Ito ay isa pang PAWATAS NA LUBUSAN at DI-

GANAP NA PANDIWA. Ito ay isang Hebreong kataga, sa literal, “ikaw ay walang alinlangan

gagawa ng kuwintas para sa kanya.” Tingnan ang Kaunawaang Kontekstuwal C, 1, g.

2. Pansinin ang mga bagay in ibinigay:

a. mula sa kawan

b. mula sa giikan

c. mula sa lalagyan ng alak

198

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!