29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

NASB, NKJV “mga pinuno”

NRSV, TEV “mga puno”

NJB

“mga tagasulat”

Ang salitang ito (BDB 1009) sa orihinal, ay tumutukoy sa isang tagasulat, ngunit ito ay tila hindi

akma sa kanyang paggamit sa Deuteronomio 1:15; 20:5,8,9; o Josue 1:10,32. Sa kontekstong ito, ito ay

tila tumutukoy sa isang mas mababang hukom o tagatulong sa mga pinunong pantribu.

Ang Handbook on Deuteronomy ng UBS ay nagsasabing, “sila ay makikita kasama ang mga

nakakatanda (Mga Bilang 11:16) at kasama ang mga hukom (Deuteronomio 16:18; Josue 8:33), at

gayundin sa isang panghukbong konteksto (Deuteronomio 20:5,8,9; Josue 1:10; 3:2)” p. 26.

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 1:16-18

16 At aking pinagbilinan ang inyong mga hukom nang panahong yaon na sinasabi, Inyong

dinggin ang mga usap ng inyong mga kapatid, at inyong hatulan ng matuwid ang tao at ang

kaniyang kapatid, at ang taga ibang lupa na kasama niya. 17 Huwag kayong magtatangi ng tao sa

kahatulan; inyong didinggin ang maliliit, na gaya ng malaki: huwag kayong matatakot sa mukha

ng tao; sapagka't ang kahatulan ay sa Diyos: at ang usap na napakahirap sa inyo, ay inyong

dadalhin sa akin, at aking didinggin. 18 At aking iniutos sa inyo nang panahong yaon ang lahat ng

mga bagay na inyong dapat gagawin.

1:16-17 Inutusan ni Moises ang mga bagong pantribung hukom na walang pinapanigan (cf. 16:19;

24:17). Ang kawalang-pinapanigan ay isang katangian ng Diyos (cf. 10:17). Ang Israel ay inaasahang

maging isang lungsod at lipunan na maghahayag ng katangian ni YHWH upang ang mundo ay maaaring

dumating sa paglagak ng kanilang pagtitiwala at pananampalataya sa Kanya. Bahat pa noong Pagbagsak

(i.e., Genesis 3) ito na ang plano ng Diyos. Nabigo ang Israel, ngunit ang tunay na Israelita (i.e. Hesus, cf.

Isaias 53) ay nagtagumpay (e.g., Juan 14:5-7, 8-11).

“taga ibang lupa” Ang mga di-Hudyo ay itinuturing na magkatumbas sa pangkautusang (legal) na

nasasakupan (cf. Levitico 19:33-34,35). Ang Israel ay dapat makitungo sa kanila ng may biyaya (cf. Levitico

23:22; Deuteronomio 10:19; 24:17; 27:19). Ang Israel ay naging taga ibang lupa sa Ehipto (cf. Exodo

22:21; 23:9) at nalalaman nila ang pakiramdam nito!

“ng matuwid” Tingnan ang Natatanging Paksa sa ibaba.

NATATANGING PAKSA: KATUWIRAN

Ang “Katuwiran” ay isang tunay na napakahalagang paksa na ang estudyante ng Bibliya ay dapat

gumawa ng matinding personal na pag-aaral sa konsepto.

Sa OT ang katangian ng Diyos ay inilarawan bilang “makatarungan” o “matuwid” (BDB 841). Ang

Mesopotamyang salita mismo ay nagmula sa tambo ng ilog na ginamit kagamitan sa pagkakayari

(konstruksyon) upang hatulan ang pahalang na katuwidan ng mga haligi at bakod. Ang Diyos ay pinili

ang salita upang gamitin ng metaporikal para sa Kanyang sarili kalikasan. Siya ay tuwid na pinuno na

ang lahat ay hinahatulan. Ang konseptong ito ay nagsasaysay sa katuwiran ng Diyos gayun din ang

Kanyang wastong paghahatol.

Ang tao ay nilalang ayon sa wangis ng Diyos (cf. Genesis 1:26-27; 5:1,3; 9:6). Ang sangkatauhan ay

nilikha para sa pakikisama sa Diyos. Lahat ng nilikha ay isang entablo o senaryo para sa interaksyon ng

Diyos at sangkatauhan. Ang Diyos ay nagnais na ang Kanyang pinkamataas na nilikha, ang

sangkatauhan, ay makilala Siya, mahalin Siya, paglingkuran Siya, ang maging kagaya Niya! Ang

katapatan ng sangkatauhan ay nasubukan(cf. Genesis 3) at ang orihinal na mag-asawa ay nabigo sa

pagsubok. Ito ay nagbunga ng pagkabuwag ng ugnayan sa pagitan ng Diyos at mga tao (cf. Genesis 3;

25

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!