29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

matatagpuan lamang dito. Dahil sa heograpikal na posisyon ng Asher, sa pangunahing daanang ruta mula

sa Fertile Crescent pababa sa Ehipto, kung ang Asher ay babagsak, ang buong lupain ay babagsak (mula sa

isang katimugang pananalakay). Siya ay itinuturing na pintuan at halang sa Lupang Pangako.

NASB “At kung paano ang iyong mga kaarawan ay magkagayon nawa ang iyong lakas”

NKJV, NJB “kanlungan”

NRSV “Napasuko Niya ang mga sinaunang mga diyos”

TEV “ipagtanggol”

Ang nagbibigay kahulugan na katanungan ay ang ang kahulugan ng PANGALAN (BDB 179)

1. lakas (i.e., malakas na buhay)

2. seguridad (i.e., walang pananalakay)

TALATA SA NASB (BINAGO): 33:26-29

26

"Walang gaya ng Diyos, Oh Jeshurun,

Na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo,

At sa himpapawid dahil sa Kaniyang karangalan.

27

Ang walang hanggang Diyos ay iyong dakong tahanan,

At sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig;

At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway,

At sinabi, ‘Lansagin mo!’

28

At ang Israel ay tumatahang tiwala,

Ang bukal ng Jacob na nagiisa,

Sa isang lupain ng trigo at alak;

Oo't, ang kaniyang mga langit ay nagbababa ng hamog.

29

Maginhawa ka, Oh Israel;

Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon,

Ng kalasag na iyong tulong

At siyang tabak ng iyong karangalan!

At ang iyong mga kaaway ay susuko sa iyo,

At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako."

33:26-29 Ang mga talatang ito ay transisyong seksyon n nagpupuri sa kaibahan at kapangyarihan ni

YHWH! Ang Jeshurun ay ginamit bilang designasyon para sa Israel (cf. 32:15). Ang mga talatang ito (i.e.,

v. 26 linya b & c; v. 28 linya c &d; v. 29:linya f) ay gumagamit ng mga parirala na karaniwang tumukoy sa

pagkamayabong na diyos, na si Ba’al, nagpapahiwatig na lahat ng mga bagay na sinabi patungkol kay Ba’al

ay hindi totoo patungkol sa kanya, ngunit totoo para kay YHWH. Si YHWH ay ang tanging Diyos.

33:26 “Walang gaya ng Diyos” Tignan puna sa 4:35.

33:27 “Ang walang hanggang Diyos” Elohim ay madalas na sinasamahan ng mga katangian:

1. ang eternal na Elohim, dito

2. ang walang katapusang Elohim, Isaias 28

3. ang tunay na Elohim, II Cronico 15:3; Isaias 65:16

4. ang Elohim ng lahat ng laman, Jeremias 32:27 (kahawig sa Bilang 16:22; 27:16)

5. ang Elohim ng langit heaven, Genesis 24:3,7; II Cronico 36:33; Ezra 1:2; Nehemias 1:4,5; 2:4,20

6. isang Elohim na laging nandiyan hand (o laging malapit), Jeremias 23:23

7. Elohim ng aking (o ating) kaligtasan, Awit 18:46; 24:5; 25:5; 27:9; 65:5; 79:9; 85:4; Isaias 17:10

8. Elohim ng aking katuwiran, Awit 4:1

390

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!