29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

3. katibayan na ang babae ay palagiang nagkakaroon ng regla bago ang kasalan upang patunayan

na hindi siya buntis

Ang bilang 2 ay tila dapat tanggalin sapagkat ang asawang lalaki ay maaaring hindi nalalaman na tiyakan

kung kailan ito ginawa.

“sa harap ng matatanda sa lungsod” Ito ay maaaring tumukoy sa mga itinalagang mga tagahatol na

nagdadaos ng pagdinig sa pinto ng lungsod gate o sa isang itinalagang lugar (i.e., malaking puno,

natatanging muhon, o pangunahing lansangan).

22:18 “kukunin ang lalaki at parurusahan siya” Ito ay maaaring mangahulugang papaluin ang isang

lalaki ng apatnapung hagupit (cf. 25:2-3), ngunit kung ito nga na ginagamit lamang sa terminong ito

(BDB 415, KB 418) sa OT, kung saan ito ay kadalasang tumutukoy sa pagtuturo (cf. 21:18, NIDOTTE,

tomo 2, pp. 479-481).

22:19 “sisingilin siya” Ang lalaki ay parurusahan at pagmumultahin sapagkat kanyang sinira (sa literal,

“nagdala ng isang masamang pangalan”) sa isang birhen ng Israel. Ang multa ay tila doble ng kung

anong ibabayad (dote) para sa isang babae bilang isang ikakasal (cf. 22:29). Ang pahiwatig may payak

na nais niyang makuha pabalik ang salapi mula sa ama ng dalaga.

“isang donselya sa Israel:” Ito ay isang pamitagan (ngunit inaasahan) na paglalarawang titulo ng

lahat ng mga magiging asawang babae sa teokrasiya ng Diyos.

22:19, 29 “siya'y magiging kaniyang asawa; hindi niya mapalalayas siya sa lahat ng kaniyang

kaarawan” Ito ay isang hangganan sa karapatan ng mga lalaki. Ang mga babae sa Israel ay walang

karapatang makipaghiwalay (diborsyo). Ang kautusang ito ay nagtatanggol sa karapatan sa mga

mamanahin ng mga anak ng babae (cf. 21:15-17).

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 22:20-21

20 Nguni't kung ang bagay na ito ay totoo na ang mga tanda ng wala pang karanasan ay

hindi masumpungan sa dalaga; 21 Ay kanila ngang ilalabas ang dalaga sa pintuan ng bahay ng

kaniyang ama, at babatuhin siya ng mga bato, ng mga lalaki sa kaniyang lungsod upang siya'y

mamatay: sapagkat nagkasala siya ng isang kaululan sa Israel, na nagpatutot sa bahay ng

kaniyang ama: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

22:20, 21 Kadalasan, ang pagbato ay ginagawa sa labas ng pinto ng lungsod. Tingnan ang Natatanging

Paksa: Ang Parusang Kamatayan sa Israel sa 21:21. Dahil sa Hebreong konsepto ng pangkalahatan, ang

ama ay may pananagutan para sa pagkilos ng kanyang anak na babae at, samakatuwid, ang kaparusahan

ay nagaganap sa kanyang pinto!

Ang parusa para sa isang bulaan saksi ay kadalasang kamatayan. Isang maliwanag dalawahang

pamantayan ang makikito dito, kung saan, ang paratang ng asawang lalaki ay totoo, ang babae ay

babatuhin, ngunit kung ito ay bulaan (kahit na masamang budhi) siya ay pinaparusahan at pinagbabayad,

ngunit hindi binabato (cf. 19:19). Ang mga kababaihan ay hindi nagtataglay ng katulad na legal na mga

karapatan at pangangalag sa mga lalaki sa OT. Ang kahabagan ay ipinakita, ngunit hindi mga karapatan!

22:21 “isang kaululan” Ang terminong ito (BDB 615) ay ginamit sa mga di-nararapat na gawaing

sekswal:

1. Genesis 34:7 (ang isang di-Israelita ay ipinilit ang kanyang sarili sa babaeng anak ni Jacob)

2. Deuteronomio 22:21 (pagkawala ng pagiging birhen)

3. Mga Hukom 19:23; 20:6,10 (ang mga pagano ay linusob ang isang kerida ng Levita)

4. II Samuel 13:12-13 (Ammon, Ang unang anak ni David, ay ginahasa ang kanyang kalahating

kapatid na babae)

262

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!