29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

D. Mga Propeta - 18:9-22

1. bulaan - mga kabanata 9-13

2. tunay - mga kabanata 14-22

a. kasalukuyan (Moises)

b. panghinaharap (bago at pagkatapos ng pagkatapon)

c. eskatolohiko (Mesias)

PAG-AARAL NG SALITA AT PARIRALA

TEKSTO SA NASB (BINAGO): 18:1-2

1 Ang mga saserdote na mga Levita, ang buong lipi ni Levi, ay hindi magkakaroon ng

bahagi ni mana na kasama ng Israel; sila'y kakain ng mga handog sa PANGINOON na pinaraan

sa apoy, at ng kaniyang mana. 2 At sila'y hindi magkakaroon ng mana na kasama ng kanilang

mga kapatid; ang PANGINOON ang kanilang mana, gaya ng sinalita niya sa kanila.

18:1 “Ang mga saserdote na mga Levita, ang buong lipi ni Levi,” Ayon kay Roland de Vaux, Ancient

Israel, tomo 2, p. 358, ang pangalang Levi ay may tatlong maaaring etimolohikong mga pinagmulan:

1. “magpaikot-ikot,” ipinapalagay ang isang pang-ritwal na sayaw o pamamaraan (katulad sa

sayaw ng mga propeta ni Ba’al sa I Mga Hari 18:26)

2. “samahan ang isang tao” o “may kaugnayan sa isang tao, “ maaaring ang kilalang etimolohiya

ay binigay sa Genesis 29:34, tingnan din ang Bilang 18:2,4

3. “magpahiram,” “magkaloob bilang isang pangako,” maaaring tumukoy sa at katuland ng

“ipinagkaloob” na tumutukoy sa unang isinilang kay YHWH (Bilang 3:12; 8:16) o kay Samuel

na ipinagkaloob kay YHWH sa I Samuel 1:28

Mayroong maraming kinapapaloobang mga umuuntad na yugto:

1. sa Exodo, ito ay ang unang ipinanganak (panganay) mula sa bawat pamilya na ipinagkaloob kay

YHWH, upang paglingkuran Siya (cf. Exodo 13)

2. ito ay nabago (Mosaikong Kasunduan) sa isang tiyak na angkan (i.e., Levi) na gaganap

iblang natatanging mga lingkod ni YHWH (cf. Bilang 3:12; 8:16)

3. ito ay iniba sa kasaysayan ng Israel:

a. ang ilang mga Levitang pamilya ay naglingkod sa punong dambana

b. ang iba ay naglingkod sa lokal

c. sa huli ang rabinikong Judaismo ay pinalawak ang konsepto ng lokal na mga Levitang

mga guro sa lokal na mga rabi o eskriba, ngunit hindi kailangang mula sa angkan (lipi) ni

Levi

4. para sa isang mabuting pagtalakay ng iba pang teoriya, tingnana ang (1) The Language and

Imagery of the Bible, ni G. B. Caird, p. 70 at (2) Ancient Israel ni Roland de Vaux, tomo 2, pp.

360-371

“hindi magkakaroon ng bahagi ni mana” Ang minana ng nga Levita ay ang Diyos mismo (cf. 10:9;

12:12; 14:27, 29; Mga Awit 16:5; 73:23-26; Panaghoy 3:24; Ezekiel 28). Sa Josue 20-21 ang mga Levita

ay pinagkalooban ng mga bahagi ng 48 na lungsod at nakapalibot na lupain bilang isang pagmamay-ari.

Sa 48 mga lungsod mayroon ding anim na mga Lungsod ng Kanlungan, tatlong sa bawat ng panig ng

Jordan, kung saan ang isang tao ay maaaring magtago kung siya ay hindi sinasadyang nakapatay ng isang

kasama sa kasunduan upang makatakas sa “tagapaghiganti sa dugo” (cf. 19:1-13; Bilang 35:9-15).

“sila'y kakain ng mga handog sa PANGINOON” Sa orihinal ang lahat ng mga Levita lumalahok sa

isang bahagi ng mga paghahandog sa Israel (cf. vv. 6-8). Sa huli, ang mga saserdote ay tinutulungans sa

pagkain mula sa altar at maliit na piraso ng pribadong lupain na nakapalibot sa Levitikong mga lungsod.

Gayundin, ang mga Levita ay itinataguyod ng isang ikatlong-taong lokal na ikapu (cf. 14:27; Bilang 18:

225

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!