29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

sa akin ng PANGINOON. 5 At ako'y pumihit at bumaba mula sa bundok, at aking isinilid ang mga

tapyas sa kaban na aking ginawa, at nangandoon, na gaya ng iniutos sa akin ng PANGINOON.

10:1 “sa bundok” Ito ay tumutukoy sa Bundok ng Horeb/Bundok ng Sinai. Tingnan ang Natatanging

Paksa sa 1:2.

Inihahanday ni Moises ang kanyang pangalawang pakikitagpo kay YHWH:

1. “Humugis ka ng dalawang tapyas na bato” - BDB 820, KB 949, Qal PAUTOS, cf. Exodo 34:1,4

2. “sampahin mo Ako” - BDB 748, KB 828, Qal PAUTOS

3. “gumawa ka ng isang kaban” - BDB 793, KB 889, Qal GANAP, cf. Exodo 25:10

Ang ng kasunduang Heteo ay kailangan ding ng dalawang kopya ng mga kasunduan. Ang isa ay

ibinibigay sa mas mababang hari upang basahin bawat taon at ang isa pa ay inilalagay sa templo ng Diyos

ng mas dakilang hari. Tingnan ang Panimula sa aklat, VII.

“gumawa ka ng isang kaban na kahoy” Exodo 37:1 ay nagsabing si Bezalel ang gumawa ng Kaban

ng Kasunduan. Si Rashi ay nagsabing ang mga detalye ng Kaban (Arko) ay hindi ibinigay hanggang sa

bumama si Moises sa pangalawang pagkakataon mula Bundok ng Sinai. Samakatuwid, si Moises

kailangang gumawa muna ng isang magaspang na kaban at samakatuwid pagkatapos, si Bezalel ay

gumawa ng isa pang mas detalyado (cf. Exodo 25:10- 22). Ang unang kabang ito, na ginawang mabilis

ni Moises, ang tanging nagtaglay ng Sampung Utos (cf. I Mga Hari 8:9). Ang sumunod na isa: ang

Sampung Utos, isang halimbawa ng mana, at ang umusbong na tungkod ni Aaron. Para sa isang mabuting

maikling pagtalakay, tingnan si Roland de Vaux, Ancient Israel, tomo 2, pp. 292-303.

10:2 “aking isusulat” Si YHWH ang nagsulat ng kautusan, sa talata 4 at Exodo 34:1. Gayunman, Exodo

34:27 ay nagsasabi ng pagsusulat ni Moises. Maaaring ang Diyos ang nagsulat ng Sampung Utos, ngunit

si Moises ang nagsulat ng paglalarawan at pagpapahayag na materyal, na nagpapaliwanag at nag-aangkop

nito. Hindi ito kaisipan ni Moises o ang kanyang pangkulturang impluwensiya, ngunit ang Diyos na

pinagmulan ngKautusan. Ginamit ng Diyos ang mga pangkulturang halimbawa at binuo kay Moises ang

pamilyar sa kanya. Sa maraming mga paraan ang anyo ng Kautusan ay katulad ng kautusan sa Babilonya,

ngunit ang nilalaman ay naiiba.

“sa kaban” Ang paglalagak na ito ng natatanging mga kasulatan sa harapan ng diyos ay katangian ng

Near East. Ihambing ang Egyptian Book of the Dead (sa isang kahon sa ilalalim ng paa ni Thot) at ang

mga Kasunduan ngHeteo Suzerain ng pangalawang sanlibong taon B.C. Tingnan ang Panimula sa

aklat,VII.

10:3 “kahoy na akasia” Ito ay isang matigas, kulay kayumanggi-dalandang kahoy (BDB 1008) na

lumalago sa disyerto. Ito ay isang pangkaraniwan maliit ng disyertong puno (cf. Isaias 41:19). Ng kahoy

na ito ay maiuugnay sa lahat ng kasangkapan ng tabernakulo. Ito makikitang tanging dito sa labas ng

aklat ng Exodo.

10:4 “ang Sampung Utos” Sa literal ito ay “ang sampung mga salita” (BDB 796 NA KAYARIAN BDB 182).

Ang pangunahing katangian, sandigan kautusan ay lubhang maikli at ipinahayag sa pangkalahatang mga

prinsipyo. Sila ay nag-uutos ng isang napakalapit, pantanging pakikipag-ugnayan kay YHWH (cf. v.

20), na naglalarawan ng natatanging pagsamba at pagsunod, na samakatuwid ay nag-uutos ng isang

nararapat nakikiramay na pakikipag-ugnayan sa ibang mga kasapi (miyembro) ng kasunduan (at

gayundin sa mga hindi kasapi, cf. 10:17-19). Ang pagkakilala kay YHWH ay nakakaapekto ng lahat ng

buhay at kanyang mga inuuna (prayoridad)!

“sa bundok mula sa gitna ng apoy” Ito ay tumutukoy sa presenya ng Diyos sa Bundok ng

144

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!