29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

4:12 “ngunit wala kayong anyong nakita” Diyos ay walang pisikal na anyo (cf. Juan 4:24). Hinayaan

niya si Moises na tingnan ang Kanyang “aninag” sa Exodo 33:23. Si YHWH ay hindi naghahangad ng

kinatawan dahil ang nalugmok na sangkatauhan ay may pagkahilig sa pagsamba sa diyus-diyusan (cf. vv.

15-19).

4:13 “kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang kasunduan” Ang PANDIWANG ito (BDB 616, KB

665, Hiphil DI-GANAP), kapag ginamit kasama ang Diyos bilang ang paksa, ay nagpapakilala ng bagong

kapahayagan (e.g., II Samuel 7:11; Isaias 42:9; 45:19; Amos 4:13).

Ang DI-GANAP na panahunan ay nagpapahiwatig na ang “sampung mga salita” ay hindi lahat

kapahayagan ni YHWH. Karamihan sa aklat ng Exodo at Deuteronomio ay mga paliwanag ng mga

kahihinatnan ng Sampung Utos. Tingnan ang Natatanging Paksa sa ibaba.

NATATANGING PAKSA: KASUNDUAN (TIPAN)

Ang salitang OT na berith (BDB 136), kasunduan, ay hindi madaling ipaliwanag. Ito ay walang

katulad na PANDIWA sa Hebreo. Ang lahat ng mga pagsisikap na makuha ang pinanggalingang

etimolohikong kahulugan ay napatunayang hindi kapani-paniwala. Gayunman, ang maliwanag na

nasa gitna ng konsepto ay nagtulak sa mga iskolar na pag-aralan ang pagkagamit ng salita na

nagtatangkang malaman ang kanyang umiiral na kahulugan.

Ang kasunduan ay nangangahulugang ang isang tunay na Diyos ay nakikipag-ugnayan sa

Kanyang nilalang na sangkatauhan. Ang konsepto ng kasunduan, tratado, o pinagsang-ayunan ay

napakahalaga sapagkaunawa ng biblikal na kapahayagan. Ang pag-igting (tensyon) sa pagitan ng

pagiging makapangyarihan ng Diyos at malayang pagpili na tao ay maliwanag na makikita sa

konsepto ng kasunduan. Ang ilang mga kasunduan ay nakabatay lamang sa katangian at mga

pagkilos ng Diyos.

1. Ang paglalang mismo (cf. Genesis 1-2)

2. Ang panawagan kay Abraham (cf. Genesis 12)

3. Ang kasunduan kay Abraham (cf. Genesis 15)

4. Ang pagpapanatili at pangako kay Noah (cf. Genesis 6-9)

Gayunman, ang pinakalikas ng kasunduan ay nangangailangan ng pagtugon.

1. Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Adan ay kailangang sumunod sa Diyos at hindi

kumain ng bunga ng puno sa gitna ng Eden

2. sa pamamagitan ng pananampalataya, si Abraham ay kailangang iwan ang kanyang pamilya,

sumunod sa Diyos, at manampalataya sa mga salinlahi sa hinaharap

3. sa pamamagitan ng pananampalataya, si Noah ay kailangang gumawa ng isang malaking

bangka na malayo sa tubig at itipon ang mga hayop

4. sa pamamagitan ng pananampalataya, si Moises ay inilabas ang mga Israelita sa Ehipto

patungong Bundok ng Sinai at tumanggap ang tiyak na mga pamatnubay para sa pangrelihiyon

at panlipunang pamumuhay na may mga pangako ng mga pagpapala at mga sumpa

(cf. Deuteronomio 27-28)

Ang katulad na pag-igting (tensyon) na ito na kinapapalooban ng pakikipag-ugnayan ng Diyos sa

sangkatauhan ay isinaalang-alang sa “bagong kasunduan.” Ang pag-igting (tensyon) ay maaaring

maliwanag na makita sa pagtutulad ng Ezekiel 18 sa Ezekiel 36:27-37 (pagkilos ni YHWH). Ang

kasunduan ba ay sang-ayon sa mapagbiyayang pagkilos ng Diyos o inuudyukan ng pagtugon ng tao

Ito ang lumiliyab na isyu ng Lumang Kasunduan at ng Bago. Ang layunin ng dalawa ay iisa: (1) ang

pagpapanumbalik ng pagkikipag-ugnayan kay YHWH na nawala sa Genesis 3 at (2) ang pagtatatag

ng isang matuwid na bayan na magpapakita ng katangian ng Diyos.

Ang bagong kasunduan ng Jeremias 31:31-34 ay linulutas ang pag-igting (tensyon) sa

pamamagitan ng pagtanggal sa pagsusumikap ng tao bilang paraan ng pagtatamo ng pagtanggap.

71

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!