29.01.2015 Views

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

Deuteronomio - Free Bible Commentary

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Ang pagsasakatuparan ng tao ay naging isang hatol ng kamatayan (cf. Colosas 2:14).

3. Si Hesus, ang walang kasalanang tupa ng Diyos, ay dumating at namatay para sa ating

kalalagayan (cf. Juan 1:29; II Corinto 5:21). Tayo ay binili mula sa kasalanan upang

tayo ay maglingkod sa Diyos (cf. Roma 6).

4. Sa pamamagitan ng pagsasangkot, kapwa sina YHWH at Hesus ay “malapit na kamaganak”

na kikilos para sa atin. Ito ay nagpapatuloy ng mga pampamilyang talinghaga

(i.e., ama, asawang lalaki, anak na lalaki, kapatid na lalaki, malapit na kamag-anak).

5. Ang katubusan ay hindi isang halagang ibinayad kay Satanas (i.e., teolohiyang

Medieval), kundi ang pagkakasundo ng salita ng Diyos at kahatulan ng Diyos na

maraming pag-ibig ng Diyos at buong pagtustos kay Kristo. Sa krus, kapayapaan ay

napanumbalik, ang paghihimagsik ng sangkatauhan ay pinatawad, ang larawan ng Diyos

sa sangkatauhan ngayon ay lubusan muling gumagana sa malapit na pakikipag-ugnayan!

6. Mayroon pang isang panghinaharap na aspecto ng katubusan (cf. Roma 8:23; Efeso

1:14; 4:30), na kinabibilangang ng ating mga katawan sa muling pagkabuhay at personal

na malapit na ugnayan sa Trinidad na Diyos.

7:9 “Talastasin” Tingnan ang buong tala sa 4:35.

Pansinin kung ano “nalalaman” ng mga Israelita (BDB 393, KB 390, Qal GANAP) patungkol sa Diyos:

1. “PANGINOON mong Diyos, Siya ay Diyos” - lahat ng MGA PANGNGALAN, cf. 4:35,39 na may

TIYAK NA PANTUKOY bago ang huling Elohim

2. “ang matapat na Diyos” - BDB 52, Niphal PANDIWARI, cf. Isaias 49:7. Ito ay isang

pangunahing teolohikong pagbibigay-diin (cf. Mga Awit 89)! Ito ay binigyang kahulugan sa

pamamagitan ng susunod dalawang bagay.

3. “siyang nag-iingat ng Kanyang kasunduan” - PANDIWA, BDB 1036, KB 1581, Qal TAHAS NA

PANDIWARI, cf. v. 12; Genesis 28:15,20; Josue 24:17; Mga Awit 146:6

4. “at Kanyang mapagkandiling pagmamahal” - PANGNGALAN, BDB 338, cf. vv. 9,12; I Mga Hari

8:23; II Cronica 6:14; Nehemias 1:5; 9:32; Daniel 9:4

Sa liwanag nito, sila ay :

1. Iibig sa Kaniya, v. 9, BDB 12, KB 17,Qal TAHAS NA PANDIWARI (cf. 6:5; 7;13; 11:1,13,22; 13:3).

Tingnan ang buong tala sa 5:10.

2. Iingatan ang Kanyang mga kautusan, v. 9, BDB 1036, KB 1581, Qal TAHAS NA PANDIWARI.

Tingnan ang tala sa 5:1.

Pansinin ang pagtitimbang sa pagitan ng katapatan ng Diyos at katapatan ng Israel! Ang pagpapala mula

pag-ibig, pansariling pagsunod sa pakikipag-ugnayan kay YHWH ay umaagos sa “sanlibong” salin-lahi.

Ang isang libo ay isangtalinghaga para sa dakilang kasaganahan, hindi palaging literal (cf. Mga Awit

90:4; Pahayag 20:2,3,4,7). Tingnan ang tala sa 5:9.

7:10-11 Pansinin pagtugon ni YHWH sa kanila na “napopoot sa Kaniya” - BDB 971, KB 1338, Qal

TAHAS NA PANDIWARI, cf. 5:9; Exodo 20:5; Mga Bilang 10:35; II Cronica 19:2; Mga Awit 68:1; 81:15;

83:2; 139:21:

1. “sirain sila” - BDB 1, KB 2, Hiphil PAWATAS NA PAGKAKAYARI

2. “pagbayarin sil sa kanyang mukha” - BDB 1022, KB 1532, Piel DI-GANAP, ay nangangahulugang

“kabayaran,” “ganti,” cf. Jeremias 51:24

7:11 “ang utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan” Tingnan ang Natatanging Paksa sa

4:1.

121

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!